Ah ah~

11 2 0
                                    

Nagising ako sa isang di pamilyar na lugar. Tahimik ang paligid. Ang tanging maririnig mo lamang ay ang ihip ng hangin na dumadampi sa bawat sulok ng lugar. Nilibot ko ang paligid gamit ang aking mata. Bubog at mga sirang kagamitan lamang ang aking nakikita. Sa tingin ko'y, nasa isang abandonadong gusali ako.

"N-nasaan a-ako?"

"Bakit nga ba ako narito?" tanong ko sa'king sarili. "P-parang pamilyar tong lugar na to."

Nilibot ko ang bawat palapag ng gusali. Wala akong makita bukod sa mga sirang kagamitang nakakalat sa paligid. Nagpahinga ako saglit sa isang upuan. Habang nagpapahinga'y nakarinig ako ng hagulgol ng isang babae. Tumayo ako na may kaba at takot na may halong pagtataka at kuryusidad. Kaya kahit takot, ay hinanap ko ang pinagmumulan ng iyak.

Nahanap ko ang aking sarili sa panglimang palapag ng gusali. Rinig na rinig ko ng malakas ang hagulgol ng batang babae. Sinundan ko ito ng sinundan, hanggang sa bumungad sakin ang tila'y patak ng dugo sa sahig papasok sa isang silid. Dahan dahan kong sinilip ang silid, at nakita ko ang babaeng pinagmumulan ng iyak. Nakasuot siya ng blusang itim, at walang suot na sapatos o tsinelas. Pumasok ako ng di niya namalayan, sinubukan ko siyang hawakan pero di ko tinuloy. Ilang dangkal lang ang pagitan namin, ngunit parang di niya ako nakikita, o naririnig.

"Ahm, b-bata, o-okay kalang ba?"

Gaya nga ng sabi ko, di niya nga ako makita o marinig. Kaya't pumwesto ako sa harapan niya para naman ay malaman ko kung ano ba ang kanyang ginagawa. Nang makapwesto nako, ay bumungad sakin ang duguan niyang mukha at braso. Tila ba ay naglalaslas siya. Sa kabilang kamay niya ay isang matalim na malaking kutsilyo. Nakayuko lamang siyang umiiyak.

"H-hoy bata, a-anong ginagawa mo?"

Ilang sandali pa ay inangat niya ang kutsilyo at tinutok sa puso niya.

"H-hoy, bata, a-ano yan. Bitawan mo yan!" sigaw ko.

Kahit na alam kong di niya ko naririnig o nakikita, ay pinilit ko pa ding pigilan ang gagawin ng dalagita. Kukunin ko sana ang kutsilyo na hawak ng dalawa niyang palad, ngunit, tumatagos lamang ako.

"H-hindi to m-maaari, d-di to nangyayare." mangiyak- ngiyak kong sabi.

Gusto kong tumulong, pero, I'm helpless. I'm powerless. Di ko manlang siya mahawakan. Ang tanging magagawa kolang ay panoorin ang pagsaksak niya sa kanyang sarili.

Humagulgol ako, di ko alam ang aking gagawin. Tumayo ako at tumalikod, nakita ko ang aking sarili sa harap ng salamin, duguan, at may butas sa dibdib.

"F-fuck, h-hindi ito n-nangyayari, h-hindi pwede i-ito."

Liningon ko ang kinaroroonan ng dalagita at napaluhod. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Totoo nga. Isa na akong multo. Multo na nakakulong sa nakaraang nakalipas. Ang dalagita---------- ay ako.

--E N D--

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 07, 2021 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Who's There?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang