Prologue

77 13 25
                                    

April 27, 2011

Ivory's POV

"Happy birthday baby!"

"Salamat mama, papa" sabay yakap kay mama at papa. Kaarawan ko ngayon kung kailan ako ay isang labing taong gulang na.

"Open this anak"at may iniabot na regalo si papa. Maliit sya at naka lagay sa isang kahon.

"Ano po yan papa?"

"Regalo namin sayo yan ng mommy mo, sana magustuhan mo"naka ngiting wika ni papa. Binuksan ko yung kahon---isang kwintas.

"Salamat papa,mama!"kinuha ni papa yung necklace at isinuot sakin. Maganda yung necklace, naka ukit yung pangalan kong Ivory.

"Suotin mo palagi yan baby ah?nang sa ganon maalala mo kami palagi"

"Opo mama salamat po ulit!"

"Sige na anak, pumunta ka na sa mga kasama mo sa sala, alukin mo sila nito"kinuha ko ang mga binigay ni daddy na desserts.

Third Person's POV

"Sheena, bakit ba ayaw mong magpa gamot?"tanong ni Daniel--ang ama ni Ivory.

"Sinabi ko naman sayo hindi ko na din kakayanin kahit mag pagamot pa ko" malungkot na wika ng nanay ni Ivory

Hindi alam ng anak nila na may sakit si Sheena ang mama nya, dahil alam ni Sheena na masasaktan lang si Ivory pag nalaman nya ang malubhang sakit nito.

"Bakit hindi natin subukan?Walang mawawala Sheena!"

"Magpa opera ka, meron tayong sapat na pera para sa pagpapa opera" malungkot na pagpapatuloy ni Daniel.

Merong cancer sa lungs si Sheena kaya nahihirapan na din syang huminga...

"Hindi na nga kakayanin ng katawan ko Daniel!"

Sa pagkakasigaw ng mama ni Ivory na iyon ay bigla syang na himatay.

"Sheena!" sigaw ni Daniel

Ivory's POV

"Jia! gusto mo?" pag aalok ko sa kaklase kong si Jia.

"Thank you Ivory, Happy birthday pal----"

"Excuse me!"si daddy yon ah?

Nilingon ko kinaroroonan ng boses, nakita kong dala dala ni daddy si mommy.

"Daddy! anong nangyari kay mommy?!" nag aalalang tanong ko!

"Nahimatay yung mommy mo, anak sumama ka sakin dadalhin natin sya sa ospital!" at nagmadali na kaming sumakay ng sasakyan.

Di ko na naisip yung mga bisita namin doon... ang importante maidala namin si mommy sa hospital. Sana maging ok si mommy. T_T

A/N: Sorry po lame. But I'll try harder para mapaganda♡

Trust IssuesWhere stories live. Discover now