Dating status

0 0 0
                                    

"Alexa pakiabot nga ng tubig ko,nauuhaw na ako" sabi sakin ni Justin Alexander Devera,isang sikat na artista,sobrang gwapo,hot,mabait,mayaman at sweet.Kung nagtataka kayo kung bakit nya ako inuutusan,it's just that I'm his P.A yeah as in personal assistant.Well okay lang kasi mahal ko naman ang trabaho ko.

"Eto na po" inabot ko na lang yung tubig sa kanya.

"thankyou" yeah,hindi naman masungit saken si Justin,pero masungit talaga yan sa iba.Matagal kona din kasi syang kilala kaya hindi sya ganon sakin.

"Ahh justin,may shoot paba tayo mamaya?di ko kaso natanong ang schedule eh" Si Jake,celebrity din at kasama sa shooting na ginagawa nila justin.Nasa dressing room kasi kami ngayon ni justin at kasama namin sya.Tahimik yan at ayaw na ayaw niya ng maingay kaya nandon yan lagi sa isang tahimik na lugar.

"Mamaya pa naman hapon tol" tanghali palang kasi tapos mamaya pa ulit hapon sila magshoshooting.

"Ah sige,papahinga muna ako" nako mukang dito pa ata sa dressing room ni Justin magpapahinga si Jake ah, anubayan

Binalik ko naman ang tingin ko kay Justin at nakita kong nakatingin din sya saken.Tapos tumingin sya sa tubig na inabot ko sa kanya.Wait parang may pinaplano to ah.At hindi nga ako nagkamali dahil tinapunan lang naman nya ang sarili nya nung tubig tapos yung mukha nya parang naging galit.

"Ano kaba Alexa!! Tignan mo ang ginawa mo,tinapunan mo tong damit ko!" pasigaw na sabi sakin ni Justin

"Hala sorry sir,hindi ko naman po sinasadya." yumuko nalang ako para di nya makita na nahihiya na ako

"Di ka kase nag-iingat,ang mahal mahal nitong damit ko tapos tatapunan molang ng tubig?!!" galit na talaga si Justin,kaya di na ako makatingin sa kanya.

"Sandali lang sir,kukuha lang po ako ng tissue para mapunasan ko kayo" pagpapaalam ko kay Justin

"Wag na!Ikuha mona lang ako ng bagong damit don sa bag ko,alam mo naman kung nasan diba?!" galit na talaga sya kaya sumunod na lang ako.

"Opo sir,sandali lang po" Kukuha na sana ako ng damit ng--

"Arrghh,ang ingay nyo naman dalawa eh.Kaya nga ako nagpunta dito para tahimik tapos nagsisigawan pa kayo.Makaalis na nga!" Naku mukang naingayan na samin si Jake,si justin naman kasi eh sigaw ng sigaw.

Pagkalabas ng room ni Jake

"HAHAHAHAHAHAHAHHAAH" tumawa kaming dalwa ni Justin.Kung nagtataka kayo kung bakit,acting lang kase namin yun ni Justin para mapaalis si Jake.

"Love,ang galing mo talaga umacting,pwede kana din mag-artista eh" sabi sakin ni Justin na medyo natatawa padin

"Ako paba love,yumuyuko na nga lang ako kase medyo natatawa na ako eh" natawa naman ako ulit nung sinabi koyon hahahaha

"hahahahahaha pero kuha mo muna ako ng damit para makapag-palit na ako" ay oo nga pala nabasa nga pala sya.

"sige wait lang" kinuha ko naman sya ng bagong damit tapos nagpalit nadin sya.Di nadin naman sya nahihiya sa akin kasi sanay na akong nakikita syang nagpapalit.

"peroo namiss kitaa love ha,sobra" sabi sakin ni love, tapos niyakap nya ako.

"sobra din kitang namiss love" nakangiti kong sabi sa kanya habang nakayakap din sa kanya pabalik.Gustong-gusto ko talagang nakayakap sa kanya.I just feel secured when I'm in his arms.

Kung nagtataka na kayo kung ano talaga meron samin,well nagdadate kami,boyfriend ko sya at 5 years na kami.Pero secret lang yung pagdedate namin kasi bawal,baka daw kasi masira yung career nya dahil sa akin.Inintindi kona lang kase ramdam ko naman na mahal nya ako.Yun lang muna sa ngayon ang mahalaga sa akin.Alam ko din naman nadadating ang panahon na mapapakilala nya ako sa lahat bilang girlfriend at hindi p.a lang.

"Love,sana wag dumating sa point na sumuko kana sa relasyon natin ha" napansin ko kasi na parang nanahimik sya,yun pala ang iniisip sya

"Oo naman love,kahit nakakapagod na patago lang tayo nagdedate.Hindi naman kita magagawang iwan kasi mahal na mahal kita" sabi ko sa kanya para mapanatag sya na di ko sya iiwan.

napangiti naman sya sa sinabi ko tapos may sasabihin pa sana sya ng bigla nalang bumukas yung pintuan at pumasok ang manager ni Justine,si Manager Raine.Kaya napahiwalay tuloy kami ni justin sa pagkakayakap.

"Oh bat parang pinagpapawisan kayong dalawa?anong meron?"tanong nya samin kase para nga naman kaming pinagpawisan,kinabahan kasi kaming dalawa eh

"Wala naman manager,ang init kase dito eh" sabi ni justin na parang wala lang pero kinakabahan yan hahahaha

"mainit ba?bukas naman ang aircon ah!" hala si justin kase, yun pa ang naisipan na palusot, di naman talaga mainit sa dressing room nya kase may aircon naman.

"teka bakit nga pala napapunta ka dito manager?" pag-iiba ng topic ni justin,baka kasi mabuking kami eh mahirap na hahahah

"ah oo nga pala,pumunta kadaw sa office may sasabihin daw sayo si sir"ano kaya yung sasabihin ni sir kay justin?di kaya papagalitan siya? pero mukhang hindi naman,wala namang masamang ginawa si justin eh.

"Sige susunod na ako" tumango lang si manager Raine tapos lumabos na ng room ni justin.Humarap naman sa akin si Justin

"Punta muna ako don Alexa ha,kita nalang tayo mamaya pag balik ko" sabi nya sakin ng nakangiti,hays sobrang gwapo talaga ng boyfriend ko.

"Sige ingat ka,mamaya nalang ulit" nginitian ko din sya pabalik.Hinalikan naman nya ako sa noo ko tapos umalis na sya.

Justin,sana talaga dumating na yung araw na di na natin kailangan magtago ng ganito, pero nararamdam ko naman na malapit na yun.Kapag dumating na yung araw nayon,magiging sobrang saya ko.Mahal na mahal kita Justin

Tumayo na ako para ipagluto sya ng pagkain kasi alam kong pagbalik nun eh nagugutom yon.Naimagine ko naman yung itsura nya pag gusto nyang ipagluto ko sya.Sobrang cute nya kaya napangiti nalang ako.

Dating A CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon