Prologue

2.5K 61 6
                                    







KALKULADO ang bawat hakbang ko. Bitbit ang isang backpack na itim at hila-hila naman ang katamtamang laki na maleta- huminto ako sa paglalakad at inikot ang aking paningin sa malawak at abalang paligid. I looked up at the screen above me.

PHILIPPINES, MANILA

9:35 PM

The lively music in the background. The tall and dignified flight attendants passing by my way. Ang isang lalaking passenger ay nabangga pa ang balikat ko na tila nagmamadali upang humabol sa flight nito habang ang iba ay prenteng nakaupo sa mahahabang couch doon at patingin-tingin pa sa paligid.

Bumalik ang tingin ko sa harapan at bumuntong hiningi bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa exit ng airport.

"Welcome home to me..." I whispered to myself.

Paglabas ko ay may mga nakaparada ng taxi doon. Tumingin sa'kin yung isa sa tatlong driver na nagkukwentuhan sa gilid. Hindi ko pa siya sinisenyasan ay lumapit na sa'kin at kinuha ang maleta ko. Hinayaan ko naman siya.

Mabuti naman hindi ko na kailangang magbook pa sa Grab. Very convenient na rin pala ang airport sa pinas.

Inilagay ni manong driver ang maleta ko sa compartment at umalis na kami. Inside the car I checked everything first before I get my phone. I dialed Kuya August's number, at sa ikatlong ring sumagot siya.

"Kuya, I'm back in the Philippines," bungad ko sa kaniya.

"Kailan pa? Nasaan ka na? Bakit di ka nagsabi sakin?" Sunod-sunod na tanong niya.

Kung makapag-react naman 'tong si Kuya August parang 'di namin ito pinag-usapan. Samantalang siya ang pumilit sa'kin na bumalik ng Pilipinas para ayusin 'yong binibentang lumang bahay namin.

Nabayaran na ng buyer 'yong kalahati. Kaya lang ay hindi naayos yung mga papeles dahil wala naman kaming ibang malapitan na kamag-anak dito sa Manila na pwedeng utusan.

Nakabase na kasi sa Paris si Kuya kasama ang pamilya niya. Ako tuloy ang inutusan niyang umuwi. Wala rin naman akong choice dahil kailangan ko ang pera kaya pumayag na ako.

"Ngayon lang. I'm riding a taxi right now on the the way sa bahay. Teka, paano pala yung susi? It's still the same?"

"Yes. Yung dati pa rin naman. Wala pang binago 'yung bagong owner."

"Mabuti naman," I said pouting my lips. "Hindi pa nga niya bayad ang buong payment 'no."

Kung hindi lang talaga namin kinailangan ng pera noong panahon na 'yon, hindi ako papayag sa offer na half muna! Last year pa 'yon, hindi pa rin bayad! Masyado rin kasing mabait itong si Kuya August.

"Bubuoin naman niya ang bayad once maayos na ang mga papeles."

"Okay. Whatever." I shrugged. "Gotta hang up now, Kuya. I'll call you when I get home."

"Sandali!"

Natigilan ako sa pagbaba ng telepono. "What?"

"Saan ka tutuloy niyan?" May pag-aalalang tanong niya sa'kin.

Malakas akong bumuntong hiningi. Ayaw ko sana mag-stay sa lumang bahay namin dahil maraming ala-ala doon ang hindi ko na gustong balikan pa. But then again, wala akong choice..

"Doon sa bahay, Kuya. May choice ba ako?" Hindi ko na itinago pa ang dissappoinment sa boses sabi ko.

I'm not really good at pretending and supressing what I feel. Wala naman talaga akong ibang pagpipilian. Masyadong mahal kung magrerent ako or mag-stay sa hotel. At hindi ko pa alam hanggang kailan ba ako dito sa Pilipinas.

College Series 1: Feisty FridayWhere stories live. Discover now