" 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐀𝐌𝐍𝐄𝐒𝐈𝐀 " ( PART 1 )

23 1 0
                                    

" THE HEART OF AMNESIA "
PUBLISH BY: CHROME SENDO

Ako si Chander, 16 years old, matangkad. Maraming nagsasabing may itsura daw ako, oo alam ko naman! Pero para kasi sa akin ay normal lang kung anong meron ako, pero masasabi ko talagang GWAPO ako!!. Simula noong naging independent ako, pinagsikapan ko na talaga ang aking sarili na mamuhay mag-isa. Malayo sa pamilya ngunit suportado pa rin naman nila. Dito ko rin masusukat kung paano ba maging isang matatag na tao.

Nangungupahan ako ngayon sa isang boarding house na di naman kalayuan sa aming eskwelahan, mas tipid dahil walking distance lang ay nasa eskwelahan ka na. Ako pala yung tipo ng taong palakaibigan, palabiro, at gala. Mas masaya kasi kapag maraming kang kaibigan dahil nakakatulong din sila sa paglawak ng iyong pang unawa at pag iisip, at kapag kasama mo sila ay marami kang matututunan pero sa malinis na paraan, pero may konting kalokohan din naman haha.

-----

Nasa room na ako noon unang linggo ng pasok, bagamat halos naman ng lahat ng kaklase ko ngayon ay kaklase ko noong 3rd year kaya wala nang hiya hiya sa loob ng room, daldal dito daldal doon. Sa gilid ko ay ang daming nagdadaldalan, yung iba ay nagpapacute pa sa akin syempre susuklian ko rin ito dahil nga friendly akong tao. Nakaupo lang ako sa aking upuan habang kausap ang isa kong kaklase, si Renz.

Natahimik ang lahat nang may biglang pumasok na lalaki sa loob ng aming silid. Hindi ko pa sya nakikita kahit saan. Yung ibang babae biglang tumili.

" OMG!!!!". Narinig ko pa ang isang babae na sinabi iyon.

Oo nga naman infairness may itsura din at matangkad sya na halos kasing taas ko lang. Pero di pa rin ako papatalo sa kanya kahit na mas lamang pa sya ng tatlong buhos sa paligo.

Napansin ko rin na sa akin sya nakatingin, nakipagtinginan din ako at sinundan pa ng aking mata kung saan ang tungo nya. Ngunit nagulat nalang ako nang maupo sya sa kabilang upuan katabi ko, sakto kasing bakante ang upuang iyon, hindi ko na tuloy nakausap si Renz.

" Hi babe?". Ang pagbungad na sinabi ng lalaki sa akin.

Nagulat ako, nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi.

" A-ano daw? B-bbabe??". Bulong ko sa sarili.

" Aahhhhhh!!".
" OMG!!".
" Shhheeeet!".
" A-aang GWAAPOOO!".
" Kuyaaa dito ka tumabi sa akiinnn!!".

Ang mga naririnig kong sigawan ng mga kababaihan na nakatingin sa amin. Halos nafreeze ang utak ko, nagtataka kung ako ba yung tinawag nyang babe pero sa akin naman sya nakatingin.

" A-A-K-O??". Pagkakaemphasize ko pa sa aking nasabi.

Tumango ang lalaki sa akin at kumpirmado na ako nga ang kanyang sinasabihan.

" A-no? Ako? Seryoso ka? A-ahh na-nagkamali ka yata ng pinasukang room tol?!". Saad ko.

Pinagtitinginan na kami ng iba ko pang kaklase. Bigla naman lumapit sa amin si Kyla.

" Shockkkss! Babe? Oh my God Chander is that your boyfriend? Ang gwapo ha grabe!!". Ani ni Kyla at nakakagat labi pa ang bruha.

" H-ha?? Nagkakamali ka Kyla! H-hindi ko yan boyfriend, hindi ako bakla! A-at saka h-hindi ko yan kilala!!". Maikling paliwanag ko na may halong lito.

" A-ah, p-pasensya na kayo, naexcite kasi akong makita itong baby ko kaya di ko na napigilan ang sarili ko". Pagsabat nung lalaking hindi ko kilala tapos nakangiti pa. Kumindat pa sa akin. Pa cute lang?.

Muli na namang nagtilian ang mga babaeng nakakabadtrip! Tinitigan ko ng masama ang lalaki, parang gusto kong sapakin ang pagmumukha nito pero mas naawa ako sa mga babae baka kamuhian nila ako kapag ginawa ko iyon.

𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐀𝐌𝐍𝐄𝐒𝐈𝐀Where stories live. Discover now