Her wish

0 0 0
                                    

Malapit na mag alas dose — kung sa iba masaya sila na magdesi-otso kasi ibig sabihin lang nun legal na sila, nasa right age, pwede mag wal-wal, makipag sex kahit hindi pa naman kasal , kabataan talaga ngayon, tsk.

Eto na, saktong 12 am. Pinikit ko ang aking mga mata sabay usal ng aking tanging hiling.

18th birthday wish.  Sana hindi ako mabuntis.


Weird ba? Wala naman akong jowa, wala din naman lalaking barkada, dati pa ganun na talaga 'ko. Sa tuwing kaarawan ko laging may specific wish, so far lahat nagkakatotoo, yung hindi naman kasi imposible ang dapat hinihiling, nakasanayan ko na rin.

Yung wish ko ngayon may pinanghuhugutan, kasi yung tatlo kong ate pagtungtong ng desi-otso, ayun, juntis. Tapos mga iniwan, saklap talaga, ayoko naman magaya sa kanila lalo pa't 1st year college na 'ko ngayong pasukan.

Sana matupad ang aking tanging hiling, aking dalangin.


19th birthday wish. Sana wala munang mangahas na manligaw sa'kin.

Pft. Another weird wish, Hindi naman sa man hater ako, I just value my priorities and that is my study and family, cliché, yes. Pero nabubuhay ata ako sa responsibilidad, madami nga nagsasabi masyadong routine daw buhay ko, walang thrill o spice , ha! Ang bagsak niyang thrill na sinasabi niyo eh pagkabuntis, pagkaligaw sa maling landas,pagaaral muna! unting push na lang naman , ngayong school year, second year college na ko. After 2 years graduate na! Kaya sana. Sana hindi mapurnada .

Ang aking dalangin, nawa'y maangkin.


22nd birthday wish. Sana pumasa ako sa BLEPT.

Graduate na 'ko! Sobrang proud ako sa sarili ko! nung  20th and 21st birthday ko same pa din yung wish na sana wala muna manligaw, gladly wala talagang sumubok, though hindi naman ako panget nagtataka nga sila mama bakit wala pa daw nanliligaw sa bunso nila, hello? Naiintimidate kaya sila sa'kin. Hindi naman ako manang sa pananamit, conservative is the term, t-shirt and jeans will do wala ng arte pa. Hindi rin ako maarte sa mukha, kaya wala rin akong pimples. I'm just uptight,  kahit ganito ako, may mga kaibigan naman ako iilan lang sila pero naiintindihan nila ko , pag hindi about school works hindi talaga ako lumalabas ng bahay, hindi nila 'ko mapipilit sa galaan, kaya siguro ako napagiiwanan.

Sa ngayon, Bahay at Review Center naman , busy na talaga , kailangan kong pumasa. Hindi pwedeng bahala lang, dapat pasado. Sa tuwing umuuwi ako sa bahay, bagsak agad sa higaan, tulog.

Sana, kayanin ko ang board exam, dalangin at aking inaasam.


25th birthday wish. Sana magkaroon na ako ng boyfriend.

Hindi eto weirdong hiling, pinagisipan ko talaga. For 2 years puro ako trabaho, naisip ko lang malapit na pala lumagpas sa kalendaryo ang edad ko, hindi naman masamang humiling diba? Sana may dumating.

Marami na din nagbago, sarili ko naman sana mapagtuunan ngayon, nakakapagod pala. Puro trabaho, trabaho. Masaya naman ako sa propesyon ko, bilang isang guro. Kahit maliit lang ang sahod, pinagkakasya ko. Pamilya. Trabaho. Kung may matira man sa sahod, iniipon ko na lang.

Pero minsan, darating pala sa punto na mapupuno ka, akala ko kasi kuntento na ko sa ganito, kasi nabuhay naman ako nang ganito, ika nga 'routine'.

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nahiya sa sarili ko. Hindi ko man lang pinaranas sa kanya yung, Live life to the fullest , meron pa eh yung Live while we're young .

Lahat ginawa ko na, pero parang kulang,

may kulang.

Masyado na ba akong natali sa resposibilidad? pero choice ko naman to eh, akala ko kasi yun ang paraan—
Naaalala ko pa , desi-otso pala 'ko nung nagumpisa kong sineryoso ang buhay hindi katulad nang iba na sumasabay lang sa agos ng buhay.
Naghiwalay ang aking mga magulang, sila ate imbis na sila yung asahan, wala rin, nagasawa sila ng maaga at ako ang natira sa puder ni papa, para kasing ang nangyari kanya-kanya na lang, hindi man sabihin ni Papa, pero ramdam ko yung sakit niya, kaya naisip ko hindi pwedeng ganito, magaaral ako, papatunayan ko kay papa na hindi ako tutulad kela ate, na makakapagtapos ako, sa awa ng Diyos nangyari, walang distraction. Aral lang talaga.

Yun ang naging buhay ko. Sa loob ng apat na taon, it paid off, but everyone moves on, ako na lang pala nangangarap na mabuo pa ang pamilya na matagal ng sira, may kanya-kanya na silang buhay, oo napakita ko sa kanila na nakaya ko, nakapagtapos ako, without their help, yes.

Nagpart-time job ako sa isang kilalang fast food chain, naging assistant student din, parang walang masabi si papa sa aking pagaaral. Hindi pala sapat, kasi nung mga panahon na busy ako sa pagabot nang aking pangarap which became a responsibility though , in the process nakalimutan ko sarili ko , nakalimutan mabuhay, tumawa, balewalain ang problema, umiyak kasama ang mga tropa, mag wal-wal at kahit anong trip , hindi. Wala akong memoryang ganun, kasi sinolo ko lahat ng bigat.

Ngayon. Dama ko ang pagsisisi, sana hindi pa huli ang lahat, pwede pa rin naman akong bumawi sa aking sarili, kaya pa to Alyson Jimenez, you are not that old! Kaya mo pang makipagsabayan sa mga bagets, kailangan lang nang unting make over , and maybe I will try to loosen up, not to intimidating ugh!, parang ang hirap, but then wala namang mawawala so I have to atleast try.

26th birthday came.

Wala ng wish, because finally I am genuinely happy, last year sinubukan ko talaga mas maging open, sa mga estudyante i'm still their uptight English Teacher pero sa mga kaibigan ko , masaya sila sa pinagbago ko. I became better, I tried new things, nanghingi din ako ng three months vacation leave , pumunta 'kong Cebu, there I met Sean , because of him i've learn to enjoy life, He is very outgoing and he have this humor.. and charming face, He is my opposite pero when I tell him my story He was just silent the whole time listening, at first, I thought masyadong embarrasing na andami kong hindi natry during my teenage years, kinuwento ko sa kanya lahat, after ko magkuwento He just said na, sasamahan niya ko , matry lahat ng gusto kong ma-try, puntahan ang gustong puntahan. I knew then, na He's a keeper, and I would gladly keep him.

27th birthday came.

I became happier with Sean in my life. Nung pinakilala ko siya kay Papa, walang sabi-sabi, basta niyakap siya ni Papa, Akala raw kasi ni Papa tatandang dalaga na 'ko. Okay siya sa pamilya ko, lalo naman sa mga pamangkin ko, marunong kasi talaga siyang makisama, kahit sa  mga kaibigan ko , nasasabayan niya.

Suwerte ko.

Akala ko kasi wala ng darating na Sean sa buhay ko. Dahil kay Sean, natutunan kong kiligin, umiyak,tumawa, magalit. Mga panahon na kahit pagtuturo naging responsibilidad na hindi na passion, Hindi niya ko sinukuan—unti-unti minahal ko ulit ang pagtuturo,
He lift me up, when no one does.
He is ray of hope, my sunshine, my love.

In her 30th birthday , her wish —no her happiness began. Alyson Jimenez happily married to Sean Enriquez.

Her wishends when she met him.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her wishWhere stories live. Discover now