Chapter 5

456 35 8
                                    

Chapter 5

My whole week was productive! Katatapos lang ng exam kaya marami akong free time at maagang umuuwi para manood ng series sa Netflix. I read the books that I bought last year pa from BBW and NBS booksale.

I think, I needed to buy a new bookshelf dahil nagsisisikan na kasi sila doon sa luma ko.

I also went out with the girls. After ng meeting sa org. kumakain kami sa KFC. Ang busy nila except Violet na palagi kong nakakasama.

Si Jane busy sa training, but I don't know... she's been acting weird lately. I texted her last and asked what's her problem. Emoji lang ang isinasagot sa'kin. Ang gulo!

Ganoon rin si Genesis na palaging nagmamadaling umalis. Isa lang naman ang madalas kitain nun ang kaniyang long time boyfriend. They're perfect together! Relationship goals talaga! They both came from a good family, independent, reponsible, focus sa goal at higit sa lahat ay first nila ang isa't isa.

I want to have a relationship like that. Gusto ko ang first ko— ay siya na rin ang last. Palagi akong pinagtatawanan ni Violet kapag sinasabi ko 'yon. There is no such things like that daw. Pero naniniwala akong, lahat tayo ay may nakalaan na tamang tao. Someone who will accept you, embrace flaws and love you for who you are.

Gosh! Ang lalim non, ah? Ang cringe!

Friday nang yayayain naman ako ni Violet pumunta ng mall para bumili ng gift kay Mark. Hindi sila masyadong nagkikita. Busy daw si Mark sa preparation para sa  birthday nito tomorrow.

He'll be turning 21, if im not mistaken. So, medyo biggie 'yon for him. It's like the debut for boys.

"Bakit ang mamahal ng coat dito! Dalawang linggo allowance ko na 'to, ah!" Narinig kong reklamo ni Violet habang iniisa-isa ang nakasabit na coat sa rack.

I was standing beside her, getting irritated and bored. Naikot na namin buong men's clothing section, wala pa rin siyang napipili. Sumasakit na paa ko sa heels na suot ko!

"Mahal talaga ang coat, tanga!" Pnasadahan ko nang tingin 'yung hawak niyang black velvet coat. "Sana sa ukay ka na lang bumili kung gusto mo makatipid! Tapos pinakuluan mo na lang."

She rolled her eyes. "Ang hirap naman magregalo sa RK! Katawan ko na lang kaya ang iregalo ko?"

Seryoso siya nang sabihin 'yon kaya naman napairap ako. I checked my phone when a notification popped up. In-open kaagad 'yon.

Si Rocket. He's been constantly messaging me these past few days pagkatapos ko siya i-follow back sa IG. After our date we never get a chance to see each other again. He's been busy too. Prelims rin kasi nila.

Nagpapalitan naman kami ng messages, mostly mga walang kwentang bagay lang ang sinasabi niya. Like, he would send me a corny punch lines or memes. Kapag hindi ako nag-re-reply, uulan ako ng selfies at emoji. How annoying. Napipilitan tuloy ako magreply.

Eversince I've met him. Ang papel niya talaga inisin ako!

Rocket : akala ko NOVEMBER na.

I rolled my eyes typing my reply.

Friday: Bakit? Kasi... akala mo araw na ng pantay at dadalawin mo ang namatay nating conversation? Alam ko na 'yan!

Rocket: akala ko November na kasi ang daming patay na patay sa'kin... including you! :)

Friday: patay na patay? Gusto mo patayin kita?

Rocket: papatayin mo ko sa... pagmamahal. Ugh.

Friday: ..!..

Rocket: Uy, foul 'yan!

Friday: foul? Bibig mo ang foul!

Rocket: haha! pikon.

College Series 1: Feisty FridayWhere stories live. Discover now