Prologue

23 6 7
                                    

Hope.

Ilan nga bang tao ang pinanghahawakan ang bagay na iyan? Ilan ang nilagay niyan sa tuktok at ilan ang nilagapak niyan sa lupa?

Pag-asa.

Sa taong wala nang makapitan, iyan na ang nagsisilbing lubid para magpatuloy. Kahit saan man manggaling– tao, diyos, o demonyo.

Sinisilaw ng salitang iyan.

Pag-asa para magkakulay ang buhay, para magtagumpay sa buhay, o para guminhawa ang buhay.

Pag-asa para mabuhay.

Gaya sa sitwasyon na kinasasadlakan ko ngayon, tanging pag-asa ang humihila saakin para magpatuloy tumakbo.

Sa dilim ng gabi, tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Sa masukal na eskinita, saksi ang mga pader sa ilang beses kong pagkadapa at pagbangon, at ang masidhi kong kagustuhan na makaligtas ang tumutulak saakin humanap at mangalap ng pag-asa.

Kahit hindi ko alam para saan.

Kung mamatay ako sa lugar na ito, wala namang makakaalam. Walang aalam. Walang mag-aalala. Walang magtatangka.

Isang malakas na hangin pa bago tuluyang bumigay ang katawan ko sa kumunoy ng dilim at paghawak sa lubid ng pag-asa.

“TANG INA! Ngayon ka pa naglampa! Kung hindi ka nakita ni Buboy, baka parak ang may bitbit sa bangkay mo!"

Ang dambuhalang kalbo na nanggagalaiti sa harapan namin ay si Kuya Dumbo. Siya ang lider ng kuta at tumatayong "ama" sa grupo namin. Tawag sakanya ng iba ay tatay, ako lang ang nangahas na mag-kuya dahil halos i-edad kami. Subalit hindi ibig sabihin ay komportable ako sakanya. Malayo. Parisukat ang mukha, matulis ang baba, maumbok ang pisngi, at tapyas ang isang mata na natatakpan ng babat. Simula sa panga hanggang sa paibaba ng leeg na umabot hanggang baywang (dahil madalas siyang walang suot pang-itaas) may tatu nang isang dragon na bumubuga ng apoy.

Kung paano ko siya ilarawan ay ganoon din kasahol ang kanyang pag-uugali. Wala siyang pasensya at madalas ay nagpapadala sa init ng ulo. Marami na siyang na-torture na bata saamin kapag sumusuway sakanya. Lahat kami walang magawa dahil ang sinumang sumubok tumutol ay papalit sa pwesto ng pinaparusahan.

Walang may gusto noon.

Kahit ako.

At walang makapag-ligtas saamin dahil kahit ang otoridad ay sakanila kampi.

Kaya sa isipan ko, ang buhay na ito ay buhay ng isang hayop. Sa mas masahol na paraan. A life like this is a life wasted. A life that is useless, meaningless and waiting for its end.

Kaya tanong ko, kahit kanino... bakit ganito ang buhay na kinahinatnan namin?

Ano ang aming pagkakasala? May liwanag pa ba ang walang hanggang paglalakad sa dilim? O habang buhay nang itim ang kulay para saamin?

"Sa susunod, ibayuhin ang pag-iingat. Hindi dahil madalas kang mapuring mahusay ay aabusuhin mo ang kabaitang iyon, Tala!" Sumenyas si Kuya Dumbo kay Kuya Royo at Kuya Jose.

Namilog ang mga mata ko nang tumayo sila at sapilitan akong pinatayo. Ang mga batang kasamang nakaupo kanina ay tahimik at umiwas ng tingin, nais mang umapela ngunit napangunahan ng takot.

"Ito ang unang beses kong magkamali, Kuya Dumbo! Pagbigyan mo ako parang awa mo na! G-gutom ako kanina kaya hindi kinaya ang katawan! Pakiusap, huhusayan ko na sa susunod!" Sigaw ko. Kumakalas sa hawak ni Royo at Kuya Jose.

Madilim ang mata niyang tumingin saakin ngunit alam ko, ang mga matang iyon ay nahalinhinan ng pagnanasa.

"Dalhin niyo na iyan sa silid," aniya.

Pumikit ako at sa gabi ring iyon tuluyang nawala ang dangal at dignidad sa sarili, tanging awa at poot ang itinanim, isinigaw ang bawat sandali... at pinangakong huling beses magpapa-api.

Kissing MoonlightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ