PURPLE

16 3 0
                                    

"Nasaan ka na ba?" Bulong ko sa sarili ko habang yakap-yakap ang dalawang tuhod ko.

• • •

"Violet!" Rinig kong tawag sa akin ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko. Agad akong napatayo at lumapit sa pinto para pagbuksan siya ngunit dumapo agad sa pisngi ko ang kamay niya.

"Huwag na huwag mo akong ipapahiya mamaya! Makikita mo talaga ang hinahanap mo!" Sigaw niya sa akin habang dinuduro-duro ako.

Agad siyang umalis matapos niya akong sigawan kaya sinara ko agad ang pintuan ko bago manlambot ang mga tuhod ko. Napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa likod ng pinto.

I should be used to this but why am I still so afraid?

• • •

May party sa hall ng mansion namin na gaganapin ngayong gabi. My father is a lawyer habang businesswoman naman si mommy. They are both powerful and well-known in their field.

"Violet, anak, tawag ka na ng mommy mo." Mama lola called me.

Mama lola is our mayordoma. Siya halos ang nagpalaki sa akin simula noong bata ako dahil laging wala ang mga magulang ko sa bahay.

Tumango ako bago isinuot ang rosegold high heels na kasama ng lavander dress na ipinahanda ni Mommy para sa party na ito.

Nasa grand staircase palang ako ay kitang-kita na kung gaano karaming bisita ang naririto. Tansya ko ay lagpas 50 katao ang nakakalat sa hall. Sa dulo ng hagdan ay naroroon si Mommy na nakatingin sa akin. May katabi siyang babae na mukhang kasosyo niya sa negosyo.

Bumaba agad ako nang titigan niya ako ng masama. Pakiramdam ko ay nanginginig na naman ang tuhod ko dahil sa takot.

"Good evening everyone!" My mother started the opening remarks. She thanked everyone for coming at saka sinabing may mahalagang anunsyo siyang sasabihin.

"Violet Galvan, my daughter, is now engaged!" Nanlaki ang mata ko sa anunsyo ni Mommy. I looked at her ngunit naramdaman ko ang pagbaon ng kuko niya sa likod ko na ngayo'y exposed dahil sa suot kong dress.

After her announcement ay maraming nagpalakpakan. Maraming nagcongratulate habang ako ay naiwan sa tabi na gulat na gulat pa rin.

• • •

"Nasa'n ka na ba kasi?"

• • •

"Hey," A voice of a man called.

Nasa backyard ako. Away from the people partying, away from the monster who created me.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa lalaki.

Nakaupo ako habang yakap-yakap ang mga tuhod ko. Nanginginig ako sa takot, galit, lungkot, at sa lamig.

Naramdaman ko ang paglagay niya ng suot niyang tuxedo sa balikat ko at ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Are you Violet Galvan?" He asked. Tumango nalang ako saka ipinatong ang baba ko sa tuhod ko.

"I'm your fiancé."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit hindi ka tumutol?"

"Bakit hindi ka tumutol?" Pagbabalik niya ng tanong ko sa akin.

"Fear." Simpleng sagot ko.

• • •

"Ang tagal-tagal mo naman," nanghihinang sabi ko.

PurpleWhere stories live. Discover now