GUSTO KITA

3 1 0
                                    


WRITTEN BY: Mergie Buscas (Author of Dreams)

Gusto ko siya, ako'y gusto rin niya,
Pero bakit ‘di niya tignan sa mga mata?
Totoo ba'ng ako'y iyong gusto?,
O pinaglalaruan mo lang ako?

Nagdaan ang mga araw at linggo,
Hinanap kita ngunit 'di makita.
Ako pala ay nilisan mo,
Masakit isiping wala ka na sinta.

Bakit 'di mo sinabing ika'y may leukemia?,
Para sana ikaw'y nakasama pa.
Nakatabi at nayakap sana,
At maamin ko'ng mahal kita.

Oo hindi na kita gusto ngayon,
Dahil ikaw ay mahal ko.
Gusto kang makasama sa pagbangon,
Pati na rin sa paggising ko.

Paalam Mahal at ikaw ay malaya na,
Kahit 'di ko pa tanggap na wala ka.
Kahit wala ka na aking sinta,
Sa puso ko'y ikaw lang at wala nang iba.

GUSTO KITADonde viven las historias. Descúbrelo ahora