Chapter 02

20.1K 654 177
                                        

Chapter 02: Cursed (trigger warning)


"This is not happening," I uttered as the police officer opened the gate, that means my imprisonment here is already done. I can't believe that all of a sudden, the eight years of my imprisonment passed already because it feels like one year of living inside.


Mariin kong hinawakan ang bag ko kung saan nakalagay ang mga damit na ginamit ko sa walong taon na pagkakakulong.


Disiotso ako nung nakulong ako at ngayon ay bente-sais na. Parang mas gusto ko nalang na bumalik sa kulungan kaysa naman sa lumaya ako na tanging mapanghusgang mga tingin ang bubungad sa akin.


"Dito, Eliza," utos sa akin ng police officer na dahilan para sumunod ako sa kanya.


Nagpunta kami sa isang lugar kung saan binibisita ang mga nandito sa presinto at halos malaglag ko ang dala-dala kong bag nang biglang bumungad sa akin ang isang tao na hindi ko naman inaasahan na unang mag-papakita sa aking paglaya.


"Hinihintay ka na niya," the police officer said, but I was hesitating to face him. In just a snap, I remembered the scene wherein I called his name, and I feel that my heart shattered.


Puwede bang bumalik nalang ako sa kulungan? Nahihiya ako na magpakita sa kanya dahil tinuring niya ako na parang isang anak pero nagawa kong patayin ang kapatid niya.


I feel like my legs are going to collapse as our eyes meet. Medyo maputi na ang mga buhok nito pero kita mo pa rin ang pagiging maayos nito sa kanyang suot na traje de boda. Nakasalamin na rin ito at medyo kumulubot na ang mukha. Ilang taon na ang lumipas pero tandang-tanda ko pa rin ang mukha niya noong gabing binaril ko si Daddy.


Even though my knees are trembling, I cope up to walk in front of him. For eight years, no one visited me here in prison because they hated me, but I didn't expect that he would be the first one I would see on the first day I was released.


"Malaya na ba talaga ako?" una kong tanong sa kanya pero narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Dinungisan ko ang pangalan ng pamilya namin at mas pipiliin ko nalang na makulong dito kaysa naman sa lumaya.


"Yes, eight years is already done, Eliza," Tito Mike declared but I wasn't happy about it.


Napakabilis ng panahon at heto na naman ako, haharap sa maraming tao na alam kong hindi naman ako tatanggapin. Bakit ko ba inaalala kung tatanggapin nila ako o hindi? Sa dulo ay sarili ko lang dapat ang kapitan ko pero hindi ko kayang gawin 'yon.


"Anong ginagawa mo dito?"


Si Daddy ang panganay, sumunod si Tito Mike, si Tito Collen at Tita Verna. Si Tito Mike lang naman ang mabait sa akin at siya lang ang nagpapatigil sa pagmamalupit sa akin ng mga magulang ko pero hindi sila nag-paawat. Kaya nga lagi akong kampante kapag nandiyan si Tito Mike dahil alam kong pagsasabihan niya ang mga magulang ko na huwag akong saktan.


Pero ngayon na nandito siya sa harapan ko ay hindi ba siya galit o kinakahiya man lang ako? I killed his brother, and now he's here taking me out of the prison.

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Where stories live. Discover now