PROLOGUE

5.5K 109 11
                                    

"Bes what is the result, positive ba?" Tanong nito habang nakatingin sakin, nanginginig na inilahad ko ang pregnancy test sa kanya, mabilis naman niyang kinuha sa kamay ko ang PT at tinignan. Narinig ko ang pag-singhap nito. 

 

"Oh my god!" Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng bestfriend ko. Napapikit na lamang ako at napahawak sa mukha ko. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako, paano ko sasabihin kay travis 'to? 

 

"Trish, anong gagawin ko? Natatakot akong sabihin sa kuya mo ang pag bubuntis ko, baka hindi niya ako paniwalaan! Alam mo naman ang sitwasyon namin diba? Alam mong pinakasalan lang ako ng kapatid mo para sa company niyo. At..at..hindi naman ako ang tunay niyang mahal. Wala lang ako sa kuya mo.kaya papaano 'to?." Hindi ko maiwasan na humagulgol, naramdaman ko ang pag yakap sakin ni trish.

"Shhhh...stop crying bes, mag-iisip tayo ng paraan ok?" Tumigil ako sa pag-iyak, Unti unti akong lumayo sa yakap ni trish at tinignan siya.

 

"May naisip kana ba kung paano? Kase ako wala, sobra ang kalasingan ni travis ng gabing 'yun at sigurado akong wala siyang naaalala na ako ang kasiping niya ng gabing yon...dahil...." Hindi ko na naman napigilan ang humagulgol  naalala ko na naman ang nangyare ng gabing 'yon. "d-dahil...dahil habang magkasiping kami ibang pangalan ang binabanggit niya. Si Mikaela Mayell pa rin trish, si mayell pa rin talaga ang mahal niya!" 

 

"What!? Si mayell ang binabanggit niya!?? Napaka g*go talaga ni kuya! God! Baliw na baliw siya sa babaeng iniwan siya sa ere at pinili ang iba?! Sumusobra na talaga ang lalaking 'yan!" Tumigil saglit si trish mukhang may iniisip ito, makalipas ang ilang minuto nagsalita siyang muli.

"May naisip na ako bes,  alam kong mahal mo si kuya bes, pero sa ginagawa niya sa'yo, sa pag-trato niya sayo hindi na tama 'yon.  Mas maganda lumayo kana lang bes, akong bahala sa lahat tutulungan kita. Ilang buwan nalang naman tapos na ang contract niyo ni kuya diba? Talk to him and tell to him you will set him free. Then run away! Wag na wag mong sasabihin na may anak kayo. Hindi niya deserve 'yun, I'm here, akong bahala sa pamangkin ko. H'wag mong ikulong ang sarili mo sa kagaya ni kuya, Diba gusto mong maging fashion designer? Ituloy mo 'yun pag natapos kang manganak. " napatigil ako sa pag-iyak dahil sa mga sinabi ni trish, may punto siya. Tutal pagod na pagod na din naman ako sa ginagawa sakin ni travis, yung sarili ko naman ngayon. Oras na nga sigurong lumayo ako at iwan siya. Hindi din naman niya paniniwalaan na may anak kami. Ayoko ng ipilit ang sarili ko sa taong hindi naman talaga ako mahal mula umpisa palang. Papalayain na kita travis, hahayaan na kitang habulin ng habulin si mikaela. 

 

Pinunasan ko ang luha ko at tinignan si trish, tipid akong ngumiti dito bago nagsalita.

 

" Tama ka trish, oras na sigurong pakawalan ko si travis, Nakapag- desisyon na ako. Kakausapin ko siya at aalis na ako sa bahay nato." malungkot na ngiti ang pumaskil sa mga labi niya bago hawakan ang kamay ko at nagsalita.

 

"Kahit nakakalungkot na aalis kana dito sa bahay, ok lang kesa ikulong mo ang sarili mo sa katulad ni kuya, tutulungan kita bes, akong bahala sa lahat." Ngumiti ako bago niyakap ang kaibigan ko.

 

"Thank you trish. Thank you..."

********

His Secret ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon