Chapter 2

624 41 4
                                    

Chapter 2

"Sorry talaga hindi ko sinasadya," unapologetic na sabi nung babaeng sumilip mula sa likuran nang nagpakilalang Rocket. Nagpeace-sign pa siya sa'kin at yung ngiti niya halatang kaplastikan!

Duh? Ganoong-ganoon kasi ako kapag namamlastik 'no.  At kung di ako nagkakamali siya rin yung babae kahapon na kung makatingin ay parang gusto na akong sugurin.

"Janna, kasi ang lilikot niyo!" Napapakamot sa patilya na saway ni Rocket sa dalawang babae na patuloy sa paghaharutan, hiyang-hiya siya sa nangyari. "Sorry talaga, Miss. Naulit na naman 'yung kahapon."

Nagtutulakan kasi yung dalawang babae sa likuran nung Rocket. Hindi sinasadyang naitulak siya palapit sa'kin kaya yung drinks na hawak niya'y tumapon sa uniform ko.

"Sorry talaga.." inilagay niya sa harapan ang sukbit na backpack at naghalungkat doon. "I have extra shirt here—"

Umiiling na inilagay ko sa unahan ang isang kamay ko, msamang nakatitig sa kaniya.

Natakot kaagad siya sa'kin. Kahit gusto pa niyang mag-explain itinikom na lang niya ang bibig.

"Sis, okay ka lang?" Natatarantang bulong ni Violet.

"Ialis mo na lang ako dito, Vi. Baka makapatay ako ng wala sa oras," gigil na bulong ko kay Violet.

Mabilis akong hinili ni Violet papunta sa girls restroom after magpaalam sa mga lalaki.  Pinagtulungan namin punasan ng wipes 'yung blue stain sa bandang dibdib ng uniform ko. Halos  makikita na ang suot kong itim na bra dahil sinubukan pa naming banlawan iyon ng tubig sa gripo, manipis lang kasi ang tela ng uniform namin. Pero ayaw talaga matanggal. Matindi ang kapit. Tulad ng sumpa sa lalaking 'yon.

"Ah!" Frustrated kong na ibinato ang tissue.

"Kalma, Sis! Kalma!"

I pursed my lips in annoyance. "How could I?! Look what he did to my uniform! Not once! but twice! Twice na ito, Vi! Bwiset na lalaki 'yon!"

"OA ka!" Hinampas ako ni Violet sa braso. "Hindi naman sinasadya nung tao!"

"Hindi?!" I exclaimed. "Ang sabihin mo may nakadikit na malas sa lalaking 'yon! Paano ako lalabas nito? Wala akong dalang pamalit! Nakakainis!"

Inis na naghalungkat ako sa loob ng bag. But I gave up! Alam ko naman wala akong dalang extra shirt. Nagdadala lang kasi ako ng pamalit na damit kapag P.E or may naka-planong gala. And today was not planned! Wala akong choice kundi magpabili ng damit kay Violet. Dala ko naman ang ATM ko.

Huminga ako ng malalim bago sumusukong napasandal sa gilid ng sink, minasahe ang pagitan ng mata ko, to calm myself down. before I took out my wallet inside my bag.

"Vi, ibili mo na lang ako ng damit sa forever 21—"

"Violet?"

Nagkatinginan kami bago sabay na napalingon sa pintuan ng restroom. May nakaharang na divider kaya 'di namin nakikiya kung sino 'yon.

"Sino 'yun?" Nagtatakang tanong ni Violet.

"Malay ko."

"Si Mark 'to," anang boses lalaki sa labas. "Labas ka muna saglit diyan kung pwede?"

Tinanguhan ko si Violet. Hindi nagtagal, pagbalik niya ay may dala ng shirt na kulay blue.

"Oh, hiramin mo daw muna, pinapabigay ni Rocket." Ibinigay niya yun sa'kin.

"Huh?" Kunot ang noong niladlad ko ang damit. It was an engineering shirt na may nakasulat na surname sa likod.

Montero.

College Series 1: Feisty FridayWhere stories live. Discover now