PROLOGUE

4 1 0
                                    






"Keeno, tapatin mo nga ako. Hanggang kailan niyo ako paglalaruan ni Zane, ha?"







"Stop playing with my feelings!", dagdag ko pa.







"10th Grade", madaling sagot niya sa'kin.







"Pwede ba? I'm done playing with your gam-"







"Noon lang siya nakakilala ng taong grabe ang buhos ng luha dahil sa kanta ng isang banda."







"Na sa sobrang pag-iyak, yumakap ng completely random stranger. At ikaw yon, Sunny", dagdag pa niya.







Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Keeno. I was shookt. Si Marzane pala yung walang kahihiyan kong niyakap sa kalagitnaan ng kantahan ng The Juans.







Naalala ko rin nung gabing 'yon ang paghagkan niya sa'kin kahit hindi namin kilala ang isa't-isa.







Bukod pa rito, hindi ko malilimutan yung amoy ng pabango niya mula sa Oxygn, "Spaced Out". Naging paborito ko 'yon since then.







I was shocked that time at dali-daling humingi ng tawad sa nagawa ko.








Dahan-dahan akong tumingin mula sa dibdib niya patungo sa maamo niyang mukha.









"Sorry po kuya, nadala lang po ng kanta". Hindi siya umimik. Bumitaw kami sa pagkakayakap. Iniwaksi ko ulit ang paningin ko sa stage at muling pinanood ang banda.











Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko noong gabing 'yon. Hiyang-hiya ako ngunit nalimutan ko rin dahil masyado akong nakatutok sa panonood.










"Mula nung gabing 'yon, sinundan ka na ni Marzane. Hoping that one day, you two would get to know each other well. And now, ang alam ko lang is masaya siyang kasama ka, kahit pa araw-araw", sambit ulit ni Keeno mula sa pagkagulat ko sa ikinwento niya.











"Na'san ba kasi siya?" pagalit kong tanong sa kanya.












"Isn't he your roommate?" dugtong ko.











"Ay, galit? Go find him by yourself then. Matutlog na ko. Goodnight!", sagot niya habang inilalabas ako sa kwarto nila. Sinara niya ang pinto.











"Kaazar!", I rolled my eyes at him kahit pinto nalang ang kaharap ko at humakbang paalis para hanapin si Zane.






Until I Found YouWhere stories live. Discover now