I got you

5 1 0
                                    

ARA


(Season 76)


Katatapos lang ng recovery dinner namin after naming matalo sa championship laban sa Ateneo. Tahimik lahat dito sa bus, walang gana ang mga tao. Kita ko yung mga lukot nilang muka habang naglalakad ako papunta sa dulo ng bus.


Si Ate Aby, si Carol at Kianna na palaging nag sisimula ng katatawanan sa team namin ay siyang mga tahimik ngayon at di mo makitaan ng saya. Sabagay, sino ba naman sasaya e hindi namin nabigyan ng maganda exit si MotherF.


After kasi ng game, bukod sa sobrang lungkot namin, medyo nasabon kasi kami ni coach sa dug out lalo na ang first six. Syempre, nasayang yung pinag hirapan namin buong season tapos konting point na lang talaga pumalpak pa kami. Alam ko sa sarili ko na I could have done better. Parang hindi ko nailabas yung "A" game ko. Hindi ako satisfied sa naging laro ko. Ang sakit lang sa ego na na fail ko ang buong DLSU, coaching staff pati ang family at friends ko. Ang isa pang masakit e yung makita siyang umiiyak.


Andoon sya, second to the last row sa dulo ng bus. Nakapikit lang habang naka sandal sa bintana at naka earphones. Kawawa naman siya. Pagod na nga, malungkot pa. Lalagpasan ko sana siya para pumwesto sa seat sa likuran niya ng pigilan ako ni Kimmy. "Wafs, dito ka na sa tabi niya." Aya sakin ni Kim. "Okay lang, wafs. Katabi ka na niya. Comfort mo na lang for me." I said calmly. I saw Kimmy grinned. "Ako ang katabi pero ikaw ang mahal kaya dali na! Tabihan mo na. Pabebe ka pa e." 


"Pero Kim...."


"You got her, Ara. You always do. Pinag katiwala ko ang roommate kong higante para sayo. Kaya tabihan mo na! Ngusong to!" Gigil ni Kimmy at hinila ang patilya ko. "Gago masakit!" at binelatan lang ako ng negra.


Agad akong tumabi nang dahan dahan sa kanya baka kasi magising ko siya. Isinandal ko ang sarili ko ng maigi sa upuan para makapag pahinga. Pipikit na sana ako ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. She intertwined her fingers with fine. Jusko, kakilig.


Sumandal siya sa balikat ko at hinalikan ko naman ang buhok niya. Hindi naman kami makikita ng teammates namin kasi patay ang ilaw sa loob ng bus. "Daks..." she said. Jusmiyo! Boses pa lang naiinlove na lalo ako. "Okay lang yan, Daks ko, Don't cry. Bawi na lang tayo next season, okay?" She nodded. She started sobbing and, "You got me, Ars. Always. You're my calm before and after the storm. I love you, Ars." Sabi ni Mika at natulog na. "I love you too, Mika." I answered at pumikit na.


Naramdaman kong may gumigising sakin. Nakarating na pala kami sa dorm. Dinala ko ang mga gamit namin habang sabay kaming naglalakad papasok sa loob. Maya maya, dumating na rin ang seniors like ate Cha and ang dalawang MGs. Nag dala sila ng comfort food and kinausap kami about sa nangayre. After non, nag bihis ang lahat at pagkatapos ay para kaming mga emo na naka salampak lahat sa salas. Siyempre, katabi ko ang mahal ko. Malayo pa rin ang tingin niya at matamlay pa rin siya. Alam kong nalulungkot pa rin ito sa mga nangyari. Kagaya ko, alam kong sinisisi niya rin ang sarili niya.


"Ouch!"Lahat kami e napatingin kay Kianna. "Nyare sayo, Kianna?" Tanong ni Kimang. "E kasi.....kinagat ako ng langgam..." Naka ngising sagot ni Kianna at tiningnan kami ni Mika ng nakakaloko. Napa ngisi naman ang lahat at tumingin na rin nang nakakaloko sa amin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KaRa One ShotsWhere stories live. Discover now