Si Nene

1.7K 5 0
                                    

Si Nene ay isang normal na dalaga may pamilyang nag mamahal sa kanya at mga kaibigan na tapat sa kanya. Sya ay simple, digaanong mayaman at di rin nakaranas ng sobrang pagkahirap. Sa tingin ng lahat tila parang perpekto ang buhay nya at parang wa na siyang hihilingin na kung ano pa. Pero kahit anong sabi ng mga iba sa tingin niya may kulang pa sa buhay niya.

Isang araw habang nag uusap silang mga mag kakaibigan biglang lumapit si Kikay at nag tanong, "Nene, kung may oras ka punta ka lang sa table namin at mag uusap tayo.” Pagkatapos ay biglang umalis na lang. Nag taka ang mga magkakaibigan at biglang nag salita ang isang kaibigan ni Nene na si Shena, “Aba! Bakit naman nya naisip kausapin tayo… samantalang dati ni hindi sya malingon sa direksyon natin.” “Ano ka ba?! Hindi tayo ang tinutukoy ni Kikay,” paliwanag ni MJ, “si Nene yung sinabihan nya di ba?” Sabay tingin ang mga magkakaibigan kay Nene na parang nag hihintay na sya ay mag salita. “Bakit?” tanong ni Nene sa mga kaibigan tila parang malalim ang iniisip. “Wala lang.” kibit balikat ni Shena at bumalik sila sa kanilang pinag uusapan pero parang nawala ang diwa ni Nene sa usapan nila.

Sa totoo narinig ni Nene ang sinabi ng kanyang mga kaibigan at napaisip sya na  maaari talagang gusto syang kausapin o higit pa, maging kaibigan ni Kikay. Si Kikay kasi ang pinaka sikat at maganda na babae sa eskwela nya kaya’t parang hindi sya makapaniwala na siya ay kinausap ni Kikay, bihira kasi ito mamansin ng taong hindi nya kaibigan. Sa pag isip ni Nene lalo syang natutuwa dahil baka sakali maging kaibigan nya si Kikay. Kayat nag disisyon sya na kausapin si Kikay.

Kinabukasan, nang natanaw na ni Nene si Kikay dali dali syang pumunta sa kinaruruonan ni Kikay na hindi napansin na ang kanyang mga kaibigan ay tinatawag sya. Nang napansin nina Shena at MJ na dumiretso si Nene kay Kikay ay nagtaka at tila parang pinag sakluban ng langit at lupa ang dalawa. Habang kinakausap ni Nene si Kikay sa kabilang dulo ng klase nag iintay at halos nag darasal si Shena at si MJ na umalis na agad si Nene, dahil alam nila kapag sinubukan mong maging kaibigan si Kikay mapapasama ka ng landas. Sa kanilang tuwa nang parang paalis na si Nene at pinuntahan agad ang mga kaibigan. “Shena! MJ!” biglang sigaw ni Nene, “dito tayo ngayon!” turo ni Nene sa mga kaibigan. Nagtinginan ang dalawa at tumayo sa pwesto at sinundan ang kaibigan. “Kikay! Mga kaibigan ko pala,” tunuro ni Nene, “si Shena at si MJ.” Ngumiti si Kikay at ang kanyang iba pang mga kasama nang tila parang hindi nagagalak makita ang dalawa. Sa araw na iyon tila parang sunod sunuran lang si Shena at MJ kay Nene na buntot ng buntot kay Kikay.

Nang uwian na, tinanong ni MJ, “Nene, bakit ba tayo sunod ng sunod kila Kikay kanina?” “Kasi simula ngayon magiging kaibigan na natin sila.” Sagot ni Nene  sa kaibigan. Nagulat ang dalawa sa nilahad ng kanilang kaibigan. “Ok ka lang ba?!” sigaw ni MJ, “o nasisiraan ka na ng bait?!” “Hindi noh!” tanggi ni Nene, “ano ba ang problema nyo kay Kikay?” “Wala naman…” simulang sinabi ni Shena, pero sumibat si MJ, “Anong wala! Marami kaming problema kay Kikay… Nene, kahit magandang tignan si Kikay masama ang ugali nya at wala syang maitutulong sayo bilang kaibigan.” “Ano ba yang pinag sasasabi mo!” sigaw ni Nene, “kung hindi nyo sya gustong kasama eh di bahala na kayo!” galit na umuwi si Nene.

Hindi maintindihan ni Nene ang mga ka ibigan. Sa isip nya parang ang gusto ng mga kaibigan nya ay maging kaibigan na lang silang dalawa habang buhay at wala na syang pwede pang maging kaibigan. Na nilim ang kanyang mga mata sa kanyang mga kaibigan at nag disisyon na sya na hindi na nya papansinin si Shena at MJ kahit kelan man.

Sa mga sumunod na mga araw si Shena at si MJ ay parang hindi na nabubuhay sa damdamin ni Nene. Palagi nya nang iniiwasan at sadyang hindi pinapansin ang dalawa. Si Nene ay tila parang naging ibang tao. Nuong dati sya ay simple at masipag sa pag aral ngayon sya ay hindi umaalis ng bahay ng hindi naka make-up at naka suot palagi ang isang katutak na mga palamuti sa katawan. Nuong dati’y araw araw ay naka handa na ang kanyang takdang aralin ngayon ay umaasa na lamang sya na kumokopya sa mga matatalinong lalaking pinapakopya at minsan ginagawan sya ng takda o proyekto. Palagi na syang nakikita sa gala at paminsan sya pa ang pasimuno nito. Dati ay tila parang hindi nya mahanapan ng pagbibilihan ang pera nya ngayon ay na kukulangan na sya sa binibigay nang kanyang mga magulang.

Sa madaling salita naligaw ang landas ni Nene. Ang mga tinturing nyang kaibigan dati ay tila tinuturing nyang parang basura. Ang mga magulang nya ay parang binabaliwala ang pagmamahal. Hindi makaluonan sya ay na lulong sa bisyo.

Unting unti nyang na kita ang totoong kulay ng babaeng akala nya dati ay maganda at nakakamangha. Ngayon sa tingin nya ay isang maputlang payat na walang kinabukasan. Sapag iisip nito ay na rinig niya ang tawag ng ina, “Nene, anak! Bumaba ka na diyan at kakain na tayo! Niluto ko ang paburito mo… sinigang na baboy!” Tayo agad si Nene at biglang takbo sa ina at niyakap ito. “Nay! Patawad po!” iyak niya sa dibdib ng ina. “Anak… bakit ka humihingi ng tawad?” sagot ng ina, “sapagkat wala kang ginawang masama.” “Nay?” tanong ni Nene. “Anak alam ko naman na hindi mo naiisip ng mabuti ang ginagawa mo dahil na impluwensyahan ka lang,” sagot ng ina, “at nakikita ko sayo ngayon na malinis na ang iyong isipan at gagawin mo na ang satingin mong tama.” “Mahal ko po kayo Nay!” sabi ni Nene nang napaiyak na sinabi sa ina. “Mahal din kita anak,” hinalikan sya ng ina ng syang pag dating ng ama ni Nene at ang pamilya niya ay makalipas ang mahabang panahon ay nag salo salo rin.

Kinabukasan pinuntahan ni Nene ang dating kaibigan. Pag bukas ni Shena ng pintuan bumungad sa kanya ang kanyang kaibigan na puno ng luha ang mga mata. “Shena mapapatawad mo ba ako?” pakiusap ni Nene. Bigla na lang niyakap ni Shena si Nene at sinabi, “Pasok ka at pa puntahin natin dito si MJ!” Ang ina ni Shena ay nag handa agad ng makakain at niyakap si Nene, “buti at bumalik ka rin iha nag aalala na ako nang hindi ka na bumibisita.” Pagkatawag ni Shena sa bahay ni MJ agad agad si MJ pumunta sabahay kaibigan.

Sa makatuwid ang mga magulang ni Nene at sina Shena at MJ ay hindi nila tinalikuran at pinanindigan ang kanilang pananagutan sa nangyare kay Nene. Ang kanyang mga magulang ay hindi sya pinabayaan at minahal pa ng lubusan nang it’y maligaw. Sina Shene at MJ naman ay nanatiling tapat sa kaibigan at ni minsan hindi kinalimutan. Ang pananagutan ng tao sa bayan ay parang katulad sa kwentong ito, kapag may pananagutan ka na saiyong tunkulin bilang mapa kaibigan man ay dapat alam o ang iyong parte sa buhay bilang isang kaibigan at pananagutan mo ang mga mangyayare sa kaibigan mo.

Si NeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon