A Letter to Love

101 12 4
                                    

A LETTER TO LOVE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A LETTER TO LOVE

B Y  D A R A  N A K A H A R A

July 16, 2020

***

What is love? Where to find it? How can I have it?

Hi Love,

This is me again. Pang-ilang beses na rin akong nagsulat para sa iyo, Love. Nakukulitan ka na ba sa akin? I hope you are not. Ito lang kasi ang alam kong paraan para maiparating sa iyo ang mga nararamdaman ko...ang mga katanungan ko...ang mga gusto kong sabihin sa iyo mula pa man no'ng una.

Sino ka ba talaga, Love? Sorry ha, alam kong ilang beses mo na ito narinig mula sa akin at mula sa iba. Hindi pa rin kasi kita kilala hanggang ngayon. Since I was young, naririnig ko na ang pangalan mo pero hindi pa rin kita matagpuan.

Ganda ka, Love? Lagi ka kasing sinasambit ni nanay at tatay. Minsan-minsan ay naririnig ko rin mula kila ate at kuya pero tila ba nahihiya sila na banggitin ka kaya tuwing may okasyon nalang kita naririnig mula sa kanila.

Hanggang sa nagkaroon na ako ng isip ay palagi na rin kitang naririnig sa mga tao, Love. Gasgas na nga ang pangalan mo, very peymus ka na, alam mo ba iyon? Lagi ka nalang nilang bukang bibig. Lalo na kapag kasama nila ang mga mahal nila sa buhay. Kapag kasama nila ang mga asawa nila, anak nila, jowabells nila o mga kaibigan nila. Minsan pa nga naririnig ko pa ring binabanggit ka nila kahit sa mga bagay, hayop o halaman pa iyan.

Ano ka ba, Love? Importante ka ba? Kasing importante ka ba nila nanay at tatay? Kasing importante ka ba ng pagkain, tubig at bahay? Kasing importante ka ba ng hangin? Kasing importante ka ba ng pera? Kulang na ba ako kapag wala ka? Mamamatay ba ako kapag hindi kita nahanap, Love?

Sorry ha, ang dami kong tanong sa iyo. Hindi ko pa kasi alam. Hindi ko pa lubos maunawaan. Dahil kung ganoon ka nga kahalaga, gusto rin kita makilala, Love. Gusto ko rin marinig iyon mula sa kanila. Katulad ng iba na nagpapalitan ng pangalan mo sa isa't-isa.

Lumaki na ako at medyo naunawaan ko na kung sino ka at ano ka, Love. Lalo tuloy akong na-curious na mahanap ka. Gusto kitang makilala ng lubusan para maranasan ko naman ang nararamdaman ng iba. Naiingit kasi ako sa tuwing nagkukuwento ang mga kaibigan ko tungkol sa iyo at sa tuwing ibinabahagi nila ang kanilang karanasan sa iyo.

Sabi nila, masaya daw. Sabi naman ng iba, mahirap. Sabi pa nga nila, masakit. Kung anu-anong kuwento na tungkol sa iyo ang naririnig ko mula sa iba. Kung anu-anong ibig sabihin na rin ang nalaman ko na hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Nakita ko na silang tumawa, umiyak, magalit at mabaliw sa iyo, Love. Bakit ganoon? Akala ko kasi puro saya lang kapag nakita ka na, Love. Minsan tuloy, parang ayoko na, natatakot kasi ako sa mangyayari pero nananaig pa rin iyong kagustuhan kong matuklasan ka.

Kailan ba ang oras para makilala kita? May tama bang panahon para sa iyo? Naiinip na kasi ako kakahintay sa iyo, Love, ang tagal mo naman kasi dumating sa akin. Darating ka pa nga ba o kailangan pa bang hanapin kita? Halos lahat kasi ng nasa paligid ko ay nahanap ka na pero marami pa rin naman ang kagaya kong hindi ka pa rin nakikita. Bigo na mahanap ka, bigo na maranasan ka at bigo na malaman ang totoong ikaw.

Kailan ko ba malalaman na ikaw na iyan, Love? Kailan ako makakasiguro na ikaw na pala iyan at hindi peke lang katulad nang nakita ng iba? Ayoko kasing masaktan, ayoko kasing maloko, ayokong mabaliw dahil sa iyo, Love, pero kailan nga ba? Kapag ba nakaramdam na ako ng tuwa at saya? Kapag ba umiiyak na ako dahil sa sakit? Kapag ba tumigil na ako sa sobrang hirap at pighati? Kapag ba galit na lang ang natitira sa puso ko?

Saan ba kita makikita, Love? Kung saan-saan na kasi ako napadpad pero hindi pa rin kita matagpuan. Nasaan ka ba? Nagtatago ka ba sa kanila? Sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw o sa mga taong dumaan lang sa buhay ko at hindi nagtagal o sa mga taong nanatili sa tabi ko hanggang ngayon?

Everyone is trying to find you, the real you, just like me. Iyong iba masaya na sa piling mo, iyong iba napapagod na kakahintay sa iyo, iyong iba sobra ng nasaktan kaya tumigil na kakahanap sa iyo, iyong iba naman nakita ka na pero hindi pa rin makuntento, at iyong iba sumuko na kahit hindi pa nag-uumpisa.

Love, paano ba kita mahahanap? Iyong totoong ikaw. Iyong totoo mong mukha dahil papalit-palit ka ng itsura. Anong kailangan kong gawin para makita na kita talaga? Nakakapagod na kasing maghintay. Nakakapagod na kasing sumubok. Paulit-ulit nalang kasi, Love. Paulit-ulit kitang nakikita pero paulit-ulit lang din akong nagkakamali ng pagkakakilala sa iyo.

Hanggang sa marinig kita sa isang mangangaral. Makikita ka raw sa Kanya. Iyong tunay na ikaw. Iyong tunay na meaning mo, Love. Kinuha ko tuloy ang bible ko na hindi ko naman madalas na buklatin at binasa iyon. Doon ko nalaman na mayroon palang tunay na pagmamahal na walang hanggan. Napapanood ko lang kasi iyon sa television at sa movies. Nababasa sa wattpad at sa mga libro. Meron pala no'n, Love? Ikaw na ba iyon? Ikaw na nga ba iyon katulad ng nabasa ko sa bible?

 May iba't-iba ka raw kahulugan, Love, ayon sa nabasa ko sa bible. Ikaw raw ay matiyaga at mabait. May kabutihan ka raw loob kahit pa sa mga hindi mabuti at masama sa iyo. Hindi ka raw naiingit sa iba, Love, kundi natutuwa pa sa nakukuha o mayroon ang iba. Hindi ka rin daw nagmamapuri o nagmamataas bagkus ay nagpapakababa para sa mga taong mahal mo.

Love, hindi ka raw nag-uugali ng hindi nararapat. Hindi kaw raw naghahangad ng pansariling kapakinabangan kundi iniisip mo rin ang iba, ang kapwa mo. Hindi ka rin daw pala madaling magalit o padalos-dalos kagaya ko. Hindi ka rin daw nag-iisip ng masama o nagbabalak na maghiganti sa mga nanakit o nanira sa iyo. Hindi ka rin daw nagagalak sa kalikuan kung hindi ay nagagalak sa katotohanan.

Love, ikaw raw ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas. Ang dami mo palang kahulugan pero ang pinakamalalim ay...

Love, Ikaw daw ay Siya. Hindi ka raw namin mararanasan kung hindi dahil sa Kanya dahil Siya raw ang nagpakita at nagbigay ng totoong kahulugan mo, Love, nang ibigay Niya ang Anak niya para sa lahat ay Kanya rin daw ipinakita ang tunay na pagmamahal.

Love, makikita ka raw sa pamamagitan Niya. Dapat daw ay kung mahal namin Siya ay mahal rin namin ang aming kapwa. Makikita rin daw kita sa bawat-isa. Sa bawat taong naniniwala at nakilala ka na.

Kung saan-saan pa kita hinanap, sa Kanya lang pala kita makikilala. Sa Kanya ko pala malalaman ang tunay na ikaw at ang kahulugan mo na matagal ko ng hinahanap. Sa Kanya ko pala matutunan kung paano at kanino kita dapat makita at ipadama, Love.

Love, hanggang dito na lang ang sulat ko. Maraming salamat sa pakikinig at pagbabasa nito. Pasensiya ka na sa istorbo pero masaya akong makilala ka na. Alam ko na ngayon kung sino ka at nasaan ka.

Salamat sa iyo, Love, dahil sa una palang pala ay nakita mo na ako at hindi mo na pinakawalan pa.

Love lots,

Someone you've love

***

Author's Note:

Hello! After 5 years, first time ko ulit gumawa ng parang One-Shot story. But this is a letter tho. Bigla lang pumasok sa isip ko kaninang umaga kaya isinulat ko na. Hope you like it. Thank you for reading! Please support my upcoming story this July, Dear Stranger (You changed me). Thank you and God bless your heart, dearies! ♥

To GOD be all the Glory

D A R A N A K A H A R A

A LETTER TO LOVE✔️ (One-Shot Letter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon