A

2.1K 58 10
                                    

"JEFFREY!" Sigaw ko.

Agad naman syang lumingon kaya nagtago na ako dito sa poste.

OMG. Sana hindi nya ako nakita.

Napaupo ako habang nagtatago sa poste.

"Ikaw ba ang tumawag sa akin?"

Napatingala naman ako sa nagsalita at nakita ko si Jeffrey.

PATAY TAYO DYAN! Nahuli nya ako. Kailangan kong malusutan ito.

"Ha? Anong nagtawag sayo? Excuse me, do I know you?" Mataray kong sabi na agad nang tumayo.

"Ikaw lang naman ang tao dito eh," sabi nya.

"Grabe. Napaka feelingero mo naman Jeffrey," banggit ko.

"Sabi mo hindi mo ako kilala pero alam mo ang pangalan ko," inis nyang sabi.

Hala! Galit sya. Huhuhu.

"Ah...eh...Tama ba ako? Jeffrey ba ang pangalan mo? Wow. Ang galing ko naman manghula."

Tinignan naman nya ako ng masama.

"Para kang tanga. Sorry pero hindi ako nag aaksaya ng oras sa mga makukulit na babaeng katulad mo," sabi nya at agad na syang umalis.

Grabe. Napaka suplado naman nya. Sabi nila mabait sya pero parang hindi naman. Ang gwapo pa naman nya.

Ako nga pala si Jessy, third year taking Dentistry here in University of the East.

Simpleng estudyante lang ako ng UE at di napapansin ng marami.

Ibang iba ako kay Jeffrey. Sino nga ba si Jeffrey Castillo?

Isa lang naman syang Varsity player ng UE. Sikat yan sa UAAP. Tinitilian ng mga kababaihan dito sa UE dahil nga gwapo, magaling magbasketball, sobrang hot at sobrang bait din DAW. Sabi ng marami mabait daw sya. Pero bakit di ko ma-feel?

"Gusto mong cookies?" Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko ang kaibigan kong si Penelope.

"Wow! Thank you! Sino naman ang nagbigay nito?" Tanong ko habang nilalantakan ang bigay nyang cookies.

"Si Jack," sagot nya.

"Ayaw mo?"

"Diet nga ako diba?"

"Ayaw mo dahil diet ka o ayaw mo dahil ayaw mo kay Jack?"

"Ahehe...pareho."

Ayan naman si Penelope. Ang kaibigan ko na gusto kong sabunutan eversince. Napaka choosy sa lalake. Palibhasa marami syang manliligaw.

Sabagay, normal na yun sa datingan ni Penelope. Maganda naman kasi talaga sya. Gusto nyo ng patunay? Sya lang naman ang tinagurian Miss University of the East ng taon.

Kaya marami syang manliligaw. Lalo na yung mga varsity player. Buti na nga lang hindi sya nililigawan ni Jeffrey eh, dahil sasabunutan ko na talaga sya. Akin lang si Jeffrey noh.

Kaya lang parehas kaming may gusto kay Jeffrey. Wala sa amin ang gustong magparaya. Ayos lang yun kasi wala namang nililigawan sa aming dalawa si Jeffrey.

"Kailan kaya ako bibigyan ni Jeffrey ng chocolate?" Malungkot na sabi ni Penelope.

"Hindi ka bibigyan nun noh kasi ako ang bibigyan nya," mataray kong sabi.

"Hi Penelope."

Si Robert, kasamahan ni Jeffrey sa team.

Ngumiti naman sa kanya si Penelope.

"Chocolate pala para sayo," banggit ni Robert.

"Thank you. Sige Robert, alis na kami ha," banggit ni Penelope na agad nang umalis.

Tsokolate (Completed)Where stories live. Discover now