Cebu

349 11 0
                                    

Agad kong pinikit ang mga nasilaw kong mata mula sa araw, "bakit ko ba nakalimutang ibaba yung blinds"

Agad agad sana akong tatayo ng kama ng bigla kong napansin na may mabigat palang nakapatong sa bewang ko at may pilit sumisiksik sa batok ko.  Agad agad akong bumalikwas, baka kasi rapist, pero katulad ng inaasahan, mukha ng boyfriend ko ang bumungad sa akin.

Hahampasin ko sana, pero natigilan ako. Pano ba naman kasi, ang amo amo ng mukha niya habang natutulog. Paano naman ako magrereklamo nito. Halos isang minuto ko rin yata siyang tinitigan, ng bigla ulit sumiksik ang mukha niya pero ngayon sa leeg ko.

Agad agad kong nilapat ang palad ko sa mukha niya at nilayo 'to. "Hoy lalake, sinong may sabi sayong lumipat ka dito sa kwarto ko? Layo nga!"

"Baby naman ang aga aga."  Sabi ng boyfriend ko. sinubukan niya ulit isiksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Eeeeh! Pag biglang pumasok yung kapatid mo dito sa kwarto, patay tayong dalawa. Anong oras ka ba lumipat dito? Sigurado kang walang nakakita sayo?"

Ramdam na ramdam kong ngumiti siya, "ano ba baby, nakakairita to. Alis" Pero sa totoo nakikiliti lang kasi ako.

"Kanina mga 2 AM siguro, siyempre walang nakakita sa akin, ninja moves. Hindi mo nga din ako naramdaman. Ano bang oras na?" Sabi niya habang muling siniksik ang sarili niya sa leeg ko.

"Ialis mo nga yang mukha mo, susuntukin na kita eh" agad agad akong umalis sa pagkakahiga, medyo nahirapan ako kasi sinibukan niyang higpitan yung pagkakayakap sa bewang ko, pero siyempre mabilis ako. Agad kong tinignan ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table, "6:10 na, tumayo ka na diyan. Baka mamaya biglang sumilip yung kapatid mo, o worst yung parents mo. Yari ka talaga sa akin"

Rinig na rinig ko namang tumawa siya sabay sabing "baby pakibaba nga yung blinds, masakit sa mata. I love you!"

"Bahala ka dyan" sagot ko sa kaniya sabay kuha ng towel at agad pumasok sa bathroom.

Agad kong nakita ang itsura ko sa salamin, natawa ako at napailing. Ako nga pala si Ernestine Grace Tiamzon, Tin for short. Graduating student ng De La Salle University, 5th year Lady Spiker at ang bagong kapitana ng team. Ako ang pumalit kay Desiree Cheng pagkagraduate niya. Ako ang captain ngayon pagkatapos naming matalo last season. Pero don't worry, gagawin ko naman ang lahat para mabawi namin yung korona para maganda ang paggraduate ko, yun talaga ang target ko, bonus na lang kung magka award. Basta kailangan magchampion. Dapat. Tama na ang isang talo sa UAAP career ko.

Yun lalaki na nakahiga ngayon sa kamang kaninang hinihigaan ko? Boyfriend ko yun, wala pa kaming 1 year. Naging kami lang nung 4th year ako, ewan ba anong nangyari, joke! Nadevelop na lang siguro, kakapush ng mga fans ng loveteam namin, bagay daw kami. Pero sabi nila rookie pa lang daw ako patay na patay na yun sa akin haha! Simula rookie year namin shiniship na kami at tinatanong ko ang isang malaking "bakit?". Hindi ko talaga makita dati kung saan banda kami naging bagay. Halatang makulit siya pero cute naman, moreno, sige na nga gwapo din talaga siya pero ayun mukhang chikboy. Samantalang ako simple lang, morena at higit sa lahat medyo boyish pumorma. Dami nga daw nagkakagusto sa aking babae, nagiging tibo daw sila dahil sa akin. Isa pang malaking "bakit?". Boyish lang ako pumorma at umasta pero babae ako, pero sabi nga nila gwapong maganda daw haha. Anyway, nagsimula yun nung 4th year ako. Nung grumaduate na si Ate Des at binilin niya sa akin ang boyfriend niyang si Kuya Kib. Wala naman problema, kasi sobrang close naman talaga kami ni Kuya Kib kahit pa bago umalis si Ate Des. May mga subjects din kasi kaming parehas. Kaya ayun madalas ko siyang kasama, kaya unti unti ay naging malapit na rin ako sa mga kateam mates niya, ang Green Archers. Naging kunwari kunwarian akong muse nila, kahit pa hinahamon ko sila ng suntukan pag inaasar nila ako.  At dun na nga kami nagkamabutihan ng lalaking nakahiga dun sa kama ngayon. O ano, may idea na ba kayo kung sino yun? Oo tama. Si Josh Torralba nga ang tinutukoy ko.... Joke, hahaha kayo naman hindi kayo mabiro. Si Andrei Caracut nga ang nakahiga dun sa kama.

A love like ours (Andrei Caracut & Tin Tiamzon) story 2.0Where stories live. Discover now