PROLOGUE

2 1 0
                                    

I'm so excited to visit my boyfriend sa unit niya. It's actually our third anniversary today kaya may surprise ako sakanya. Hindi niya alam na pupunta ako sa unit niya kase nga surprise diba?

I'm thankful na ilang taon na rin kami. Alam ko sa sarili ko na siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Chesesy ba? XD

Also pagkatapos nitong surprise ay pupunta kami sa isang field at magpipicnic. Excited na ako. Dala-dala ko na rin sa kotse yung gagamitin namin sa picnic.

Paglabas ko ng elevator ay naglakad na ako papunta sa harap ng unit niya. Huminga muna ako ng malalim habang hawak ang cake na dala ko pati na rin ang regalo niya. Actually, siya palagi ang may surprise sa akin kaya naman para maiba ay ako naman ang gagawa nun.

"Kalma Gabbie wooh.." Saad ko sa sarili ko bago buksan ang pinto. Alam ko naman ang passcode kaya pumasok na ako. Sumalubong sa akin ang dilim. Hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon. Censored naman ang ilaw rito kaya pagtapat ko sa may ilaw ay umilaw iyon. Gets niyo? Yung sa Korea.

"Ugh.." napatalon ako sa tunog na yun. Bakit may umuungol? Okay Gabbie wag maging nega! Stay positive. Baka may sakit si Kim kaya siya napaungol? Hala! Kaya ba mukhang wala siyang inihandang surprise ngayon dahil amy sakit siya? Hala naman Gabbie! Dali-dali akong pumunta sa may kwarto niya at pipihitin ko na sana yung doorknob ng napatigil ako sa sunod na narinig ko.

"Ugh.. ahh.." boses babae? Bakit may boses babae? Si Kim ba yun at naging boses babae siya? Para akong binuhusan ng tubig sa mga naiisip ko ngayon. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa mga naririnig ko. Patuloy lang ang naririnig kong tunog na parang patuloy lang sila sa ginagawa nila. Hindi ko alam pero napaka familiar ng boses ng babae. Wala sa sariling binuksan ko ang pinto at para akong sinaksak ng ilang beses sa nasaksihan ko.

B-bakit...

Nahulog ko ang dala kong cake dahilan para mapatingin siya sa gawi ko. Gulat na gulat ang babae ng makita ako pero nakatuon lang ang tingin ko sa lalaking mukhang wala sa wisyo sa mag oras na iyon. Hindi niya ba napapansin ang presensiya ko? Kung sabagay mukhang enjoy na enjoy siya sa babaeng nakapaibabaw sakanya.

"G-gab.." Napatingin ako sa babae which practically my bestfriend. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. A-ang sakit ng puso ko ngayon.

"A-ano toh?" Saad ko matapos ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Kita ko ang takot at kaba sa mata ng babae ngayon.

"G-gab.." ulit niya at hindi pa rin umaalis sa ibabaw ng jowa ko. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Parang pinipiga ng paulit ulit ang puso ko sa puntong mawalan na ito ng buhay.

"Pucha Yezi ano toh?!" Sigaw ko na. Para na akong tanga rito na nakatayo lamang sa harap nila. Habang ang gago nakahiga lamang noon at parang wala talaga sa wisyo. Nakadrugs ba ito? Bakit hindi ako makahinga?

"Gab ugh.." umungol pa ang gago at pangalan ko ba ang sinambit. Wow! Akala niya ba ako ng katalik niya? Nakakakilabot.

Umalis na rin siya sa ibabaw ng jowa ko at tinakpan ang katawan niya. Napangisi na lang ako sa ginawa niya. Nahiya pa.

"I-I'll explain..gab—" natigil kami ng gumalaw si Kim. Dahan dahan siyang tumayo at humarap kay Yezi at nagulat ng makita niya ito. Nakahawak pa siya sa ulo niya.

"Yezi?! What—" natigil siya ng makita ang lagay nila. Both naked on the same bed.

"K-kim." Sambit ni Yezi.

"What the hell?! Why are we here again Ye—" natigil siya ng makita ako sa may pinto. Namutla siya bigla ng makita ako. Mukhang wala siyang ideya sa mga nangyari pero again? Nangyari na ba ito sa kanila dati pa? Bakit hindi ko alam? Pucha ang sakit lang ah.

DRAWN BY YOUWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu