CHAPTER TWELVE

19 2 2
                                    


MAGKAGAYUNMAN dumating sa puntong hindi na nito napigilan ang nadarama sa kanya...

Sa hapon na iyon ay inilibot ni Vermous ang mga bagong makakasama nila ng Dyosa Herriena sa palibot ng Acceria.

Bagama't magkakaiba ng lahi ang nanggalingan nila ay hindi naging mahirap sa tatlo na magkasundo.

Manghang-mangha sina Yaboo at Lauke habang patuloy silang naglalakad sa maberding kapaligiran. Ang masuyong hatid ng papalubog na araw ay nagbigay balsamo sa mga pagal na utak nila.

Patapos na sila sa paglalakad ng umimik si Lauke.

"Vermous aking kaibigan nasabi mong tayo' y pabalik na, ngunit mayroon ka yatang nakaligtaang ipatingin sa amin. "

Nangunot ang noo na bumaling si Vermous rito, mahihinuha ang pagkalito sa kanyang mukha.

"Ipagpatawad mo kaibigan, ngunit nakatitiyak akong lahat ng magaganda at importanteng lugar dito sa Acerreria'y aking nasabi at naipakita na sa inyo. Maari mo bang klaruhin ang huli mong nabanggit na mga pangungusap?"mabilis na paliwanag pagkatapos ni Vermous sa dalawa.

Nagkatinginan naman sina Yaboo at Lauke.

"Ang ibig tukuyin nitong ating kaibigan, Vermous ay ang daan kung saan malaya kang makakapaglakbay sa mundo ng mga mortal."

Biglang napipilan si Vermous, maski ang mga kaharap ay natahimik, magkagayunman nanatili sa itsura ng dalawa ang paghihintay.

Maski siya'y kahit matagal na siya sa mundo ng Acerria'y kailanman hindi niya inuungot sa mahal nilang Dyosa Herriena ang pagtatanong sa nasabing lagusan.

Bagamat umaasam din siyang balang-araw ay ipapaalam din ng kanilang Dyosa iyon.

"Sige na kaibigan, tayo-tayo lang naman. Saka Huwag kang mag-alala hindi malalaman ni Dyosa Herriena na nagsalita ka patungkol rito."
patuloy na pamimilit ni Lauke.

Agad na iniiwas ni Vermous ang pansin at tuluyang napatutok ang tingin nito sa papalubog na araw.

Papabulaanin na sana niya ang nasa isip ng mga kaibigan, dahil inaakala ng mga ito na may nalalaman siya.

Ngunit ibubuka pa lamang ang bibig niya ng may isang tinig ang naringgan nila na nagmula sa kanyang likuran.

"Yaboo at Lauke, nais kong ipabatid sa inyo na hindi lahat ng bagay dito sa mundo ng Acerria'y dapat ninyong malaman... maliwanag ba?"may pagkapinal na saad ni Herriena sa dalawa.

Tumango ang dalawa at agad ng sumunod ang tatlo rito.

Sa pagdaan ng mga panahon ay naging maayos naman ang samahan ng tatlo, maski si Herriena ay walang masasabi sa tatlong nilalang na ipinadala ng Amang lumikha ng lahat. Nakikita niyang umalis man sya ng matagal sa inaalagaang mundo'y natitiyak niyang hindi ito mapapabayaan nina Lauke, Yaboo at Vermous. Sa huling nabanggit na pangalan ay tila lumukso ang puso ni Herriena. Bagamat magkaparehas ng nararamdaman ang dalawa ay minabuti nalang nilang isantabi ito. Kahit paano'y napanatag si Herriena, pero naroon pa rin ang kadalasan pag-aasam niya.

Isang gabi habang patuloy ang pagbagsak ng malakas na ulan sa madilim na langit ay nakaramdam si Herriena ng kakaiba sa kanyang silid, babangon na sana siya ng may isang bulto ang biglang sumulpot sa tabi ng kanyang kama.

Kahit 'di niya maaninag ang kabuuan ng nilalang na nasa loob ng kanyang silid, natitiyak niya na ang binatang si Vermous iyon.

"Ano ang nag-udyok sa iyo rito para punmarito at sa ganitong dis-oras pa ng gabi?"Takang-tanong niya.

BREAK THE WORLD (LID) COMPLETED Where stories live. Discover now