Pillow Talk

18 3 1
                                    


★★

Alas nuebe na nang umaga ako nagising kaya ngayon ay halos lakad takbo na ang ginawa ko para makahabol kahit man lang sa last subject namin ngayon. Patay nanaman ako nito!

"Wait miss, Are you Jonnie Denille Guadaccino? " wala na sana akong balak na lingunin pa ang mamang nakasalubong ko ngunit narinig kong binanggit nito ang pangalan ko.

Naiirita man ay nilingon ko parin ito. "Yes I am, what do you need?" turan ko. Batid kong medyo naging rude ako dito ngunit gusto kong makahabol sa last subject ko.

"may nagpapabigay po." aniya at iniabot ang malaking paper bag. Taka man ay kinuha ko na ito ng matapos na.

"Salamat." pagkatapos makuha ito ay kumaripas na ako ng takbo. Batid kong masesermonan nanaman ako ng teacher ko.

I am a Grade 12 HUMMS student from Beverly Academy. Mahigpit ang paaralan namin pero dahil malakas ang kapit ko sa school nakakapasok parin ako ng campus.

I'm not the owner, nor a rich one. I'm just a typical student but everyone knows me because I brought a lot of gold medals and certificates in this school. Kaya hindi nila ako rito nababasta-basta lang.

Maging ako ay hindi sangayon sa special treatment nila. I want a fair treatments for every student. Ayaw kong may naga-adjust na kapwa ko estudyante para lang sakin. Because everyone deserve to be treated fairly.

"Good morning ma'am, sorry for being late." ani ko matapos marating ang room.

"Ang aga mo naman ata para sa klase mo mamayang hapon. But well, wala na akong magagawa. You may now take your sit but please come early next time." aniya at gayon nga ang ginawa ko.

"Oy gurl ha, ang aga mo naman cyst. Teka chika naman diyan." ani ni Venice pero Vincent Santos talaga ang real name ng baklush. Masiyadong pagirl lang talaga yan.

"Bakit ano bang dapat i-chicka ko eh nalate lang ako ng gising kaya late ako pumasok." sagot ko rito ng hindi tinatapunan ng pansin. Abala ako sa pagkuha ng lecture notebook ko.

"Ay ang bakla pa echos din. Hoy gurl kanino galing yan?" this time kunot noo kong nilingon ito. "Ang alin ba kasi?" dahil hindi ko magets ang tinutukoy niya.

"Ayan gurl!" aniya at tinuro ang paper bag na ngayon ay nakalapag sa sahig. "may hindi ka sinasabi sakin ha, magtatampo na talaga ako sayo!" aniya at nagpangalumbaba pa.

"Ito, ewan hindi ko pa nabubuksan yan. May nagpabigay raw." bigla naman ito napatakip ng bibig niya dahil siguro sa gulat?

"Oh? Napatakip ka naman ng bibig diyan? Gulat na gulat?" babatukan ko na sana ito ng sanggain ang mga kamay ko sa ere.

"Ano kaba cyst, kapag ba napatakip ng bibig dahil agad sa gulat? Hindi pwedeng hindi lang ako nakapag toothbrush?" aniya at nag gesture pa na inaamoy amoy ang hinginga sa palad.

"Kadiri ka talagang bakla ka!"

"Miss Guadaccino and mister Santos! Anong ingay yan?" bahagya naman akong napayuko dahil sa pagkapahiya.

"Ungol po ata ma'am" ani ni Venice na siya namang ikinatawa ng buong klase. Siniko ko naman ito dahil sa sinabi. "Aray ba't ba?" protesta niya habang napahawak sa tagiliran.

"Anong sabi mo mister Santos!"

"Ungol-I mean Bangaw. May nalipad po kasing bangaw na tunog ungol kaya medyo nawindang ang bakla sa kakadakip" nagtawanan naman ang buong section dahil sa sinabi ni Venice.

"Whatever Mister Santos! Makinig na kayo!" turan ni ma'am kayat gayon nga ang ginawa namin.

Maghapong panay leksyon lang ang nangyari kayat pag-uwi ko ay halos matulog na agad ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pillow TalkWhere stories live. Discover now