Bilang 15 - salAMAt

37 21 1
                                    

salAMAt

Nang ako'y isinilang sa mundo,
Inabot agad ako ng mga kamay mo,
Niyakap ako ng iyong mga bisig,
Dahilan para gumuhit ang ngiti sa iyong bibig.

Ikaw ang nagbabantay,
Kapag nawawala ang inay,
Ikaw ang nagpapatahan,
Sa tuwing ako ay luhaan.

Pinapatawa mo ako,
Para din sa kaligayahan mo,
Ako'y napapagalitan mo,
Para sa ikabubuti ko.

Hinahatid mo ako sa eskwelahan,
At sa likod mo ako'y iyong pasan,
Lulundag, tatakbo ka pa,
Para mapahalakhak ako ng sobra.

Mahigpit na yakap ang sasalubong,
Kapag sa bahay, ika'y nakatungtong,
Dahil alam kong pagod ka sa trabaho,
At sa pamamagitan ng yakap ko, naiibsan ito.

Inda ko ang pagod na dinaranas mo,
Nagpursige ka para sa kinabukasan ko,
Nagbabanat ng buto para magkapera,
Pinapagod ang sarili para magkalaman ang sikmura.

Ganyan kapursigido ang ama,
Basta mabigyan lang ng magandang buhay ang pamilya,
Inaalay ang sariling kalusugan,
Para may matustos lang sa pangangailangan.

Iniabot ko ang mga kamay mo,
Niyakap kita gamit ng bisig ko,
Gumuhit ang ngiti sa aking bibig,
Ng makita kitang tumayo ng matindig.

Kulubot na ang mga balat mo,
Mahina na ang mga tuhod nito,
Ngunit ang amang nakilala ko,
Ay siya at siya padin dito sa puso ko.

Isinukbit ko ang aking medalya,
Kasabay ng pag-abot ng diploma,
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata,
At napaiyak ang aking ama.

Nabayaran na ang pagod mo,
Nakapagpatapos ka na sa kolehiyo,
At ikaw ang dahilan 'kong bakit ako narito,
Ama, salamat sa pagpupursige mo.

_

062120

Nepenthe's || A Poetry Anthology Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum