unang pagkakilala...unang inuman...

0 0 0
                                    

bago lng ako sa pinapasukan kong kompanya...wala pa akong ganun kakilala...
siyempre nakikisama ako...nakikipagkilala...

may boyfriend akong foreigner nun...kaso bigla nlng nakipaghiwalay na siyang naging dahilan kung bakit nalulong ako sa pag inom ng alak...at kung bakit durog na durog ang puso ko...

november ng makilala ko ang isang kasamahan ko sa trabaho tawagin nlng natin cyang master...

isang hapon...lumapit siya sakin at niyaya akong uminom after office...nag isip naman ako kasi hindi ko naman siya gaanong kakilala.pero sabi naman ng officemate ko ok naman daw.sumama ako siguro kasi naramdaman ko na may pinagdadaanan din siya kagaya ko...

unang bote...kwentuhan tungkol sa mga dahilan kung bakit siya nagyayang uminom...yung pakiramdam na...magaan ang loob nyo sa isat isa...hanggang sa nahkwento siya na niloloko siya ng ka live in niya...habang ako nakapag labas na rin ako ng sama ng loob.

nalaman kong niloloko siya ng ka live in nya pero hinahayaan lang nya...siguro kasi mahal nya kaya nagpapakatanga siya???

naawa ako kaya pinayuhan ko siya na...hindi dapat ganun...dapat lumaban siya...dapat kung pinili ng babae na maging masaya sa piling ng iba dapat ganun ka rin.hindi naman tamang huminto ang mundo natin para sa iisang tao lng...

siguro habang naguusap kami tumatatsk sa isip nya ang ang sinasabi ko...mga hakbang na ginawa ko para magamot ko ang puso kong sugatan.

inom...inom...hanggang sa natapos...uuwi na ko ng mag offer siya na ihatid ako.pumayag naman ako kasi mejo mahirap sumakay pauwi...habang nasa daan e bigla pala kami naflatan ng gulong. .dali dali kami naghanap ng vulcanizing shop...at habang nag aantay kami...hindi ko napapansin na nakatingin pala siya sakin...lumapit at hinawi ang buhok ko...mga sandaling yun na may kung ano na pala siyang nararamdaman sakin...

nakauwi naman ako ng maayos ng gabing un.

sobrang mahal...sobra ding nasaktan ...Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang