HATID

18 1 0
                                    

Matagal bago ko naisipang gawin to.

Matagal bago ko natanggap ang katotohanan.

Matagal bago ko naisipang bitiwan ang pag-asang baka pwede namang may tayo sa huli.

Ngayon.

Ngayon ko napagdesisyonang ito na ang panahong gawin ang dapat noon ko pa ginawa. 

Ngayon ang panahong kailangan na kitang pakawalan kahit na noong una pa lang naman ay di na kita hawak. Hindi kailanman ikaw ay naging akin.

"Kring!"

Bigla akong napatigil sa pag-iisip nang narinig ko ang boses ng taong matagal ko nang hinahangaan. Ang taong matagal ko nang minamahal. Ang taong ngiti niya lang ang masilayan ay buo na ang araw ko. Kaya ko ba talaga to? Paano na pagkatapos ng araw na ito? Kaya ko ba talagang lumayo? Kaya ko bang hindi siya makita at hindi marinig ang boses niyang kay sigla palagi kapag magkasama kami?

"Kring, kanina ka pa? Pasensiya na, hinatid ko pa kay Tiara yung notes ko. Absent kasi yun nung nakaraan. " Tiara. Tiara na naman. Sabagay, ano bang laban ko sa first and only love niya?

Kanina pa ako nakaupo sa bench na ito sa harap ng soccer field ng School. Mga isang oras na din akong naghintay. "Hindi naman. Kararating ko lang nga din." Sanay naman na akong mahintay sa kanya. Naghintay nga ako ng maraming taon, ano lang ba yung isang oras pa na paghihintay. Isang oras pa bago ako susuko. Kaya, okay lang.

Ngumiti ako ng tipid at diretsong tumitig sa mata niya. Siguradong mamimiss ko to. Ang mga mata niyang kay sigla palagi. Para bang kay saya ng buhay niya. Pero alam kong sa likod ng masasayang mata niya ay nakatago ang sakit at lungkot. Ang haba talaga ng pilik-mata niya. Nakakainggit. Siguro ito yung pinakagusto kong feature sa mukha niya.

"Bakit mo nga pala gustong makipag-usap ngayon ha? Miss mo ko? Ikaw ha? Haha. Pero alam ba to ng kuya mo? Baka bugbugin ako nun eh ang protective nun sayo kala mo sanggol ka? Hahaha." Nawawala na naman mga mata niya sa pagtawa.

Ahh. Di lang pala mata niya ang paborito ko sa mukha niya. Mas gusto ko yung pagtawa niya. Yung mga ngiti niya.

Napapikit ako. Paano ba to? Paanong sa tunog ng tawa niya ay nakahanap ako ng kapayapaan sa kalooban? Lunod na lunod na nga siguro ako sa pagmamahal ko sa kanya. Makakaahon pa kaya ako?

Napamulat ako ng maramdaman ang kamay niya sa noo ko.

"May sakit ka ba? Ang tahimik mo ngayon ah?"

Napatitig ako sa kanya. Yan. Sa mga matang yan ako nadale eh. Sa mga matang puno ng concern, diyan ako mas nahulog. Bakit ba kasi ang bait ng taong ito?

"Hey. Kinabahan na ako sa katahimikan mo. Something happened?" Umupo siya bigla sa harapan ko para maglebel ang paningin namin at seryoso akong tinitigan. Binabasa na naman niya kung anong iniisip ko.

"You can tell me anything. You know that right?"

Napatango ako. Napatulon ng laway. Narehearse ko na ang sasabihin ko bago ako pumunta dito pero parang bigla akong na-mental block at nalimutan ko na kung ano nga ang pinunta ko dito.

Di ko na alam paano magsisimula. Ano nga ulit yung sasabihin ko sa kanya?

Nagbuntong hininga ako at pilit na binabalik ang sarili sa pakay ko.

"Raf..." Isang salita pa lang. Pangalan niya pa lang pero pumiyok na ang boses ko. Hinga ulit ng malalim. Tumingala ako sa langit. Nagbabakasakaling tulungan ako ng nasa itaas.  Lord, bakit ang hirap naman nito? Tulungan mo po ako.

"Raf, dito ka." Tinapik-tapik ko yung bakanteng espasyo sa gilid ko. Sumunod naman siya.

"Are you okay? May nangyari ba sa bahay nyo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HATIDWhere stories live. Discover now