You and Me and the Karaoke

256 41 207
                                    

"We did everything to keep you in this program but there are still students that couldn't make it. Sana ginawa n'yo agad 'yong best n'yo noong una palang para hindi na nangyari ito," sabi ng prof namin habang nakahalukipkip sa harap ng klase. Pakiramdam ko'y pinapagalitan niya pa kami ngayon kaysa i-comfort man lang. Kasalanan ba namin na napakataas ng standards nila? Inaalis lang talaga nila 'yong mga medyo matalino at tinitira 'yong mga matatalino talaga para 100% sila pagdating sa board exam.

Sa kasamaang palad, parte ako ng mga medyo matalino. Medyo matalino na medyo bobo, basta 'yong ganoon. Hindi ako 'yong tipo ng estudyante na nakikipagtalo sa ibang estudyante tungkol sa sagot nila. Ang layo nga ng mga sagot ko sa kanila e. Hindi ko rin alam kung saan ko ba nakukuha ang mga sagot na 'yon. Basta masaya na ako na may sagot ako, kahit hula lang, tumatama rin naman minsan e. Siguro nga'y sinuwerte lang din ako at nakapasa ako noong first sem.

Tumingin-tingin ako sa aking paligid, umiiyak na 'yong iba kong kaklase na natanggal din sa program. Masasabi ko na marami na kaming napagdaanan pero sa ganito rin pala hahantong ito. Hindi man lang pinaabot ng second year.

Gusto kong magmura at umiyak katulad ng iba pero madadagdagan ba ng luha ko ang grades ko? Hindi, magmumukha lang akong nakakaawa. Ayaw kong ipakita sa mga prof ko na mahina ako, gusto kong iparamdam na hindi kawalan 'tong nangyari sa'kin, na kaya kong magpatuloy kahit sipain pa nila ako palabas ng paaralang ito. Kung pwede nga lang ay ako na mismo ang umalis dito e, pero hindi pwede. Ito ang dream school ng mga magulang ko sa'kin, at ito rin naman ang dream program ko na kuhanin pero 'yon nga, pumalpak ako.

"You could go to the registrar para makapag-reserve na agad kayo ng slots sa other programs. You are lucky because may mga program na sasalo sa inyo. Don't lose hope," sabi niya saka lumabas ng pintuan. Hindi naman nakaka-encourage 'yong pagsasalita niya e. Lalo lang nakakawala ng gana.

Kinuha ko na rin ang bag ko at lumabas na. Bakit ba kasi sila nagtatanggalan ng midterms? Pwede naman sa end of the year na a? Ang hirap na namang mag-adjust sa next sem kapag ganito.

Nanlalambot akong naglakad palabas ng hinayupak na school na ito. Ayaw ko munang umuwi at ibalita sa mga magulang ko ang nangyari. Sobra silang madidisappoint sa'kin. Naplano pa naman naming lahat ang mangyayari sa congratulatory party ko kapag nakapasa na ako sa CPA board exam tapos ganito lang ang ibabalita ko sa kanila. Hay, jusko! Ang sakit sa puso.

Dahil nga ayaw ko pang umuwi, naisipan ko munang mag-isaw para naman may laman ang tiyan ko, at hindi ito mapagaya sa utak ko. Naka-pitong sticks na ata ako pero ayaw ko pang tumigil sa pagkain. Sige lang hanggang sa magka-hepa! Bwiset na buhay 'yan, oo!

Umiinom ako ng palamig nang may biglang kumulbit sa'kin, "Miss, pasok ka na sa One Night Karaoke Bar! Sabado na naman bukas so it's time to party! TGIF!" masayang sabi niya habang ako naman ay hindi makangiti sa kanya. Ipagdiriwang ko ba ang pagbagsak ko?

"Sorry ate ha. Wala akong ganang magparty ngayon." Tinuloy ko ang pag-inom ng palamig at hindi ko na lang siya pinansin.

Nakita ko naman siya na dismayadong umalis at naghanap na ng ibang tao na mauuto.

Tinapos ko na ang pagkain ng isaw at nagpunta na sa sakayan ng bus. Nag-vibrate naman ang phone ko at tinignan kung sinong nag-text.

From: Mommy

Totoo ba ang sinabi ni Grace? Naalis ka rin daw sa program? Ano ba naman 'yan, Toni?

Pagkabasa ko ng text ay nag-ring na nga ang phone ko, natawag na si mommy. Hinintay kong tumigil ito saka ko pinatay ang phone ko.

Ang bwiset naman ni Grace, inunahan pa akong magsabi sa nanay ko. Friends ba kami para makipagkwentuhan siya sa nanay ko? Bwiset na fake friend. Hay, kumukulo na ang dugo ko!

You and Me and the Karaoke (A One Shot Story)Where stories live. Discover now