26

9.6K 333 22
                                    

CHAPTER 26

Nang magising ako, nag taka ako kung bakit naka gapos ang mga kamay ko habang nakaupo dito sa bangko. Madilim din dito sa kuwartong ito at hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito at kung sinong nag dala sa'kin dito.

Ano bang ginagawa ko dito? Ang sakit pa ng ulo ko.

Ano bang huli kong ginawa para mapunta dito?

"Oww, gising kana pala."

Rinig kong boses mula sa likod ko at nilapitan naman ako ni Venus.

"Ano nanaman ba 'to, Venus?" inis kong tanong.

"Hindi kaba natatakot right now? This is your last day, Blythe." banta nito pero medyo natawa lang ako.

Sira naba ang ulo n'ya? Hindi ba s'ya nag iisip?

"Pakawalan mo na'ko dito bago pa kita masakal." kalmado ang boses ko pero medyo may inis padin sa tono. Nanlalambot kasi ako at masakit ang ulo kaya hindi kona malakasan ang boses ko.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong n'ya at nilapitan ako. Hinawakan n'ya ang baba ko at itinaas ang ulo ko upang iharap sa kan'ya.

"I told you, this is your last day. Ilang beses mo na akong nilabanan at pinalagan knowing na I'm a princess. Nasa posisyon ako para gawin 'to kaya wala kang magagawa." saad n'ya at muling dumistansya sa'kin.

Ano nanaman bang pinaplano n'ya?

"Natatandaan mo paba ang wine na ininom mo kanina? galing sa'kin 'yon. Hindi moba naisip 'yon? Masyado kang desperada kay Lexus kaya mo tinanggap 'yung wine?" medyo natatawa nitong usap at napangisi naman ako.

Ako pa 'yung desperada, ah.

"Hays! okay naman pala 'yung pang gagamit ko sa pangalan ni Lexus para madala ka dito."

Ang ingay ingay n'ya at kanina pa'ko napipikon sa bunganga n'ya. Ayoko pa naman sa lahat ay ang maingay. Nakaka bugnot! mas sumasakit ang ulo ko.

"Puwede bang manahimik kana? ang ingay-ngay mo!" sambit ko na ikinaasar ng mukha n'ya. Nilapitan n'ya ako at sinampal.

"F*cking b*tch! Ikaw lang ang nag lakas loob na bastusin ako!" pagalit n'yang sambit at sinampal pa'ko.

Sinamantala n'ya ang pagkawalang palag ko kaya sinunod-sunod nito ang pag sampal sa'kin.

Tinignan ko s'ya sa mata at hindi kumawala ang tingin ko sa kan'ya.

Napangisi pa s'ya dahil tila na tatatagan s'ya sa'kin.

"Too brave, huh? Ewan ko lang kung tumapang kapa sa gagawin ko." pananakot n'ya at kinuha ang kutsilyo.

Dahan-dahan s'yang lumapit sa'kin at hiniwaan ang hita ko. Dinahan-dahan n'ya ang pag hiwa dito para mas madama ko ang sakit.

Hindi ko maitatanggi na masakit talaga at gustong-gusto konang sumigaw dahil dito pero hindi ko ginawa. Napatingala lamang ako habang iniinda ang sakit.

"Ahhh!" hindi kona natiis at napasigaw na'ko dahil sa sakit.

Itinigil n'ya ang ginagawa n'ya at ang braso ko naman ang isinunod n'ya.

Sira na talaga ang ulo n'ya. May mental disorder ba s'ya para gantuhin ako?

Hiniwaan n'ya ang braso ko at hindi koapigilang sumigaw dahil sa sakit na sinabayan pa ng hapdi din ng hita ko.

"Ahhhh!" sigaw ko ulit at pilit tinatanggal ang pagkakatali ko mula sa likod ng upuan pero ang siraulong 'to! kadena ang ipinang tali sa'kin kaya wala akong magawa.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now