3rd Scene New girl

18.6K 626 14
                                    

~~~~~KARA's POV~~~~~

Naku nawawala na ata ako. Pero tama naman ang sinundan kong instruction sa akin ni Izzy. Ang laki-laki naman kasi nang school na to. Di ko tuloy alam kung asan na ko. Pano yan? Baka malate pako nito. First day na first day late. Mas mabuti sigurong mag tanong na lang.

"Excuse me?" Tanong ko sa isang babae.

"Bakit?" Masungit na tingin niya sa akin.

"Ahmm san po dito yung section 4-C?" Bigla ata siyang nagulat sa tanong ko sa kanya.

"4-C ka?" Tanong din nung kasama niya.

"Ahmm opo." Tipid kong tanong sa kanila.

"Pa tingin nang schedule mo?" Sabay hila sa class schedule ko. "4-C nga" gulat niyang sabe ulit sa akin.

"San po ba yan?" Tanong ko.

"Nakikita mo tong linyang to. Diretchohin mo tas kumaliwa ka tas may makikita ka dung stairs akyatin mo. Yung pang apat na door yun ang 4-C." Mahaba niyang explanation sa akin. Ang layo naman. "Nakuha mo?"

"Ah oo. Salamat." Sabay ngiti pa sa kanya nang kasama niya. Ganoon din naman yung sinabe sa akin ni Izzy pero naiba lang ang version ng pagturo niya.

Bago ako lumayo narinig ko yung kasama nung miss sungit na nag salita. "Kawawa naman siya sa 4-C siya napunta. Baka lumipat agad yan ng school kapag nakita niya mga kaklase niya."

"Hayaan mo na." Sagot naman ni Miss Sungit.

"Kawawa. Bat nanaman?" Napa isip tuloy ako nang biglang may nakabangga sa akin.

"Itai" bigla kong tili. May mainit na dumapo sa damit ko. Sobrang init. ---> (Itai means ouch)

"sh*t" bulalas din nang nakabangga sa akin.

"Ash okay ka lang?" Tanong nang kasama niya. Sila yung apat na lalaki kanina sa room.

"Miss okay ka lang?" Tanong din nang isang kasama nila sa akin. Very dark siya. Dark pants, dark shirt at dark leather jacket sabay mahaba pa ang buhok pero fairness gwapo kahit na ganyan siya manamit.

"O-okay lang ako." Sagot ko sa kanya.

"Hoy di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Masamang tanong sa akin nung nakabungguan ko.

"Tumitingin. Ikaw nga jan yung bumunggo sa akin eh" mahinahon kong sagot sa kanya.

"Huwag mo ng awayin." Sagot nung isang lalaki na nag paalis sa amin ni Izzy sa room kanina.

"Tara na" tipid na sagot lang nung isang lalaki sa harap namin. Parang naiirita lang.

Umalis na sila. Nang walang lingon lingon. Pero wait anong gagawin ko dito sa damit ko? . Shaks ano to coffee. Anak nang. Waaahhhh. Tumakbo ako agad sa ladies room na una kong nakita at hinubad ko yung damit ko. Buti nalang may jacket ako dahil kung hindi lagot ako. Kinuha ko na din yung cream na lagi kong hawak hawak at pinahid sa coffee na natapon sa akin.

Pagkatapos kong mag ayos ay binilisan kong pumunta sa room namin. Laking gulat ko nung pumasok ako sa room. Magulo, maingay, masasama ang tingin, mayayabang ang dating in short mga delinquents nga ang mga kaklase ko. Halos lahat din sila di ko nakita kanina sa meeting nang mga seniors. Umupo nalang ako sa pinaka dulo sa gitna dibale wala naman atang umu upo dito. Dun ako nag hintay nang teacher na dadating.

"Good morning class" maaliwalas na bate nang isang lalaki sa amin. Teka siya yung principal diba?

"Morning" boring na sagot nang mga kaklase ko.

My girl is a Mafia!!Where stories live. Discover now