Singkuwenta

22 1 3
                                    

Isang umaga pagkagising ko, puting damit ang tanging nakakuha ng atensyon ko. Nakakatamad gumalaw
at tila parang ayaw ko pa pumasok.Habang tamang tingin lang sa damit na iyon, may bigla akong naalala. May misa nga pala ang school namin sa araw na ito. Agad kong kinuha ang cellphone ko at alas syete na pala.

Dalian kong hinigit ang nakasabit na tuwalya at mabilis na pumuntang banyo para maligo. Mga alas otso na ng umaga nang matapos ako sa paghahanda. Kinuha ko lang ang baon ko at umalis na.

Pagdating ko sa tagpuan namin, ay wala na sila. Iniwan na nila ako. Kaya't pumasok ako ng simbahan at tumabi sa mga hindi ko kakilala. Tahimik lang sa gilid, dahil ang relihiyon ko'y naiiba. Hindi ko mawari kung anong repleksyon ang matatanggap ko sa araw na iyon.

" Kailangan na natin magmadali kasi marami pa tayong gagawin sa booth"
sabi ng isang kaibigan.

Init na init na siya sa suot niya pero maaliwalas parin ang kaniyang mukha. Isa siyang babae na mahaba ang buhok at may katabaan. Hindi ko masabayan ang mga hakbang niya, at di ko mapigilang mapaisip kapag napapatulala na lang siya bigla.

Sa paglalakad namin patungo sa dorm niya, may nakasalubong kaming lalaki na nanlilimos at may ukab sa mukha. Nakakatakot at nakakaawa siya tignan dahil wala na siyang ilong. Nadaanan na namin siya nang biglang bumalik ang kasama ko.

"May barya ka ba diyan? aigooo." sambit niya.

Umalis rin kami agad dahil wala akong barya. Aligaga parin siya ng mga oras na lumalakad na ulit kami palayo sa lalaki, umaasa na may mahahanap pang barya sa bag niya.

Makailang hakbang mula sa lalaki, bumalik na naman siya sa harap nito at nagbigay ng barya. Akala ko noong una'y magpapatuloy na kami sa pagmamadali pero hindi. Mahirap ilarawan ang mga mata niya niyang puno ng pagaalala. Napansin ko ring hindi siya ganon kasaya sa nagawa niya.

Nang biglang, bumalik siya sa harapan nito habang hawakhawak ang papel na hinugot niya sa kaniyang pitaka. Isa siyang estudyanteng nagaaral malayo sa pamilya niya, kaya kung iisipin, nakakapanghinayang na magbigay kung nagtitipid ka. Ngunit ang babaeng ito ay kakaiba. Nakakamangha ang kaniyang pagiging mapagbigay. Inabot niya sa lalake ang papel na malaking halaga para sa iba na para sa kaniya ay malaking ginhawa at biyayang sinasabi ng kalooban niyang ibahagi sa iba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short StoriesWhere stories live. Discover now