CHAPTER FIFTHEEN

22 1 2
                                    

ISANG haplos ang naramdaman ni Hailey sa kanyang pisngi. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Halls.

Titig na titig ito sa kanya, hindi naman na bago sa kanya ang ganoong gawi nito sa kanya. Na kahit ilang dekada man at panahon ang maging pagitan niya sa edad ng binata'y hindi iyon naging hadlang para mahulog ang loob ni Halden sa kanya.

Bata pa lamang ay lihim na siyang sumubaybay sa pamilya nito.

Naalala niya ng minsan magtungo siya sa munting bahay ng mga ito kung saan unang beses siyang matagumpay na makalapit.

Kitang-kita pa ni Hailey ang pagpasok ng tatlong paslit sa loob ng pamamahay ng mga ito.

Nasa itaas siya ng isang matayog na puno, kung saan siya nakadapo. Gamit ang kapangyarihan ay nagbalat-kayo siya bilang paniki.

Sa mga sandaling iyon ay papalubog na ang araw. Ilang minuto na lamang ay kakalat na ang kadiliman sa buong paligid.

Gamit ang mga matang namumula'y nasusubaybayan niya ang mga galawan sa loob ng kabahayan. Maski ang mga ingay at pag-uusap ay naringgan niya sa mga sumunod na sandali.

Bigla'y isang napakalungkot na eksena ang nasaksihan niya sa mga sandaling iyon, kasabay ng pagdungaw ng maliwanag na Buwan. Kung saan tuluyan na itong binalot ng pulang liwanag.

Saksi siya sa mga naganap, sa murang edad ng batang si Zain ay nakita lang naman nito sa harapan kung paano mawalan ng buhay sina Timothy at Kendra.

Kung paano kitliin ng mga Galilea ang Ama't ina nito.

Sa huli'y naging isang matigas na kahoy ang dalawa, na kahit sa mga huling sandali ng mga buhay nina Kendra ay nakita niya mismo kung gaano kamahal nito sina Halls.

Awang-awa siya sa tatlo, ang balak niyang paglapit sa mga ito'y biglang naudlot ng makita niya mismo ang nilalang na hindi niya aakalaing makikita sa mga tagpong iyon...

"Hailey, okay ka lang ba?"Takang-tanong ni Halls.

Bigla namang napakurap ang dalaga, kasabay sa pagbabalik ng isip niya sa realidad ay kasabay ng pagtango. Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ni Hailey.

Napansin ng dalaga ang pagdampot ni Halls sa kanyang damit. Matapos nitong iabot sa kanya ang mga kasuutan ay agad na rin itong nag-ayos ng sarili.

Nang tuluyang maisuot ni Hailey ang damit ay malaya na munang pinaglakbay ng dalaga ang mga mata sa likuran ng binata.

Biglang nakaramdam ng pagkalungkot si Hailey sa mga oras na iyon, kaya hindi na niya napigilan na yakapin mula sa likuran nito si Halls.

Napaharap ang binata rito, isang masuyong haplos at puno ng tigib nang pagmamahal ang ipinaramdam ng dalaga sa kayakap.

Bigla-bigla'y naroon ang pagnanais niyang yakapin ang binata.

Pakiramdam ni Hailey ay may magaganap na hindi maganda.

"Oh napapano ka?"Tatawa-tawang tanong ni Halls sa dalaga.

Lalong humigpit naman ang yakap ni Hailey dito. Mabilis na hinayon ng binata ang kalangitan kung saan mabilis na ang pagkalat ng dilim.

Naramdaman din ng dalawa ang malalakas na pagyanig sa bawat sandali na lumipas.

Hanggang sa natunghayan ng dalawa ang mga sumunod na pangyayari. Kung saan sa isang iglap sinakop ng nakakakilabot na tanawin ang kapaligiran ng mga gumagapang na zombie palabas sa mga bitak.

Maski mga naglalakihang Lobo at mga bampira'y naglipana sa buong lugar.

Naging mabilis ang pangyayari, kasabay ng paghiwalay nila mula sa pagkakayakap ng bawat isa. Mabilis na nagpalit ng anyo ang binata, mula sa anyong tao'y naging malaki siyang Lobo.

BREAK THE WORLD (LID) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon