One Shot Story

160 47 37
                                    

The Last Dance
written by: heynielaaa

-♡-

Nandito kami ngayon sa usual na tambayan namin ni Kate tuwing recess.

as usual

nasa library kami

"Hay nako Serene Chavez, gumising ka na nga dyan sa katotohanan. I hate the fact na nababaliw ka sa kanya. Move on and find another guy, yung may pag asa ka" sambit ni Kate sa akin.

"Hindi matuturuan ang puso ghorl" sagot ko sa kanya.

"Okay fine, pero huwag kang magsisisi kapag nabaliw ka sa kanya ha, marupok tsk" dugtong pa ni Kate.

"Fine, marupok na kung marupok, pero kasi tinamaan na ako kay Miguel" sabi ko.

At dahil nakalimutan naming nasa library kami, nag warning tuloy si ma'am sa amin.

"Warning" sabi ni Ma'am sabay baba ng kanyang salamin sa nasa ulo niya upang tignan kami. Halatang terror. Hayst.

"Sorry po" sabi naming dalawa.

Nagbabasa ako ngayon ng History book, dahil may quiz kami about sa Philippine History.

Pero hindi ako makapag focus dahil kinakausap pa din ako ni Kate.

"Gosh Serene, huwag ka ng umasa na mag c-chat pa siya sayo, remember ginhost mo siya, seener ka kasi ghorl" sabi niya. "Gising na uy" mahina nitong sabi.

"Shh, can't you see? Nagrereview ako tapos ang ingay ingay mo baka mapalabas tayo" sabi ko habang patuloy pa din na nagbabasa.

"I will give you ten seconds to live, now" pagalit na sabi ng teacher sa library.

"Sorry po" sabi namin habang mabilis kong binalik ang libro sa library at mabilis din na umalis.

Kasalanan mo 'to Kate kapag bumagsak ako sa quiz, hindi ako nakapagreview ng maayos, kainis.

Hindi ko pinansin si Kate hanggang sa mag bell at dumating na ang teacher namin sa History.

Lagot talagang 'tong babaeng 'to pag bumagsak ako. Weakness ko pa naman yung History shems.

Maya maya pa ay nagbigay na ng test questionnaires si Ma'am.

"last 3 minutes"

Shocks out of 30 items 17 palang nasasagutan ko tapos yung iba hindi ko pa sure kung tama.

Lumingon lingon ako sa paligid para makahanap ng source pero wrong timing kasi nakita ako ni ma'am.

"Mind your own business, mag stick lang kayo sa papel niyo" sabi ni ma'am.

Alam kong ako ang pinapataam ni ma'am, shemay babagsak na talaga ako nito.

"Sana all"
"Sana all stick to one"
"Walang ganon ma'am"
"Di na uso 'yan ngayon"

Halo halong sabi ng mga kaklase ko.

Samantalang ako lutang pa din at walang maisagot.

"Isa pang ingay, makikita niyo hinahanap niyo section Pasteur" sabi ni Ma'am sa amin.

At dahil doon, bumalik kami sa pag f-focus sa test questionnaires namin.

Bakit kasi identification? Pwede namang may choices. Sinusumpa ko talaga 'tong history.

The Last Dance (One Shot Story)Where stories live. Discover now