Chapter 1

215 9 3
                                    

ASH POV

Isang magandang umaga, nasa classroom ako at nakikipag-usap sa bestfriend ko nang pumasok si Mr. Sebastian at nag announce " Good morning class may bago kayong kaklase pero pansamantala lang muna siya sa section ninyo dahil inaayos pa ang mga form niya, si Mr. Jiro Vasques, Jiro pumasok ka na" pag-anyaya ni Sir sa studyante. Nang pumasok siya ay nagtilian naman yung iba kung kaklase, animo nakakita nang napakagwapong artista e, hindi naman ganun ka gwapo si Jiro.
"Kyaaa! akala ko matanda na kasi nilagyan pa ni Sir ng Mr. yung pangalan" -Random girl 1
"Oo nga, oy ang gwapo niya crush ko na siya"
"Woo sana magkatabi kami"
"Hi, I'm Jiro Vasques from Blank Space Academy"
"Kyaa. I died I died!"
"I'm dead!"
"RIP ME"
"Pamatay pati boses waaaah"
"Tsk. ang oa ng mga girls" bulong ko
"Haha, inggit ka lang e kasi may lumamang na sayo" bulong naman ng bestfriend kong si Kara
"Tsk. anong lumamamang? Ang layo niyan sakin e, mas gwapo ako oh" sabay pogi sign
"Hangin, pero ah, gwapo nga siya hahaha"-Kara
"Huwag mong sabihin pati ikaw nagkakagusto kay Jiro?"
"Hmm, secret haha. Aba maka Jiro ka parang close kayo ah"sagot ni Kara sabay taas ng kaliwang kilay
"Hahaha close kami niyan no, syempre lahi ng pogi" pag mamayabang ko
"Ases. yabang, nangarap ka pa"
"Ayaw mong maniwala ah, JIRO!" sigaw ko kay Jiro at pakaway-kaway
"Oh, Ash dito pala section mo! Nice! Haha" paglingon ni Jiro at biglang lapit sa direksyon namin
"Oo nga e, nga pala tol bestfriend ko si Kara" pagpapakilala ko
"Ahm, hi" pa shy pang sabi ni Kara. Ew.
"Hello Kara Nice to meet you" sagot naman ni Jiro
"Tsk. Oh dito ka na talaga mag-aaral?"tanong ko
"Oo sabi nila daddy e, para sabay na tayo" sagot naman ni Jiro
"Ahh, e di ayos marami nang pogi dito haha" biro ko
"Haha, wait ah magrerequest lang ako ng upuan para dito na ako umupo" sabi ni Jiro tapos lumakad na
"Oy!" Pindot ko sa pisngi ni Kara
"Ano?" sagot naman niya
"Bakit ka ba tingin ng tingin kay Jiro?"
"Wala lang, gwapo e, problema mo?" maangas niyang sagot
"Sus, bagong mukha lang kasi sayo no"
"Hindi ah, talagang gwapo siya at ang decente tingnan"

"Decent din naman ako ah"
"Hahaha trying hard ka"
"Hindi ah"

Stay with me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon