SIMULA

81 29 3
                                    


"YOU may now kiss the bride"



Malakas na hiyawan, sigawan, at palakpakan ng mga bisita ang maririnig sa loob ng simbahan.



Gusto kong maglupasay sa sakit. Ang taong nangako sa akin na ako lang ang ipapakilala niya sa kanyang mga magulang, ako lang ang ihaharap niya sa altar, at sa akin lamang bubuo ng pamilya, ay kasal na.



Hindi ako makapaniwala na ang apat na taon naming pagsasama ay handa niyang ipagpalit para lamang sa salapi, sa kapangyarihan. Hindi na siya yung taong dati kong minahal.



Para akong mahihimatay habang naglalakad palabas ng simbahan. Kung tutuusin ay hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ko, lalo na ngayon, kasal na siya. Wala na akong mapupuntahan, ang taong inaakala kong makakasama ko panghabang buhay ay siya rin pa lang wawasak sa aking pagkatao.



Dire-diretso ako sa pagtawid, tuloy tuloy din ang busina ng mga sasakyan. Mali bang hingilin ko na sana ay mabangga ako upang makalimutan ko ang lahat, lalo na ang sakit, kahit pansamantala lang.



Kung san san ako dinala ng aking mga paa. Napahinto ako ng may makita akong parke. Walang masyadong tao, napakatahimik. Naupo ako sa isa sa mga swing, lumilipad ang utak. Iniisip ko kung anong mangyayari kung ako yung pinili niya, yung hinarap niya sa altar ngayon, siguro ako na ang pinaka-masayang babae sa mundo. 'Pero hindi ikaw yung pinakasalan niya.' Muli na namang tumulo ang mga traydor kong luha.


"Women are ugly when they are crying" Muntik na akong mapatili ng may nagsalita sa tabi ko. Lalaki, nakasuot siya ng fitted na T-shirt at ripped jeans. Messy ang buhok, medyo matangos ang ilong, at ang labi ay tila kinulayan sa sobrang pula. Natural ba yun?



Ngunit ang higit nakaagaw ng pansin ko ay ang kulay ng mga mata niya, matingkad na bughaw. At parang malulunod ka kakatingin sa mga matang iyon. Tila huminto ata ang oras ng magkatagpo ang mga mata namin, pati luha at sipon ko ay natigil ang pagtulo.



"Miss?!" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa pagtawag niya. Natataranta ko namang hinanap ang aking panyo upang punasan sana ang aking luha at sipon na nagbabadyang tumulo.



"Ito ba ang hinahanap mo?" Napatigil ako ng makita kong hawak hawak niya yung panyo ko, nakakahiya lalo na't nakita niya akong nagdadrama dito.



Walang imik kong kinuha ang panyo sa kaniyang kamay, at pinunasan ang aking mata at ilong. Akmang tatayo na sana ako at aalis ng magsalita muli ang lalaki.



"You know what, you can tell me everything. Kung iyon ang magpapagaan ng loob mo" How dare he. Kung makapagsabi siya akala niya ang dali daling gawin, palibhasa ay hindi niya alam ang nararamdaman ko.



"And do you think I will do that? Hindi tayo close Mister. Hindi ako tanga para magsabi ng tungkol sakin lalo na sa isang stranghero" Diretso ko itong tinitignan sa mga mata habang sinasabi iyon. Katulad ko ay wala din siyang reaksyon.



"Hindi kita pinipilit. If you don't want then you're free to go" bago ko pa ito masagot muli ay nakaalis na ito. Sumobra ata ako, dahil sa bugso ng damdamin ay hindi ko na napag-isipan pa ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Malala ka na talaga Felicity.



Napailing-iling na lang ako sa nagawa ko, bago lisanin ang parke. Napagdesisyunan kong dumiretso na sa apartmanent para makapagpahinga. Bukas ko na iisipin kung anong gagawin ko sa buhay ko.





NANG makarating ako sa apartment ay natanaw ko na kaagad si Auntie Betty, ang may-ari ng bahay, nakatayo sa harap ng apartment ko. Patuloy ito sa pagpaypay sa sarili habang umiikot ang mga mata sa paligid. Ng mamataan ako nito ay dali dali ako nitong nilapitan habang hawak hawak ang isang sobre.



"Naku Felicity hija, san ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap. Hindi ko rin makontak ang telepono mo" pagtatanong nito sa akin



"Diyan lamang po sa tabi tabi Auntie. Ano po ba ang iyong sadya at parang nagmamadali po ata kayo?" Hinawakan nito ang aking mga kamay, tila nagpapahiwatig na kung ano mang malaman ko ay dapat maging matatag ako.



"Nagpadala ng sulat ang nanay mo Felicity, isinugod daw sa hospital ang tatay mo, at kung maaari ay umuwi ka raw muna sa probinsya niyo." Parusa po ba ito? Ang sakit na nararamdaman ko ay nadagdagan pa. Jusko hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa tatay ko.



"Auntie pakibantayan na po muna itong apartment ko. Hahabol po ako sa byahe ngayon. Maraming salamat po sa pagsabi sa akin ng balita" tumango naman ito bilang tugon at inabot sa akin ang sobre na naglalaman ng sulat.



Wala na akong sinayang na oras at agad agad na nag-impake. Inilagay ko lamang ang mga mahahalaga kong gamit sa bag at kunting pamalit na damit. Sinigurado kong nakapatay muna ang lahat at maayos ang pagkaka-padlock ng bahay bago umalis.



Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa estasyon ng mga bus. Swerte ko at pagkarating ko roon ay kunti lamang ang mga pasahero kung kaya't nakasakay ako kaagad. Napagpasyahan kong maupo sa tabi ng bintana, para maaliw ako kahit papaano lalo na't ang byahe papunta roon ay mahigit kumulang labing apat na oras. Panigurado ay umaga na ako makakarating roon. Depende pa sa traffic.



Iidlip na sana ako ng may maupo sa tabi ko. Pero bakit parang pamilyar yung amoy? Naalala ko naman yung lalaki dun sa park. Parehas sila ng amoy ah. Hindi na ako nakatiis at nilingon ko ang aking katabi.



"IKAW?!" Napasigaw ako sa gulat. Jusko po, si Mister dun sa parke ay katabi ko ngayon sa bus. Anong parusa na naman po ba ito Lord?

INEFFABLE (ON-GOING)Where stories live. Discover now