P R O L O G U E

6 0 0
                                    

Prologue.


Kung meron mang itinuro sa'kin 'tong mundo,

'Yun ay...

Hindi lahat ng gusto mo magkakatotoo.

Sinampal na agad ako ng katotohanan na 'yan, nagdadalaga pa lang ako.

Kasi nga, ang buhay ay hindi isang fairy tale at lalong hindi ako isang Disney princess!

Na makakatagpo ng prince charming at 'yung story ko? Ay palaging magtatapos sa Happy ending.

Minsan kahit nakakadisappoint, kailangan mo na lang rin tanggapin, kasi, wala e. Gano'n talaga.

Ewan ko ba! bakit ang shunga-shungang magsulat ng kwento nitong si tadhana! kung hindi artista, Fictional character lang ang gusto kong maging jowa!

Ah basta! Ang alam ko lang... madaya ang mundo.
Na kahit pa nasa katwiran ka! kung hindi para sa'yo, wala kang mapapala kahit pa ipaglaban mo.

Minsan nakakasawa na rin, alam mo 'yung mapapatanong ka na lang sa sarili mo. Ano ba talaga 'yung hinanda ni God para sa'kin?

Kasi sa totoo lang? Minsan nakakapagod na ring mag-hintay.

Nakakasawa na rin minsan na manghula lang.

'Yung tipong sasabihin mo, 'siya na ba yon?!'

Tapos after one week, Hindi ka na ichachat?

Oo ikaw 'to, tangina mo Ace!

Ang sakit lang mabuhay sa mundo kasi naimbento 'yung salitang "Pag-asa"

Hindi 'yung sa weather forecast ha, medyo bobo kayo e.

Pag-asa

'Yun kasi 'yung kahit anong kamalasan na ang ibato sa 'yo, hindi ka ganon kadali matitinag kasi para sa'yo may pag-asa pa e.

'Yung...

"Bawal akong mapagod magtrabaho, kasi alam ko para sa'kin na 'yung susunod na promotion bakla! keshihodang walang dilig magpapahardfuck na lang after eme!"

"1 last week! Before ako maging ganap na architect! For the past 6 months I've already given my best. Kaya ko 'to! after this magiging architect na ako."

Tapos—

"Tangina, pinagtrabahuhan ko 'yon e. Hindi lang dugo't pawis ko inalay ko doon, ubos na ubos na nga ako oh! Tapos kulang pa rin. Hindi ko ba talaga deserve? Ganoon ba ako kawalang kwenta?"

"Ang tanga-tanga mo! You had 1 chance to take that exam and you screwed it! Mga kabatch mo architect na, tapos ikaw andito ka pa rin?"

Tulad nga ng nasabi ko kanina—maduga ang mundo.

Hindi n'ya pipigilang umasa ka, pero huwag kang masasaktan kapag sinabi n'ya sa'yo ang kahindik-hindik na--

Hindi.

"Gagawin ko lahat, magstay lang siya. Please, siya na lang kasi."

"Hindi."

"P-pwede bang huwag niyo muna sa'king kunin 'yung anak ko? All of my life I've seen people come and go sa buhay pero please not my son. Siya na lang ang meron ako... Hindi ko po kakayanin."

"hindi."

Kahit pa nakakairita, kahit pa gustuhin nating ipabugbog sa kanto 'yang tarantadong si tadhana.

Kailangan natin na makasanayan na lang.

Isang iyak. Tapos okay ka na dapat ulit.

Wala kang choice. Favorite ka ba?! bobo ka talaga e.

Baka kasi sa susunod na subukan mo, ayun na pala.

Baka biglang sumpungin ang mundo, at for once pagbigyan ka niya maging masaya— edi tiba-tiba ang araw mo.

At kung hindi naman?

Edi kawawa ka naman.

Pero alam niyo? Kahit maraming beses akong pinagod ng mundo.

Kahit pa ihardfuck ako ni kamalasan.

Hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Nasobrahan kasi ata nang bigay si batman, kaya heto... nuknukan ako ng katangahan.

Kasi kahit pa ilang beses akong masaktan, hindi pa rin ako humihintong maniwala na one day, maisisigaw ko rin sa mundo na.

"PAKSHET KAYONG LAHAT!!! ANG POGI NG JOWA KO AT MALAKI RIN ANG BU— ems."

Na after all of this.

Magiging worth it 'yung paghihintay ko nung para sa'kin.

At kapag nangyari 'yon? Ipagdadamot ko talaga.

Sa'kin 'yon e.

Kahit pa bugbugin ako ng labing dalawang batalyon sa tondo, at magkagripo ang tagaliran ko.

Ang mahalaga matatapos 'yong lahat nang--Nasa tabi ko s'ya.

"I Love you." Hinawakan ko nang madiin 'yung kamay n'ya, habang nakatuon 'yung tingin n'ya sa kalsada.

"I Love you too."

Kahit papaano, quits na kami ng mundo at ni tadhana.

Pero wala pa kaming bed scene, kaya need pa niyang iwork-out 'to.

Eme!

F.L (Fuck' Love)Where stories live. Discover now