Panimula

14 0 0
                                    

"What did I do wrong?" habol sa akin ni Joey. Hindi ako lumilingon kahit ngayon ay nasa amin na ang atensiyon ng lahat dito sa entrance ng resort namin. I mean ni Daddy. "Hey , Marie. Talk to me please." Hawak niya sa kamay ko.

"Leave me alone, Joey." Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. But I didn't win. Mas lalo lamang niya hinigpitan ang hawak. Nakakainis. "Bitawan mo ako. Ano bang gusto mo?"

"Let's talk. Na tayo lang dalawa." Paawa effect niyang sabi. Kung alam niya lang na nakakairita ang mukha niyang ganito. Dagdag pa ang mga walang kwentang niyang kaibigan na nakapamulsa pang nakatayo sa likuran niya.

"Ano pa bang ginagawa natin? Diba nag-uusap na tayo? At kung gusto mo pala na dalawa lang dapat tayo ang mag-uusap , sana hindi ka nagsisisigaw jan." Hindi ko na maitago ang pagkasarcastic ng boses ko. Sino bang matutuwa na pinalilibutan ka na ng mga chismosa at chismosong mga tao. I hate such attention.

"Please , alam ko namang mahal mo ako e. At mahal din kita. Don't make this so complicated. Wag mo na akong pahirapan." Lakas din talaga ng tama nito. Ang kapal kapal ng mukha.

"Oh! Joey Galvez , nakakaawa ka. Mukha lang meroon sayo pero utak? I am very doubtful about that. Magkaroon ka naman ng unting hiya para sa sarili mo." gwapo sana e wala lang talagang utak. Nilamon na ng kakapalan ng mukha niya.

Narinig ko ang bulungan ng mga walang kwentang audience namin. Jusko , malamang sikat na naman ako sa buong bayan maya-maya lamang. Malamang ay kami na naman ang sentro ng usapan nito mamaya. Lagot na naman ako kay Daddy. Lalo na ang mga tao dito e kakasimula pa lang ng araw nachismis na ang buong mangyayari sa loob ng isang araw.

Akmang tatalikod na ako para umalis ng muli siyang magsalita.

"Marie Bautista , are you really out of your mind? Hey, si Joey to. Joey Galvez. Ang kaisa-isang crush ng mga babae , bata man o matanda dito sa Isla Paraiso. Talaga bang babustedin mo ang dream boy ng Isla Paraiso?" parang nagkaroon ng invisible na bagyo ang tumama sa akin dahil sa kahanginan nitong hayop na to. Sarap ilibing ng buhay. Saan ba to nakakakuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga nakakasukang bagay na to.

"Kaisa-isang crush? Will , mukha lang puhunan mo Joey , pero paano ba yan wala kang utak! Aanuhin mo ang gwapo mong mukha kong gonggong ka naman?" Talagang sinasagad na ako ng pesteng to.

"Talaga bang babustedin mo ang dream boy ng Coron ? I really love you Marie. Please, just give me a chance." this time ay humarap na ako sa kanya. Parang nauubusan na ako ng mga salitang ibabato dito para matauhan. I-untog ko na lang kaya to sa pader?

"If you really love me stop being a stupid boy. 'Cause I really hate boys and I don't need them." then I walked out.

Stress na nga ako dahil sa mga papers na dapat pirmahan at pag-aralan para sa next project ng resort namin dagdag pa ang gonggong na Joey na iyon. Kahit kailan talaga wala ng ginawang matino. Hindi na lang aasikasuhing ang pamamahala sa lupain nila. Nagtataka nga ako kung bakit sa kanya pa pinamahala ang lupain nila dito sa Isla Paraiso. Siguro lasing si Tito Ben ng kausapin itong si Joey. Jusko lalago kaya itong lupain nila? Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyari ngayon. Kailan kaya ako magkakaroon ng matiwasay at payapang araw.

Paano kaya maiiwasan itong si Joey kung kaharap lamang ng lupain nila ang resort namin? Pwedi ko rin naman sigurong i-suggest kay Daddy na bilhin na ang lupain ng mga Galvez para mawala na sa landas ko ang mahanging Joey na iyon.

Isusugest ko iyon mamaya kay Daddy. Sigurado akong papayag iyon lalo na at marami pa kaming plano para sa resort lalo na ang mga bagong rooms for the guest. Ang talino mo talaga Marie. Isa kang henyo.

I don't need BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon