O2 ; Her Tragic Past

45 13 5
                                    

Dedicated to vkes1997

CHAPTER 2

After shooting ay nag-diretso na ako dito sa Alfred's Coffee Shop, tulad nga ng kasunduan namin ni Marshelle.
Matapos ng papuring natanggap ko kay Javie ay nagmadali na akong  naglakad dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bigla namang inabot ng isang staff ang parte ko sa pag-eextra kaya patakbo na akong pumunta sa Dressing Room para magbihis at mag-ayos, matapos nun ay nagdiretso na ako dito bitbit ang body bag ko. Wala na akong pakialam kung anong sasabihin ni Javie sa akin dahil sa biglaan kong pag-alis sa harapan niya. Haayyst. Erase this thought Faith.

Kasalukuyan akong nage-scroll sa aking Facebook account dahil nga hinihintay ko pa siya. Si Marshelle. Grabi talaga ang babaeng yun, late na naman. Natawa ako nang aking mabasa ang post ng kapatid ko.

Frans Kiefer Javier, ito ang account name niya. Here is his post na naagaw ang aking atensiyon.

Tropa ko; Saan ka nag-aaral brad?
Me;  Sa C.E.U
Tropa ko; Ahh C.E.U....C.E.U ang pag-ibig   ko🎶🎶C.E.U🎶🎶

Grabe ang waley. Pero bakit ako natatawa?. Nagpapaka-shitposter na naman ang gago, imbis na pag-aaral ang atupagin ay laging pag-online at pag-post ang inu-una. I tried to comment in his post. Pagtritripan ko ang mokong na toh. Ni-type ko ang 'nakakatawa yun?' at ni-send ko ito as a comment. Tingnan natin kong hindi pa siya maglog-out.

Agad naman siyang nag reply sa comment at laking gulat ko nang mabasa ang reply niya sa akin.

'Of course hindi naman ako mag popost kung hindi nakakatawaa'

Like seriously? I'm his older sister at ako ang nagpapa-aral sa kaniya tapos sinagot niya ako ng wala lamang po o kung anumang dapat paggalang sa akin.
I replied. Nakakainis ang Francis na toh.

'Talaga?. Okay sege wag ka nang manghingi sa akin ng pang-tuition mo.
Mag-drop kana o kaya maghanap ka ng taong tu-tuition sayo. 3 days from now
Final exam mo na. Nakakalungkot isipin.'

Matapos ko itong i-type ang ni-send ko na. Hindi siya mananalo sa akin.

Wala pang ilang singundo ay nag-reply siya kaagad.

'Ate. Ano kaba? joke lang po yun. Ayiiee lab you my gorgeous ate'

See? takot ang gago na hindi ko bigyan ng pang-tuition. Napatawa nalang ako sa kalokohan naming magkapatid. Imbis na replyan ko pa siya ay hindi ko na ginawa. Bahala siya. Pinatay ko na ang Phone ko at ipinatong ito sa table. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang bestfiend ko. Kinuha ko nalang ang pocket book sa aking bag at binasa ito. Chapter 41 na ako at maghahalikan na ang bidang lalaki at babae sa unang pagkakataon. Ito na sila at hawak na ng lalaki ang pisngi ng babae hanggang bumaba ang kaniyang mukha papalapit sa mapulang labi ng babaeng pinakamamahal niya. Kilig na kilig na ako dahil matagal kong hinintay ito ngunit naputol ang aking pagbabasa nang may humablot ng hawak kong pocket book.

"What the.fff..". natigil ang aking sasabihin nang makita ang taong kumuha ng pocket book ko.

"Tama na toh.. I'm here already.. Kanina ka pa naghihintay?". Tanong niya sa akin na parang hindi niya naisturbo ang pagbabasa ko. Umupo siya sa kaharap kong upuan. Nandun na sana eh. Anyway pwede ko na mang basahin ito mamaya. Tss. Nakakainis ang babaeng ito. I rolled my eyes while she's staring at me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Intentionally Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon