He's All That

52.2K 1.7K 518
                                    

“Miss Gonzales?” narinig ko na sinabi ng teacher ko nun. Nanahimik yung buong klase at nagtinginan lahat sa akin.

Ninenerbiyos na ako nun. Hindi ko alam kung bakit ako tinatawag. Ano naman bang ginawa ko?

Tumayo naman ako bigla-bigla doon sa upuan ko. Hindi ko na nilingon yung mga classmates ko dahil alam ko naman na sinusundan nila ng tingin yung paglabas ko. Tumango lang ako doon sa teacher ko na hindi rin alam kung ano ang ginawa ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko, lumakad ako doon sa tabi nung isang pulis na sinundo ako sa klase ko.

“Sir! Wala ho akong kasalanan!” ang unang lumabas sa bibig ko.

Wala namang sinabi si Manong pulis. Naglakad lang siya at pinasunod niya ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin nung makita-kita ko na dinadala-dala niya ako doon sa dulo ng hallway na kitang-kita pa rin doon sa bintana ng classroom namin. Sana nga lang nilayuan niya kasi ayan tuloy, kitang-kita na may kasama ako na pulis. Nakiki-tsismis tuloy yung klase ko at yung ibang mga estudyante doon sa ibang section.

Nakakahiya talaga. Bakit ba ako sinusundo ng pulis? Hindi naman ako masamang tao ‘di ba?

*****

AkoSiAndrew says: talaga lang ha?

AkoSiAndrew says: hindi mo nga kilala love na kaagad?

Nakakinis na itong AkoSiAndrew na ito. Sa forum pa lang nakikipagtalo na sa akin tapos ngayon sinubukan pa akong i-chat. Gusto lang yata makipag-away nito sa akin eh. Matatapang lang naman yung mga ganyan kapag online na. Palibhasa kasi hindi mo kilala sa personal.

Kentrice says: sabi ko love ko siya, oo.

Kentrice says: assuming ka rin! hindi ba pwedeng love dahil sa mga ginagawa niya at sa talent niya?

AkoSiAndrew says: sus. kailan pa ba kayo nag-type na love-love kung hindi naman dahil obsession yan sa mga artista?

Bwisit talaga ito. Ang sarap lang hindi na replyan eh.

Teka nga, bakit ba ako nagrereply pa?

Kentrice says: obsession?

Nag-online kasi ako at pumunta ako doon sa website nung favorite kong artista na si Jakob Hernandez. Panay pa ang participate ko doon sa forum at panay ang comment ko sa mga threads na naka-post na. Matagal ko na kasing idol yun. Years na rin.

Ang masaklap lang, itong Andrew na mapang-asar eh panay ang comment sa lahat ng pinupuntahan ko. Panay pa ang sermon sa akin sa lahat ng tinatype ko na annoying fan daw ako na kulang na lang eh sambahin ko ang artista na katulad ni Jakob. Para artista lang daw eh kung magkandarapa ako eh parang wala ng bukas. Sabi pa niya, chances daw na makilala at mapansin daw ako ng idol ko eh slim to none.

AkoSiAndrew says: oo. bakit hindi ba?

Kentrice says: hindi kaya. hindi naman ganun yun.

AkosiAndrew says: ano namang excuse mo sa obsession mo?

Kentrice says: eh bakit ba nakikialam ka kung may crush ako doon sa artista? wala namang nagbabawal.

AkoSiAndrew says: wala nga.

AkoSiAndrew says: ang sinasabi ko lang, nakakainis lang yung mga babaeng ganyan. ni-hindi niyo nga kilala kung paano yang mga artista na yan sa personal tapos pangarap niyo maging boyfriend niyo na?

Kentrice says: eh bakit ba nakikialam ka? kung ayaw mo mangarap para sa sarili mo, hayaan mo ang ibang tao.

AkosiAndrew says: mangarap ka doon sa reachable. isa pa, sa itsura mong yan sa picture mo, ‘di ka papansinun nun!

He's All ThatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon