Kakambal ni Alyssa

14 4 1
                                    

*errors ahead*
Kakambal ni Alyssa

"Uy, Avi! halika na," pagtawag ng kakambal ni Avinnia na si Allyssa, kasalukuyang naglalaba ng mga maruruming damit si Allyssa, tinawag niya ang kapatid niya para tulungan sana siya nito sa paglalaba pero tila hindi siya narinig ni Avinnia dahil abala ito sa pagdudutdut sa kaniyang bagong cellphone. "Hay nako, Ally! bakit ba kasi kailangan mo pang maglaba diyan? eh, kaya nga tayo iniwan dito saglit nina mama para magpahinga," komento pa ni Avi.

Napairap sa kawalan si Ally, "Kaya nila tayo iniwan kasi may dapat silang bilhin sa palengke, at kaya rin tayo iniwan dito para maglinis. Kung hindi mo ako tutulungan, marahil okay na sa'yo ang pagwawalis sa loob ng buong bahay." may awtoridad na sambit ni Ally. Walang nagawa si Avi kung hindi ang tumayo at dumampot ng walis-tambo, nagsimula siyang magwalis.

Ang bahay ng kanilang pamilya ay ubod ng laki, kung baga mala-mansyon na ang hitsura nito. Pero ang pamilya nila ay walang interes sa pera kaya kahit na sandamakmak at naguumapaw na ang pera nila ay nagagawa pa rin nilang magtrabaho. Si Avi, sobrang tanggap niya na mayaman talaga sila kaya't wala siyang alam sa gawaing bahay maliban lamang sa pagwawalis at paglalaba, Dahil bago pa sila yumaman ay naging mahirap din sila. Si Ally, simula't sapul ay talagang masipag siya at hindi gumagastos ng malalaking pera, kung gagastos man siya, para lang ito sa mga bagay na sobrang kailangan na at hindi na p'wedeng ipagpabukas pa. Sa kanilang dalawa, si Ally ang masipag at matulungin. Samantalang si Avi naman ay mapagmahal at mabait.

sa pagwawalis ni Avi ay may nahagip ang hawak niyang tambo, isa itong lumang papel na sobrang gaspang. pinulot niya ito dahil sa pagtataka, may nakasulat sa papel. Hindi niya ito binasa, bagkus ay pumunta siya sa gawi ng kakambal niyang si Allyssa, "Ally, sa'yo ba 'to? Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag-french." nagulat si Ally sa sinabi ng kakambal niya, kinunutan niya ng noo si Avi. Nang mapansin ni Avi na hindi siya naintindihan nito ay inabot niya ang papel kay Ally. Pero hindi iyon kinuha ni Ally, "Basahin mo na lamang iyan sa akin, basa ang kamay ko't madulas. Saka, hindi galing sa akin ang isang 'yan." pagsagot naman ni Ally. Tumango-tango si Avi.

"Non Dieu, Quand tu dis ces mots, la malédiction longtemps cachée revivra. MAIS MAIS MAIS PRÊT, MAIS PRÊT À VIVRE EN LECTANT."

Binasa na nga ni Avi ang nakasulat at natawa lamang siya pagkatapos niya itong mabasa, "Langyang mga salita 'yan." pagkatapos ay tumawa ng malakas si Avi. Tila hindi niya talaga alam ang ibig sabihin ng mga salitang binasa niya. Napangiti si Ally, "Oo nga, parang wala namang kwenta ang isang 'yan. Sige na, itago mo na lang baka kasi kina mama 'yan eh." sa pagsabi no'n ni Ally ay sinunod agad siya ni Avi. Inilagay niya at ipinatong sa damitan ng mga magulang niya ang lumang papel na nakuha niya.

Bumalik si Avi sa lugar kung saan siya natigil sa pagwawalis, nagwalis siya ulit at tila kinalimutan na ang tungkol sa papel na iyon.

...

-KINABUKASAN-

"Avi, iwan muna kita ha? Magkikita raw kami ngayon ni Cindy, eh mapilit kaya gusto ko nang tumahimik. Okay ka lang ba rito?" isinukbit ni Ally ang kaniyang mumunting shoulder bag at tumungo sa court kung saan naroon ang kaibigan niyang si Cindy. Hindi niya na inalam pa kung papayag ba si Avi na umalis siya o hindi, dahil umalis talaga siya agad.

Walang nagawa si Avi kung hindi ang tanggapin na mag-isa lang siya sa malaki nilang bahay, Nasa living room siya at nanonood habang kumakain ng tsitsirya. Tumatawa-tawa pa siya habang nanonood ng nakakatawang palabas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kakambal ni Allyssa (One-Shot)Where stories live. Discover now