Kabanata 8

12.4K 429 26
                                    

It's already 7 PM. I'm in the palace here in the room too. I look at myself while wearing my gown. Masyadong mahaba at malaki. Hindi ko alam kung mailalakad ko ito nang maayos.

But this is okay for me, because my chest is covered so they can't see my butterfly tattoo.

Isinuot ko na ang crown sa ulo ko at pumunta sa balcony para silipin ang mga tao sa baba.

Ang dami, nakakahiya. Pero nag lakad na ako paalis upang bumaba.

Pinag buksan naman ako ng pintuan ng Royal Guards at bumungad naman sa akin ang napaka daming tao.

Ang lahat din ay sa akin nabaling ang tingin. O baka napalingon lamang sila dahil nag bukas ang malaking pintuan ng palasyo at nasilaw sila ng liwanag ng loob nito.

Pero mukhang mali ako. Umingay kasi bigla sa paligid.

"Wow."

Halos lahat sila ay iyan ang nasabi.

"She looks like a queen."

"She's so gorgeous."

"F*ck, she's so damn pretty."

Ang dami kong compliment na natanggap pero hindi ko iyon pinansin dahil nangibabaw si Lexus sa paningin ko. May hawak siyang glass of wine. Napaka elegante n'ya, napaka linis ng itsura, sobrang nangingibabaw s'ya sa lahat ng nandito. Hindi ko maitatanggi na napaka gwapo n'ya.

Naka titig s'ya sa akin na tila na attract din sa itsura ko. Pero umiwas din siya ng tingin nang mapansin na nakatingin ako sa kan'ya.

Nabaling ang tingin ko kay Aisler. Nakatitig rin s'ya sa'kin ngayon pero seryoso lamang ang mukha n'ya.

Tsk, kasalanan n'ya kaya kung bakit ako naka ganito ngayon. Ang bigat-bigat nitong gown ko, pero ayos na din.

Dahan-dahan niya akong nilapitan.

Tumabi lamang s'ya sa akin pero hindi n'ya ako tinignan, at nilingon kahit isang beses.

"Hold on to my arm." utos n'ya. Deretso lamang ang tingin niya habang sinasabi 'yan. Ngayon lang s'ya nag pahawak nang kusa.

Hinawakan ko na lang ang braso n'ya at nag simula na kaming mag lakad papunta sa gitna para sa panimula ng party.

"The party is about to start. Hope you all enjoy it." sabi ng Master of Ceremony.

Nang maka puwesto kami ni Aisler sa gitna, pumwesto na din si Lexus at Xavia. Hinanap pa ng mata ko si Eurich at papunta na din naman sila dito ni Thaddeus.

Yung mga estudyante sa paligid, halos mamatay na sa inggit.

Anim kaming nasa gitna, ang mga hari at ang mga partners nila.

I put my hand on Aisler's shoulder. He put his hand on my waist and held both of our hands together. He stared at my face before we started.

Nang tumunog na ang kanta, dito na kami nag simula. On the spot 'to, pero hindi naman kailangan ng magandang step para sa sayaw. At tsaka sanay nanaman ako sa ganito.

Habang sumasayaw, nanonood lamang ang mga tao sa amin.

Naka focus lamang ang mata namin ni Aisler sa isa't isa. Medyo nag tataka s'ya dahil halos alam ko lahat ng rules sa pag sayaw.

Umikot ako habang hawak ang isang kamay ni Aisler. Bumalik rin kami sa unang step at halos mag dikit na ang mukha namin dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

Inilayo ko ang sarili ko sa kan'ya dahil may palitan ng partners. Nalipat ako kay Lexus, agad niyang hinawakan ang bewang ko at ang kamay ko.

He straightly looked at my eyes and stared at me while we're dancing.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now