Chapter 3

504 33 1
                                    

"Uy, okay ka lang diyan?"

Sa sobrang kahihiyan tumakbo ako dito sa dressing room. I'm so stupid! Today is the fucking day! Nakalagay 'yon sa calendar ko. Bakit ba hindi ko man lang naisipan na magdala ng tampons at underwear! Ang mas nakakabwiset pa ay nagsuot ako ng puting shorts ngayon. Edi, kitang-kita 'yung dugo. Napaka-galing talaga ng pagkakataon!

"I'm fine," malakas na buntong hininga ko.

"May dala ka ba?" May pag-aalangan niyang tanong.

"Wala." Lumunok ako at kinapalan na ang aking mukha. "P-Pwede mo ba akong ibili ng... ng..."

"Oo naman," sagot niya na kahit di ko pa natatapos ang sasabihin ko. "Ano bang kailangan mo? Napkin ba? Inuutusan ako minsan bumili ni Mama niyan."

Binuksan ko ng kaunti ang pintuan at sumilip doon saka ko inilabas sa maliit na siwang ang five hundred peso bill.  "T-Thank you. Here's the money. Anyway... I dont use pads. Tampons ang ginagamit ko. Samahan mo na rin ng wipes and... and... underwear." Nakakahiya pero wala akong pagpipilian.

He nodded, pursing his lips. "Okay. Tampons, wipes, underwear?" ini-numerate niya sa daliri ang mga bibilhin. "May kailangan ka pa?"

Umiling ako. "W-Wala na... 'yan lang. Thank you," sagot ko't mabilis na sinarado ang pintuan pero narinig ko ulit ang mga pagkatok niya. Binuksan ko 'yon. "Why?"

"Ano nga size ng underwear mo?" Napakamot siya sa namumulang tainga, parang nahihiya.

"M-Medium," I answered, feeling embarassed.

He nodded before walking away. Lahat na lang yata ng nakakahiyang pangyayari sa buhay ko nasasaksihan ng lalaking 'yun.

Sino ba ang malas siya o ako?

.

.

Tiningnan ka ang hawak kong cellphone. Thirty minutes na akong pabalik-balik sa maliit na cubicle na ito, wala pa rin si Rocket! Kanina pa ako pasilip-silip sa labas. Nakakahiya dahil may mga naghihintay at nakapila para magsukat ng damit.

"Ang tagal naman nun!" Inis na bulong ko saka sumilip uli. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang papalapit. "Ang tagal mo naman!" Reklamo ko. "Nakabili ka ba?"

"Ang haba ng pila, e." Napakamot pa siya sa batok bago inabot ang maliit na paper bag sa'kin. "Ito ba?"

Sinilip ko 'yon. Isang pack ng pad na non-wing at wet wipes. Hindi naman 'yon ang pinapabili ko, pero tinanggap ko na rin kaysa pabalikin ko pa siya sa department store at magtagal na naman siya. Ang hahaba ng binti niya, hindi ba dapat mabilis ang hakbang niya!

"Sige pwede 'yan. Saan panty ko?"

"Ayan, oh bulaklakin yan, ah," Nakangising sabi niya habang iniaabot sakin ang isa pang paper bag.

"Sana plain lang binili mo!" Inirapan ko pa siya bago sinara ang pintuan.

"Wow!" Rinig kong hindi makapaniwalang ani Rocket sa labas ng fitting room. "Ikaw na nga 'tong naki-suyo nagrereklamo pa. Wala man lang thank you."

Mabilis kong isinuot ang bagong underwear na may pads at ginamit na yung shorts na bibilhin ko.

I just removed the price tag to pay for it on the cashier.

"May sinasabi ka?" Nakapameywang na sita ko sa kaniya paglabas ko sa dressing room.

Ngumisi siya sa'kin. Umirap naman ako bago siya  nilagpasan para pumunta sa counter. Sumunod siya sa'kin. Binayaran ko ang tag price na hawak ko at pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng Forever 21.

College Series 1: Feisty FridayWhere stories live. Discover now