CHAPTER ELEVEN

30 2 1
                                    


MABILIS na lumipas ang araw, nasanay na si Vermous sa takbo ng buhay sa mundo ng Acerria.

Madali niyang nakabisado ang mga dapat niyang gawin, maski ang mga hindi nararapat ay kanya rin napag-aralan.

Ngunit...

Isa yata ang hindi nito makakayang matupad iyon ay mapigilan ang kakaibang damdamin na nadarama niya sa Diyosa Herriena.

Habang tumatagal ay lalong napapalalo ang pagkahumaling niya kay Herriena.

"Paano ka kasi iiwas Vermous, kung sa araw-araw na lumilipas ay bukod-tanging ito ang lagi-lagi mong nakakasama..."piping pakikipag-usap ni Vermous sa sarili lamang.

Kasalukuyan silang nasa bukana ng ilog kung saan inaagusan ng matarik na talon.

Ngayon kasi darating ang dalawang nilalang na makakasama pa nila ng mahal na Diyosa: Ang Hari ng mga Lobo si Yaboo at si Lauke ang Hari naman ng mga Zombie.

Habang naghihintay sina Herriena at Vermous inabala muna ng dalawa ang kaniya-kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagmamasid sa kagandahan ng kapaligiran.

Hindi maitatwang nakakagaan lalong pagmasdan ang berding paligid, kung saan malayang nangingingain ang mga iba't ibang klaseng hayup na tanging sa Acceria lamang matatagpuan.

Napalunok ng 'di oras si Vermous, dahil tila lalong nagbigay ng kakaibang panghalina ang kabuuan ng paligid sa kanila ng Dyosa na si Herriena.

Patuloy lang niyang sinusundan ng tingin ang bawat galaw nito, ang maliksi ngunit may bahid ng hin-hin sa bawat galaw.

Napatutok ang pansin ng binatang bampira sa sagradong kuwintas ng Dyosa, kung saan napag-alaman niya na ibinigay pala iyon ng Amang lumikha. Ang batong iyon ay inilaan para rito, upang sa ganoon ay mapagtibay ang enerhiya at balanse ng mundong Acceria at mundo ng mga tao.

Nangislap ang batong nakalawit na nakasabit sa makinis na leeg ni Herriena. Napalunok siya ng laway ng makita niyang napayuko si Herriena kasabay ng pagyukod nito. Upang salatin nito marahil ang tubig ng ilog.

Ngunit dahil sa ginawa nito'y hindi sinasadiyang masilayan ni Vermous ang cleavage ni Herriena. Na lalong nagpainit sa kanya.

Mabilis niyang inilihis ang pansin sa napakagandang tanawin na kanyang namalas sa mga sandaling iyon. Nahihiya siya sa Diyosa, napakabait nito sa kanya ngunit kung anu-anong katarantaduhan ang pinaggagawa niya rito.

Marahas siyang napabuntong-hininga lalong nag-umigting ang pagnanasa niya sa kasama. Pinatotohanan niyon ang pagtigas ng kargada niya sa kanyang suot na pang-ibaba. Namumukol na iyon at tila nais kumawala.

Napamura siya ng ilang beses sa isipan habang paulit-ulit niyang binibigkas ang kapatawaran sa ama nilang lumikha.

"Ama sana'y pag-ibayuhin mo pa ang pagbibigay sa akin ng karagdagang pagtitimpi sa tuksong aking nasa harapan!"dalangin niya mula sa isipan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata pagkatapos.

Nagulat pa si Vermous ng biglang umimik si Herriena.

"Masaya ako at tila umaayon ang ninanais ni Ama. Lubos akong nagagalak Vermous dahil kusa kang nagbalik-loob sa kanya."

Hindi niya alam ang tamang sabihin rito, ngayon niya lang nalaman na may nalalaman pala ito sa nangyari dati.

Dahil noong unang panahon bago pa lamang ang daigdig ng mga mortal, sila pa lamang ang naghaharian dati. Kung saan ang una nilang nasumpungan ay ang Hari ng Kadiliman. Ito ang nagbigay sa kanila ng kapangyarihan at dispusisyon sa mundo ng mga mortal.

Ngunit...

Tuluyang nag-iba ang lahat, magmula ng maging laganap ang pagdami ng mga nilalang ng Diyos, iyon ay ang mga tao.

Samakatawid naging masama ang estado ng lahi nila, iyon kasi ang namulatan nila dahil na rin sa Hari ng kasamaan.

Hanggang sa nagkaroon ng malaking hidwaan sa pagitan ng mga Banal at mga nasasakupan  ng Hari ng kasamaan.

Nagkaroon ng malawakang himagsikan, digmaan at patayan. Hanggang sa tuluyan silang ipatapon sa kalaliman kung saan tanging liwanag na nagmumula sa mainit na apoy, mga nagbabagang mata ng demonyo o diyablo. Nakakakilabot na hiyawan ng kapighatian sa mga mortal ang maririnig.
Tanging kadiliman na walang-hanggang ang makikita sa buong paligid na tanging sa "Empyerno" kung tawagin lang malalasap.

Napakurap si Vermous ng marahan ang ginawang pagtapik gamit ang hangin ng Dyosa na si Herriena sa kanyang pisngi. Hangin lang iyon, ngunit nagbigay na sa kanya ng laksa-laksang kaligayan.

"Kung maari Vermous iwas-iwasan mo na ang pagbabalik-tanaw sa nangyari noong ika-unang siglo.  Napatawad na kayo ni Ama, kaya wala ng dahilan para maalala ang mga naganap dati,"paliwanag nito kay Vermous.

Isang manipis na ngiti na lamang ang isinukli ng binata. Iwasan man niyang pilit ay tila yumayabong pa rin ang nadarama niya rito.

Isang tikhim nalang ang nagawa ng binata, tila may bikig siya  sa lalamunan sa mga sandaling iyon. Bago niya masabi ang mga salita iyon.

"Lubos kong ipinagpapasalamat na napunta ako rito n-na n-nakilala kita... salamat mahal kong Dyosa."may ngiti sa labi niyang tugon ngunit iba ang mababanaag sa mga mata ng binata sa mga sandaling iyon.

Nginitian lamang siya ni Herriena ,kapares nito'y may lungkot din na nakapaloob sa mga mata ng Dyosa.

"Magiging okay din ang lahat Vermous, para sa kanya maging masaya tayo sa kung ano man meron tayo. 'W-wag na tayong lumabis pa."mga huling katagang panambitan ni Herriena.

Magsasalita pa sana si Vermous ngunit tuluyan ng napatutok ang atensyon ng Dyosa sa pag-ahon ng dalawang nilalang sa ilog...

Magsasalita pa sana si Vermous ngunit tuluyan ng napatutok ang atensyon ng Dyosa sa pag-ahon ng dalawang nilalang sa ilog

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BREAK THE WORLD (LID) COMPLETED Where stories live. Discover now