Hey! Mr. Seatmate (one-shot story)

312K 6.2K 2.8K
                                    

"Kyla...." lumingon ako sa kanya na kanina pa palang tawag nang tawag sa akin."Mamimiss kita."

Agad akong namula nung sinabi niya yung mga katagang iyon. Changing of seat plans na pala ngayon. Every grading period kasi kaming nagpapalit ng pwesto sa upuan at sa araw na 'to, lilipat nanaman ng upuan para sa fourth grading. Ito na ang pinakahuling pwesto namin bago kami gagraduate.

     

Kinuha ko na ang bag ko at pumunta sa labas ng room. Sumunod na din ang mga classmates ko.

        

Isa-isang papasok ang mga estudyante sa classrom at ituturo ni ma'am ang uupuan namin.

        

Ako na ang susunod. Pumasok na ako at agad namang itinuro ni ma'am ang uupuan ko. Doon ako sa sulok ng room sa pinakalikod.

        

Sa kamalas-malasan nga naman, yun ang pinaka mainit na part ng classroom. Nasa center lang kasi ang ceiling fan. Pero nung nakapasok na lahat ng classmates ko sa room, wala parin akong katabi.

        

"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na absent si Mr. Lacson dahil may inaasikaso daw siyang kung ano-ano." Agad namang napalingon ang mga kaklase ko kay ma'am pero patuloy parin ako sa pagrereklamo dahil ang init talaga sa lugar ko."Kung saka-sakaling present na siya bukas, pakisabi nalang na doon siya uupo sa tabi ni Miss Ferido."

        

Agad naman akong napalingon nang binanggit ni ma'am ang pangalan ko. Ano raw? Ang pinakagwapong nilalang dito sa buong campus ang makakatabi ko for the whole 4th grading?! Aha! Joketime ba to ma’am? Ipapatabi mo ako sa ultimate crush ko?

        

Lumipas na ang isang linggo pero absent parin si Mr. Daniel Lacson. 

        

Naku, baka alam na niyang ako ang makakatabi niya at ayaw niyang makatabi ako kaya siya nag absent.

        

      

 "Aaaaaa! Ang gwapo talaga!"

        

“Hi Daniel! Welcome back Mr. Pogi!"

       

"Oy pare! Sana hindi ka nalang bumalik! Ako na sana ang pinakagwapo dito sa klase nung wala ka eh!"

        

"Daniel! Dun ka daw umupo sa tabi ni Kyla!"

        

Hindi ko pinansin yung tumawag sa pangalan ko dahil busyng busy ako sa pagbabasa ng libro. Nakaka-excite eh! Adik na adik ako dito! Nasa climax na ako oh!

        

Naramdaman kong may pumatong na kamay sa balikat ko pero hinawi ko. Nakakirita lang!

Hey! Mr. SeatmateWhere stories live. Discover now