Prologue

60.6K 1.1K 188
                                    

Prologue
Knights 4: Distinct Rhythm

•••

"Yaya Solis naman, e. Nakakahiya nga!" Halos mangiyak-ngiyak na akong nagmamakaawa sa yaya ko, huwag lang akong pababain sa sala.

"Ikaw Reign sumusobra ka na, ha! Baba na sa kusina!" banta niya at pinanlakihan pa talaga ako ng mata.

Napayakap ako bigla sa sarili habang umiiling. "Maawa ka naman sa akin, ya. Ayokong magpakita sa soul mate ko, it's too early for that!"

"Anong irli irli? Anong sulmit? Hindi ka pa kumakain simula kagabi, kaya kumain ka ngayon sa tamang oras. Hala baba!" Nagsimula na naman siya sa paghila sa akin kaya tuluyan na akong nawalan ng pag-asa.

Gumuho ang lahat ng pader na itinayo ko para sa sarili. How dare her betray me like I'm not her alaga!

Ayoko pang mamatay sa kilig! Nasa baba ang pinakamamahal kong Bullet, at kapag bumaba ako ay makikita niya ako.

Kahit alam kong hindi niya ako mapapansin, nakakahiya pa rin!

"Maxreign Ezriel, bumaba ka na rito!" Rinig na rinig ko ang boses ni mommy mula sa sala.

Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa frustration. Bakit niya binanggit ang pangalan ko? Bakit mom?

Anong kasalanan ko sa pamilyang 'to? Bakit nila ako tinatraydor?!

"Ikaw bata ka, ang bigat-bigat mo, nagpapahila ka pa." Naiiyak na dumaing ako nang kurutin ako ni yaya sa baywang.

"Yaya naman, e! Bakit n'yo ba ako ginaganito? Alam ninyong hindi pa puwedeng magkita ang bride at groom bago ang kasal dahil malas 'yon!" pang-uuto ko.

Lagi kasing suki ng pamahiin at mga malas-malas itong yaya Solis ko, paniguradong madadala siya sa sinabi ko.

"Reign, hindi kayo ikakasal ng kras mo kaya hindi ako kinakabahan diyan." Mas lalong gumuho ang mundo ko sa sinabi ni yaya.

Parang isang malaking dilubyo ang hagdanan nang makita ko ito.

Hindi ako bababa! Hindi ako bababa kahit kailan!

"Maxreign Adalee Ezriel! Get down!" Napatalon ako nang marinig ang boses na 'yon.

Walanghiya ka, kuya Max. Ibabaon kita sa hukay pagkatapos ng lahat ng 'to.

Pagpipira-pirasuhin ko lahat ng mga damit mo, isang traydor!

Mabilis akong kumawala kay yaya Solis nang mawala ang atensyon niya sa akin.

Patakbo na sana ako pabalik sa kuwarto nang bigla na lang may humila sa akin.

"Kuya, demonyo ka talagang impakto ka!" naiiyak na sigaw ko sa pagmumukha niya.

Tinawanan niya lang ako. "Matagal na, pumpkin!"

Kinaladkad niya ako pababa sa hagdan na para bang isa lang akong sako ng bigas.

Kung hindi lang ako nag-training baka patay na ako dahil sa pagkakahulog.

Itinakip ko ang mahaba kong buhok sa gilid ng mukha ko para hindi ako makita ng mga kabanda ni kuya.

Especially my babe, my sweetheart, my bunnybaby, Bullet.

Ginamit ko na rin ang kamay para matakpan ang mukha ko habang hila-hila ako ni kuya papuntang kusina.

"Pakyu ka Max Arazon. Mumurahin kita nang paulit-ulit hanggang sa mahimatay ka," naiiyak na bulong ko sa kaniya.

Minukhaan niya lang ako at umirap na parang bakla. "Hindi ka naman mapapansin ni Bullet kaya huwag mo nang takpan mukha mo. Ayaw niya sa mga manok."

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now