Chapter 1

1.1K 59 5
                                    

MALALAKI at mabibilis ang bawat hakbang ko. Tumutunog ang stelletos sa tuwing tatapak ang aking paa sa sahig. Pinunasan ko ang pawis sa'king noo gamit ang sleeves ng uniform ko.

Summer na naman and I'm walking here at the long hallway called U Lane. Ito ang main entrance at exit ng University of Perpetual Help where I was studying BSHRM at kausap ko sa phone si Tita Nicole na isang resident pediatrician sa Perpetual Hospital dahil pinapunta niya ako doon. Katabi lang naman 'yon ng university kaya di hassle para sa'kin. Ibibigay kasi ni Tita ang susi ng bahay dahil gagabihin raw siya ng uwi.

"Yes. I'm on my way, Tita Nicole. Hindi na. Malapit na ako. Don't bother. Okay. Bye. See you later!" Umiirap na inipit ko sa side pocket ng backpack ang cellphone. Maikli ang pasensya ko sa makukulit kasing ikli ng height kong 5 feet and two inches. Mabilis akong mairita sa mga taong hindi kaagad makuha ang gusto kong sabihin. Like.. ang slow nila pumick-up!

"Friday, uwi ka na?"

Nagsasalubong ang kilay na nilingon ko ang aking gilid upang makita ang isang blockmates ko. He was smiling from ear to ear habang nakahawak sa strap ng backpack nitong itim. And the nerve of this guy, para sumabay sa'kin. I don't even know his name! Basta ang tawag sa kaniya sa classroom ay Ed Calauag. Sino ba 'yon?

Tiningan ko siya mula ulo hanggang paa para ma-intimitate at huminto na sa pag-sabay. Pero hindi man lang siya natinag. Lumapit pa ng kaunti. Di nawawala ang ngiti sa labi.

"Hatid na kita? Saan ba ang bahay mo?" Sabay tinataas-taas ang mga kilay.

"Ew.." maarteng sabi ko at nandidiring lumayo. "Kilabutan ka nga!"

"Ang sungit naman nito, akala mo kagandahan."

"Anong sinabi mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at handa ng hablutin ang bag niya ng kumaripas ng takbo ang bwiset! Sinundan ko na lang siya ng naniningkit na tingin. Ang bwiset, nagawa pang lumingon sabay ngumisi pa sa'kin saka tumakbo uli.

Why do people are get dumber and anniyong everyday? Bakit kasi nagtatanong pa ng obvious naman ang sagot?

Naiiling na naglakad na ako uli ako, nanunulis pa rin ang nguso sa inis. I was near the entrance when I felt my phone vibrating again. Abala ako sa paghahanap ng cellphone sa loob ng bag- not paying attention to my environment kaya naman natigilan ako nang marinig ko malakas na "Ay!!" Followed by "OMG!" ng mga tao.

Kumunot ang noo ko nang makaramdam ng something na malamig at malapot sa itutok ng buhok ko. Nagkanduling ang mga mata ko ng sundan ang pagtulo ng liquid na kulay brown sa noo ko pababa sa aking nose bridge.

Ano 'to?

I touched and smelled it. Sauce ba 'to ng fish ball?!

"Hala, Miss! Sorry!" Gulat na sabi ng isang lalaki.

Gigil na nagpakawala ng malakas na hangin sa ilong ko at halos mawala ang aking mata sa sobrang paniningkit dahil sa galit.

"You!" I yelled and pointed at tall guy in front of me. "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo. Tingnan mo ginawa mo sa'kin! Tingnan mo! My gosh!" Sabay pinagpag ang sauce sa buhok ko.

Gusto kong sumigaw at umiyak sa inis. Ang lagkit ng buhok ko! Pati sa uniform meron na rin fish ball sauce. Shit! Patay ako nito kay Tita Nicole! Ang bahooooo pa ng suka!

This dumb guy!

"Hindi ko naman sinasadya. Ikaw kaya 'tong hindi tumitingin sa dinadaan mo." The guy scratched his head, looking guilty.

"Ako? You probably saw me getting my phone inside my bag! Dapat umiwas ka na! Alam mong busy yung tao!"

"I was talking with my friends too, kaya hindi kita napansin. Sorry na, Miss." Nakangiwing lumingon ito sa dalawang lalaki at isang babae sa likuran nito.

College Series 1: Feisty FridayWhere stories live. Discover now