1

48 2 0
                                    

Magsisimula ang istorya na ito sa maliit na parte ng Ermita, kung saan may nababagabag na babae na ang ngalan ay Amelia. Siya'y dalawampu't dalawang taong gulang, marilag, maliit, napakaganda ng boses at kaakit-akit; masasabi ring siya'y habulin ng mga lalaki.

Kada-gabi, hinihiling niya sa mga tala na siya'y makahanap ng isang taong iibigin siya ng tunay; hindi laro-laro lamang ang relasyon sa kanya. Napabuntong hininga na lamang si Amelia, "Kailan kaya ako pagbibigyan ng sansinukob? Bakit parang wala akong magagawa sa aking sitwasyon?" Malungkot na natulog si Amelia sa gabing iyon, nagdarasal na sana mahalin siya ng tama ng kung sino mang darating.

Habang nagmumukmok si Amelia sa kanyang pag-ibig, ang mga kalalakihan namang nagkakagusto sa kanya'y hintay lang nang hintay. Ni isa sa kanila ang napupusuan ni Amelia, sapagkat kilala niya ang mga ito. Mababastos at walang respeto ang mga lalaking may gusto sa kanya, mayroon rin namang mga may respeto ngunit hindi talaga nais ni Amelia. Hindi niya alam kung bakit walang lalaki ang nakakabihag ng puso niya.

Sa umaga, pumunta siya sa parke at umupo siya sa isang duyan. Habang siya'y nagbabasa ng isang libro, may napadpad na bola sa kanyang direksyon. Tinignan niya kung saan nagmula, isang babaeng singkit na maputi! Isang siyang chinita. "Hehe Paumanhin, binibini, sadyang malikot ang aking mga kapatid." sabi nito. Tinaas ni Amelia ang kanyang kilay, 'maganda siya' inisip ni Amelia. "A-Ayos lang" nerbyosong sabi nito. Ngumiti na lamang ang chinita at bumalik sa paglalaro kasama ang kanyang mga kaibigan. Sinarado ni Amelia ang kanyang libro at tumitig lang sa direksyon ng dalaga.

Nang umuwi si Amelia, hindi parin niya matigilan ang pagpirmi ng kanyang utak sa dalagang kanyang nakausap. Sa gabi'y nakalimutan niyang humiling para sa pagibig niya. Tila nasagot na nga ata ng panginoon ang kaniyang panalangin.

Sa susunod na araw, bumalik muli siya sa parke kung saan niya nakita ang dalaga. Gusto niya itong makita muli, ngunit di niya alam kung ano ang dahilan. Baka gusto mo lamang siyang maging kaibigan- Oo, ayun 'yon. Siya'y nais mong kaibiganin. Inayos niya ang kanyang damit at naghintay sa chinita. Lingon siya ng lingon ngunit bakit parang wala? Sa kahihintay, sumimangot si Amelia, hindi niya alam kung bakit siya nadidismaya, siguro dahil hindi niya nakita ang singkit na nakabihag ng kanyang damdamin- 'Hindi! Hindi ako ganoon. Gusto ko lamang siya maging kaibigan.' pagrarason nito habang nakanguso, nang may naramdaman siyang tumakbo sa likod niya. Agad siyang napasulyap sa likod at bumalik na ang kanyang ngiting napakaganda. Ang chinita kahapon! Di niya aakalaing makikita niya muli ito. Napatingin na rin sa kanya ang dalaga sapagkat ang kanyang ngiti'y nakakakuha talaga ng atensyon.

Ngumiti rin pabalik si Laura, hindi niya mapigilan ang sarili dahil sa kagandahan ng dalagang nasa harapan niya. "Magandang umaga, binibini, wala ka bang kasama?" tanong ni Laura, "Wala eh, pwede namang ikaw" sagot naman ni Amelia. Napamula ang pisngi ng chinita at hindi niya napigilan ang sarili sa pagngiti at pagpisil nito. Tumawa sa kilig ang dalawa at nang kumakalma sila, si Laura'y nakatitig lamang kay Amelia habang nakangiti. Hindi alam ni Amelia kung anong ibig sabihin nito kaya binalewala niya na lamang ang pagkintang ng mga mata ng chinita.

"A-Ano ang iyong pangalan at anong ginagawa mo hm?" nauutal na tanong ni Laura, "Wala lamang, gusto ko lang magbasa ng libro, oh? Pangalan ko'y Amelia" masayang sagot ni Amelia sa tanong niya. "Gusto mo bang umalis rito o gusto mo bang magbasa ng iyong libro-Teka paborito ko 'yan. Juana at Feliza, napakaganda ng istorya na 'yan. Tapos mo na ba?" daldal ni Laura tungkol sa binabasang libro ni Amelia. "ahh oo, nakakaiyak. Pangatlong beses ko na itong babasahin. Teka rin-Hindi pa kita kilala, paano ako makakasigurado na hindi mo ko sasaktan o ipagsasamantala?" pagtataka niya sa diretsong tanong ng chinita. Bumungingis naman ito, "Wala naman akong planong gawin 'yon sa iyo, binibini. Pagtaksil sayo'y parang pagtaksil na rin sa sarili kong buhay," para ngang totoo ang intensiyon ng chinita, napakaseryoso ng mukha't walang katawa tawa. "Bakit parang sobrang seryoso mo?" pagbibiro naman ni Amelia, "Para alam mong di ako nagloloko. Di ko kayang lokohin ang isang magandang binibining katulad mo."

Paulit-ulit ang ganitong pangyayari. Mas lalong lumago ang kanilang pagkakaibigan, sila'y mas lalong naging malapit sa isa't isa. Ito'y normal na gawain nila, palaging iniimbita ni Laura si Amelia sa kaniyang mga lakbay. Simple man o magarbo, si Amelia ay sobrang saya sa kaniyang piling. Iniisip niya kung bakit ang chinita lamang ang nagpaparamdam sa kanya ng ganoong saya. Isang beses, nagdala ng gitara si Laura habang kasama si Amelia. Sila ay nasa gubat at nagpipiknik. Tumutugtog lamang si Laura ng kung ano-ano, at nakanta naman nang sabay si Amelia. Ang kanilang mga ngiti'y kahulilip. Hindi mahanap ni Amelia kung bakit ganoon ang kanyang nadarama.


Oh Binibini (Alamat ng Harana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon