1

24 3 0
                                    

Tatlong buwan na mula nang ipinatupad ang community quarantine sa lugar namin, but there’s just something about today that makes it different from the past three months. Marahil ay dahil sa tatlong araw na ring lockdown ang Catarman—isang bayan na halos isang oras lang ang layo mula sa amin. It’s like the ‘capital’ of our province because most people get their necessities and supply in there, and it being locked down affected almost all the places nearby, particularly here, in Pambujan. Kakalift lang ng curfew two days ago kaya halos dalawang araw ko na ring hindi nakikita ang nakababata kong kapatid na si Noa sa bahay. He’s had loads of agenda ever since, nilugi pa ang mga artista sa ABS.

Me? Tatlong buwang quarantine, isang katerbang school works dahil sa online classes. Ang tanging motivation ko nalang para gawin lahat ng ‘to ay ang plano naming night drive ng magpipinsan bukas. Syempre hindi ko naman sasayangin ang blessing ni Rold na lifting of curfews, lalabas din naman ako ‘no. Pati lungga ng langgam at kung ano-ano pang insekto rito sa bahay naming ay kabisado ko na. Ang hindi ko nalang matagpuan ay ang aparador na magdadala sa akin tungo sa mundo ng Narnia.

“Beau, pakisabi kay Noa i-lock na rin lang yung gate.” utos ni Ate sa akin kahit mas malapit siya sa pinto kung nasaan ang oh kay itim kung kapatid dahil babad na babad sa araw.

Pagkapasok nito sa bahay ay tumingin agad sa aming dalawa, lifting his eyebrows and smiling so weirdly. It’s probably about the road trip. I gave him a “stop-doing-that, mom’s-here, talk-later” look, kaya naman natigil.

Sabay-sabay na tumunog ang cellphone naming tatlo nang magchat ang pinsan namin sa group chat. I feigned nonchalance and continued watching tv para hindi mahalata ni mama, habang ang dalawa ko namang kapatid ay tinitignan kung ano ang chat.

Hadley:

We’re all set for tomorrow.

Owen:

JOLLIBEE WE’RE COMING!!

Natawa naman ako nang mabasa ang huling chat ng pinsan ko dahil nga sa yun talaga ang balak namin. Nagpaalam na kami sa mga magulang naming gagala kami bukas ng gabi, but we didn’t tell them that we’re planning to go to Catarman. Atleast, we didn’t lie. We just didn’t tell them.

Sa Catarman lang kasi ang pinakamalapit na branch ng Jollibee sa amin at halos isang buwan na akong hindi nakakakain ng jolly fries at sundae—poteks nagutom tuloy ako. Also, I wanted to come to see my friends kasi mula nang naglockdown sila ay nawalan na rin kami ng contact sa kanila. The barriers must be so strong para pati signal ay mawala. For God’s sake their trying to contain a virus, not some monster or whatever. But we’re crashing. Yes, that’s what we’re going to do and no one’s going to stop us.

“Hoy Noa, kakaraan lang nung bandilyo, balik na naman daw ang curfew.” Sambit ni tita na parang agrabyadong-agrabyado sa kagagala ng kapatid ko. It’s a matandang dalaga thing you know, yung parang parating may galit sa mundong personality. They live next door kaya nakakapasok lang sila sa bahay through our back door.

“Bakit?” he gasped.

“Malay ko, tanungin mo papa mo.” sagot naman ni tita. Pulis si papa and you think it’s an advantage because we can break the protocols and he’d just turn a blind eye ‘cause we’re “his kids”—but sadly, NO. He is not that kind of man. He’d take every opportunity to get Noah to prison, kung yun lang ang paraan para matigil ito sa paglalakwatsa. He’s that stern and strict, but like I said, there’s just no way we’re backing down. Ilang linggo ang hinintay ko at ilang school works ang kinailangan kong tapusin para lang masulit ko bukas tapos gano’n lang? Hindi pwede!

“Pano ‘yan?” Ate asked.

“Anong pano? Tuloy tayo!” sambit naman ni Noa. Tumango-tango naman ako bilang suporta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memento MoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon