1

1 0 0
                                    

Mikhaella's POV

"Haaaist fucking boring"

Nanatili akong nakahiga sa kutson habang nakatingin sa kisame nag iisip ng gagawin

Ano bang dapat gawin ng isang babaeng bored na bored?

Mag mall ka gaga

Oo nga noh

Tumayo ako at nagbihis

Isang simpleng red shirt with highwaist na black ang suot ko nag suot din ako ng black na baseball cap at nagsuot ng white shoes kinuha ko yung isang kong black na shoulder bag at umalis na ko ng apartment

Sumakay ako ng jeep para makalabas ako sa baranggay ng apolonio samson at bumaba sa may puregold pagkatapos nun ay sumakay ako ulit ng bus para marating ko yung sm north

Ako ng pala si mikhaella isa lang akong normal na babae wala akong isang bagay na matatandaan ng iba di ako mayaman binubuhay ko lang yung sarili ko at mag isa lang ako sa buhay

Tumingin ako sa bintana para pagmasdan yung paligid

Haiiist if only i can change my life

"Kyaaaaah babangga tayo!" Sigaw ng babaeng konduktor

Bago pa man ako makapagreact ay

Crash

Ughhh shit

"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ng mga tao sa paligid

Click click

Naririnig ko ang mga pagpindot nila sa cellphone nila para kuhanan kami ng litrato

Toot toot

Ang tunog ng pagpindot nila ng numero

Beeeeeeep

Ang busina ng mga sasakyan sa paligid

Sobrang ingay

Nagdidilim na ang paligid ko nararamdaman ko na na lalagutan na ko ng hininga

Tangina mamatay ba ko dahil lang sa gusto ko magmall?

"Time of death 3:42pm"

At tuluyan na nga nagdilim ang paningin ko

Pero may nakita akong liwanag mukang kinukuha na ko ng langit

Sinubukan kong imulat yung mata ko at

Splash

"Hoy gaga kung tinatamad ka magtrabaho eh madali lang naman yan" sigaw ng babaeng may katabaan at kaliitan na may hawak pa na balde na gawa sa kahoy

"Teka lang bakit ganyan yang ayos mo?" Turo ko sa damit niya

Nakasuot siya ng mahabang palda na itim tapos white na blouse tapos may headband siya na puti na para sa katulong

"Bakit may dumi ba?" Sabi niya sabay baba ng balde at pinagpagan ang sarili

"Hindi kakaiba lang para kang katulong"

Tinaasan niya naman ako ng kilay

" anong kakaiba sa suot ko eh ganto rin ang suot mo tsaka katulong ako at ikaw din"

Tinignan ko ang sarili ko

Oo nga noh ganun din ang suot ko

"Pero ang alam ko sa tindahan ako nagcellphone nagtratrabaho kailan pa ko naging katulong?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unpredictable endingWhere stories live. Discover now