Wala ng title-title

75 51 44
                                    

Rose of Angst [One Shot Story/OSS]

******

"Leche! Saan ka nanaman nanggaling?! Gabing gabi na!"
Ayan ang palaging bumubungad saakin kapag late na akong umuuwi.

Oo alam ko na nag aalala sila saakin pero may mga bagay na di ma digest ng utak ko dahil may mga bagay na di naman totoo pero saakin naibibintang,

minsan pa nga kapag mababa ang grades ko kulang nalang palayasin na nila ako sa bahay nila.
In short, depressed ako dahil na rin sa kagagawan nila.

By the way, I'am Daljah Mae Alcadia 19 years old at tatanga tanga lang naman sa paningin ng mga magulang ko.

"May pinractice lang po kami." Magalang na sabi ko dito. Well, kahit ano namang galang ang gawin ko puro panlalait padin ang natatanggap ko.

"Practice? Really? Eh kahit ano namang gawin mo your grades are still not enough." Diba? My grades, my sacrifices, and I were not enough.

Hindi ko nalang sya pinansin, dumeretso na ako sa taas at inilock ko ang pinto ng kwarto ko pag pasok ko.

Nilapag ko ng dahan dahan yung bag ko sa study table, napaupo nalang din ako sa sahig habang dahan dahang tumulo ang mga luha ko na nanggaling sa mata ko kahit pa nakasara ito.

Pagtapos ng ilang minuto ay pumasok ako ng bathroom at nag hilamos ng paulit ulit para mawala ang pamumula ng mata ko, nag tooth brush nadin ako at nag palit na ng damit.

Nang mahihiga na ako ay may kumatok naman sa pinto.

"M-Mae?" Si kuya, si Kuya Darren Roi Alcadia 21 years old, ang favorite na anak nila mommy pero kahit ganun masaya padin syang maging kapatid dagil imbis na makipag kumpitensya pa sya sayo ay tutulungan ka pa nya sa lahat ng bagay.

"Yes hamog na kuya?" Nakangiti kong bungad dito, at syempre may dala syang notebook at ballpen. Alam ko na kung anong ipinunta nito dito.

"Pahiram ng calculator" bored na sabi nito habang naka higa sa sofa at nakatingin sa note book na hawak nya.

Bakit kasi ang yaman yaman nya tapos wala syang calculator? Sabagay, may nililigawan sya kaya kailangan nyang tipirin ang allowance nya.

At dahil sa katamaram ko, hinagis ko sakanya yung calculator at buti nalang di ito tumama sa mukha nya.

"Ang bait! Thank you ha?!" Pag bibiro nito kaya natawa nalang ako. Sya lang talaga ang nakakapag patawa sakin sa loob ng bahay na'to.

Pagtapos niyang gamitin ang calculator ay binalik nya na sakin. Lalabas na sana sya ng pinto ng tignan nya ang mata ko,

iniwas ko kaagad ang mata ko sa takot na mahalata nya yung pag iyak ko kanina.

Pero sa kasamaang palad, imbis na lumabas sya ay lumapit pa sya sakin at iniangat ang ulo ko at tinignan ang mata ko.

"Umiyak ka nanaman?" Inis na tanong sakin nito.

"A-anong umiyak? Di kaya! M-may pumasok lang sa mata ko kanina kaya n-napuwing ako!" Depensa ko.

"Talaga? Ang galing naman kung ganun, saktong dalawang mata pa ang napaluha" saad pa nito. Pero hindi pa man ako nakaka sagot ay niyakap na ako nito.

Niyakap ko rin sya pabalik, at dun ako napaluha ng tuluyan.

Ang swerte ko para magkaroon ng ganitong kuya.

~•~•~•~•~

Kinabukasan, nagpunta kami sa parke ni kuya. Magpapahatid ako sakanya sa university namin mamaya-maya,

Rose of Angst |One Shot|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon