"Project ARJO. The Artificial Regenerator from Joint Oocytes. Created to prolong the life of the greatest immortal Slayer, RYJO. Her blood is considered as the key to immortality . . ."
May kadiliman sa lugar at sa stage lang nakatutok ang spotlight na nagmumula sa likuran ng malaking theater. Maraming taong umookupa sa bawat pulang upuan. Halos lahat ay mga mayayamang tao.
Nasa gitna ng stage si Arjo, nakapiring ang mga mata, nakaposas ang mga kamay na binalot ng makapal na gloves. Nakasuot lang siya ng itim na tube at maikling shorts.
Itinaas ng lalaking naka-black tux ang isang kutsilyo at hiniwaan sa leeg si Arjo.
"Hagh!" Kanya-kanya nang gulat ang mga babaeng nandoon habang pinanonood na umagos ang dugo sa leeg ni Arjo.
Panandaliang natahimik ang buong lugar. Hinihintay ang mga susunod na magaganap.
"Ooohh . . ."
Unti-unti ay napuno ng tinig ng pagkamangha at palakpak ang buong lugar nang biglang pinunasan ng lalaking may hawak kay Arjo ang leeg nitong puno ng dugo at makitang wala na ang sugat na gawa ng kutsilyo.
"You can have the whole information about this project after this. Let's start at the price of 100 million dollars," sabi ng auctioneer.
"100 million!"
"We have 100 million!"
"250!"
"300!"
"500!"
Nagsisimula nang magpataasan ng presyo ang mga taong nasa auction na iyon.
Ang bali-balita ay ino-oversell lang daw ang Project ARJO. Pinalalabas na peke ang tungkol dito para pagkaguluhan. Pero hayun at harap-harapan nilang nakikita ang nangyayari dito.
Totoo nga ang usap-usapan. Lalo pa't ang lahat ng nasa bidding na iyon ay bidder din para sa gaganaping Annual Elimination.
Ngunit may isang lalaki sa bandang gitna nakaupo ang patawa-tawa na lang habang naririnig ang pagkakagulo ng iba sa item na bini-bid.
"10 billion!" sigaw niya na ikinatahimik ng lahat.
Napunta tuloy sa kanya ang atensiyon ng lahat ng dumalo sa auction na iyon.
"Is that . . . Soulomon Romanov?"
"I guess he is."
"10 billion? That's huge."
"What will you expect?"
"10 billion. Going once!"
Naghintay ang lahat kung may tatapat pa sa presyong iyon.
"Going twice!"
Napangiti na lang sya ng dahil mukhang makukuha na nya ang item
"50 billion!"
Nagulat ang lahat doon sa nagpresyo ng fifty billion. Maging ang tinawag nilang Soulomon ay hindi rin iyon inasahan.
"50 billion, going once!"
Napuno ng katahimikan ang buong auction house. Masyado nang malaki ang 50 billion. Budget na iyon ng isang buong kapitolyo na may malaking populasyon.
"Going twice!"
"What the hell is she doing?" bulong ng nakilalang Soulomon Romanov.
"SOLD!"
"Uh-huh! Beat that, daddy!" masayang sinabi ng nag-bid ng 50 billion at pasayaw-sayaw pa sa upuan niya habang nang-aasar sa kaagaw niyang high bidder.
"Take her," utos ng auctioneer.
At nagsimula nang maglabasan ang napakaraming nakaitim na suit sa paligid.
Isang masamang tingin ang ibinigay ng nakilalang Soulomon sa umagaw ng item na dapat ay kanya. "Who the hell is that?" inis niyang binulong habang iniisip na hindi naman pamilyar sa kanya ang nag-bid nang ganoon kalaki. Bago lang sa paningin niya.
Tumayo na ang babaeng nakakuha sa Project ARJO. Tinaasan siya ng kilay nito habang binubulungan ng kasamang lalaking mukhang bodyguard pa yata nito.
Naglakad ito patungo sa exit kung saan makukuha ang mga item. Mabilis niya itong hinabol at hinarang.
"Do you have any idea of what you are doing?" bungad niya rito.
Sa mas maliwanag na lugar, doon lang niya napansin na isa lang itong dalagang wala pa yatang dalawampu ang edad. Kung hindi ito nakasuot ng heels, malamang na hanggang dibdib lang niya ang taas nito at hindi aabot sa balikat.
"Who are you?" maangas niyang tanong dito.
"Sir, don't harrass my boss," pag-awat ng lalaking nakaitim na kasama ng dalaga.
Maangas na ngisi lang ang nagawa ng lalaking Romanov at inilipat ang tingin sa dalaga. "You don't know what you're taking, kid," babala niya rito. "Bet you didn't know me. I'll bet you didn't know what you're into."
"Sir, we have to go. Excuse us." Ginuwardiyahan na ang babaeng iyon ng dalawa pang guard at tuluyan nang pumasok sa isang kuwarto kung saan magkakapalitan na ng item at bayad.
Samantala, naglakad na ang dalaga para sumunod sa pagkuha kay Arjo. Apat na guwardiya rin ang nakabantay sa kanya nang pasukin nila ang mas maliwanag na lugar.
Para iyong isang opisina, hindi ganoon kalaki. May isang mesa sa gitna, carpeted ang sahig, kulay krema ang dingding at walang kahit anong bintana. May security camera naman sa itaas ng kanto ng pinto sa dulo kung saan kasalukuyang hinahanda ang Project ARJO para i-check ng bidder. Para lang masiguro na ito ang tamang item na binibili nila.
"Miss Amvito," pagbati ng lalaking assistant ng auctioneer. Mukha itong nakakatakot na goon. Nasa kanang gilid nito ang isang guwardiyang hatak-hatak na parang hayop ang tinatawag nilang Project ARJO. Nakatakip ng puting tela ang mata nito at may duct tape ang bibig habang nakaposas. "You can check the item."
Napahugot ng hininga ang dalagang tinawag na Miss Amvito habang naglalakad papalapit kay Arjo. Ipinuwesto ito sa gitna ng silid para maobserbahan nang maigi.
Kitang-kita niyang nanginginig ito sa takot. Mahina itong humihikbi at basang-basa ang mukha nitong marungis na.
Hinanap niya sa katawan nito ang kahit anong pasa o senyales na sinaktan ito o pinahirapan, pero wala. Maputla ang balat nito at makinis. Walang bubog, o galos, o pasa.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano ito titingnan gaya ng inutos sa kanya ng lalaking assistant. Ano bang klaseng check ang gagawin niya rito? Kung para sa damage ba? Hahanapan ng damage? Quality Assurance?
Ni hindi nga rin niya alam kung bakit niya ito kailangang bilhin.
"Mr. Manoso, this is the payment for the item." Nalipat ang tingin ng tinawag na Miss Amvito sa guard na kasama niya. Wala naman itong dalang pera pero nakita niyang may susi itong inabot sa assistant. Kung anong payment ba ang sinabi nito, hindi na niya iyon gustong malaman.
"Miss Amvito, we'll deliver the item to you once we verified the purchase receipt," sabi ng assistant.
Tumango lang siya at lumapit kay Arjo para bumulong. "Don't worry, ilalabas ka namin dito. Nakausap ko na yung mama mo."
Tinapik na siya ng guard at kinuha na rin ng assistant ang Project ARJO.
Huling sulyap pa sa projectat doon niya nasabi sa sariling nagkamali siya ng desisyong pumasok sa mansyonni Erajin Hill-Miller.
BINABASA MO ANG
Hunting Project: ARJO (Book 8)
ActionWala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Nagunaw ang mundo nya sa pagkawala ng buo nyang pamilya Ngayon, magbabayad ang dapat magbayad. Maniningil na sya ng pagkakautang ng may atraso sa kanyang buong pamilya...