Prologue

9K 101 6
                                    

"WHEN are you going to get married? The two of you!"

Ranz and Rhian ignored their mother. And just continued eating.

"Nakikinig ba kayo sa'kin o hindi?" Galit na sabi nito.

"Mom can't you see? We're in front of the food." Sagot naman ni Rhian.

"Just answer me. Mahirap ba 'yon." Tinignan nito si Ranz. "Ikaw? Kailan ka mag-aasawa? May anak na lahat ng mga kaibigan mo. Ikaw na lang ang wala. Gusto ko rin makita ang mga apo ko bago mamatay."

"Mom dalawa pa kami ni Lander." Pagtatama niya dahilan para makatanggap siya ng matalim na tingin mula rito. "So hihintayin mo pang makapag-asawa si Lander bago ikaw?" Naningkit ang mga mata nito. "O baka naman hinihintay mo pa rin ang babaeng 'yon hanggang ngayon?"

"No." Walang ganang sagot niya. "Ba't ba kasi ako ang pinagsasabihan niyo niyan? Mas matanda naman 'tong isa sa'kin." Naririndi na siya. Ito na kasi ang palagi nitong sinasabi simula pa lang no'ng mag-asawa si Xander.

Tumaas ang kilay ng kapatid niya. "O tapos? Mas matanda ka naman kasing tignan kaya dapat lang."

"Walang may gusto diyan sa maldita mong kapatid." Sabad ng mommy nila.

Pinigilan niyang matawa lalo na nang makitang sumama ang mukha ng kapatid.

"Mom! Excuse me?! Marami ang may gusto sa'kin. Ako lang ang umaayaw." Pagmamayabang naman nito.

"Really? Kaya pala at the age of 38 single ka pa rin." Umiling ang mommy nila. "Hindi ko alam kung saan mo namana 'yang ugali mo. Mababait naman kami ng daddy niyo."

"Talaga po ba?" His sister mocked their mom.

Tinignan ito ng masama ng mommy nila. "I'm not like you na halos lahat ng tao takot sa'yo. I have friends. Ikaw wala."

He rolled his eyes kasi alam niyang magsisimula na naman ang mga ito. How he wish nandito ang daddy nila para patahimikin ang mga ito.

"Where's dad by the way?" Pag-iiba niya.

"He's still at the hospital."

"Good morning!"

Mabilis silang nagkatinginang magkapatid nang marinig ang boses ng lola.

Tinapos nila ang pagkain at sabay na tumayo.

"I need to go. I just got a text that I have a patient waiting." Pagpapalusot niya.

"Me too."

Nagmadali silang naglakad at ng madaan ang lola ay agad silang hinarangan.

"Where are you going?" Nakakunot ang noong tanong nito.

"At the hospital. We have patients waiting." Hinalikan ni Rhian ang lola. "Bye."

Hinalikan din niya ito at nagpaalam na rin.

"Woah! That was close." He said when they are already outside.

Kung makulit ang mommy nila tungkol sa pagkakaroon ng asawa. Mas malala pa ang lola.

"E kung mag-asawa ka na kasi para hindi tayo kinukulit ng mga 'yon." Naiinis na sabi ng kapatid niya.

Tinignan niya ito ng masama. "E kung ikaw na kaya."

Pinakita niya ang cellphone dito. Agad naman nanlaki ang mga mata ng kapatid.

"What the hell. Where did you get that?" Sigaw nito at sinubukang hablutin ang cellphone pero mas mabilis niyang naitaas. Mas matangkad siya kaya hirap na hirap itong tumalon para kunin ito sa kanya.

"Give that to me." She's now glaring at him but he just smirked.

"Nah ah." Ibinulsa niya ang cellphone at tumakbo na paalis. Alam niyang sasaktan siya nito ng pisikal kaya mas mabuti pang lumayo na kaagad.

"Ranz Liam!" Sigaw nito.

Mabilis niyang binaba ang bintana ng sasakyan nang madaan ito.

"Yes Rhian Leigh?" Pang-iinis niya.

"Delete it or I'm going to kill you." Banta nito at sasakalin na sana siya pero mabilis niyang sinara ang bintana at pinaharurot ang sasakyan habang natatawa ng mahina.

He will going to show the picture to their parents para ito ang kuliting magpakasal.

Alam niyang siya ang pinupuntirya ng ina dahil palagi siya nitong sinasabihan o sineset up ng mga dates na hindi naman niya pinupuntahan.

Hindi siya magpapakasal maliban na lang kung ito ang babaeng matagal na niyang hinihintay na bumalik.

- F A I R Y S V N -

Healing Hearts [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER NOVELAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon